CHAPTER 12

3.7K 81 1
                                    

SHE IS DANGEROUS

Written by: Apple

"Bruce, napansin mo na ba ang napansin namin?"

"Ano yun?" Tanong ni Bruce habang tumutungga ng red horse.

"Si Danarah!"

"Oh, anong meron sa babaeng yun."

"Hindi namin alam basta parang may kakaiba sa babaeng iyon."

"Hindi naman pala kayo sigurado eh."

"Ano kaya kung manmanan natin siya."

Nag-isip si Bruce saka ngumisi. May punto ang kaniyang mga kasama at magagamit din niya si Danarah upang makaganti kay Jiro.

"Anon kaya kung asarin natin si Jiro. Bigyan natin ng sample at kay Danarah natin umpisahan."

"Ayos!"

Nagtawanan ang mga kasamahan ni Bruce. Ganon ang gusto ng mga ito. Ang gumawa ng hindi maganda upang makapang-asar sa mga kaaway nila lalo na sa mga kababaihan.

Habang nagkakasiyahan ang mga ito ay may mga mata namang nakamasid sakanila. Alam na ni Azi kung ano ang nilalaman ng isip ni Danarah.

"Pwede bang wag na muna tayong kumitil ng huhay." Turan ni Azi.

Hindi umimik si Danarah.

"Marahil ay may kalokohan silang ginagawa pero may nagkokontrol sakanila. Dapat sila ang mawala sa mundo." Pagpapatuloy ni Azi.

"Anong gusto mong gawin natin?" Tanong ni Danarah na matalim ang tingin sa mga kalalakihan na nagkakasiyahan.

"Bahala ka na Danarah pero hangga't maaari ay iwasan mo muna ang---" hindi na nito tinuloy ang sasabihin.

"Lipat tayo ng pwesto." Agad na ika ni Danarah.

Sumunod lang si Azi sa kaniya. Ito ang role niya, ang maging kanang kamay ni Danarah na dating papel noon ni Xavier, ang yumao nilang kaibigan na namatay dahil sa hazing. Matagal na nilang kalaban ang neophyte praternity. Ito ay malawak na grupo na kahit saang bansa ay nagtataglay ng sanga. Ngunit dahil alam na ng lahat na delikadong grupo ang neophyte, nagpapalit ito ng pangalan sa ibang bansa. Kaya naman hindi nila mabuwag-buwag ang grupo kasabay pa ng makakapangyarihang tao na sumusuporta dito.

"Azi, mukang nagkakahiwalay na sila."

"Anong balak mo?"

Hindi umimik ang dalaga pero isa lang ang nasa isip nito.

"Ayos talaga si Bruce pre, pwede nating hingiin si Danarah sakaniya. Nakakapanggigil yung babae na iyon. Ano kaya lasa niya?" Wika ng isang myembro ng altasyd. Nagtawanan sila ng kasama niya.

"Ano kaya mararamdaman ni Jiro kung ang bebot niya ay niyari na ng iba?" Nakangising wika rin hg isa.

"Sigurado pre, malaking insulto sakaniya iyon."

Muli silang nagtawanan.

Sa pagklalakad nila ay hindi nila napansin ang nakaharang na tao sa kanilang harapan.

"Huh! Sino ka?" Sabay na bulalas ng dalawa sapagkat hindi nila makilala ito dahil sa suot na sutana na may hood.

"Sino ka sabi eh, nang-aasar ka ba?"

Hindi parin umiimik ito kaya naman sumugod na ang dalawa at sa pagsugod nila ay nakahanda naman ang isang samurai sa likuran nito.

Hindi pa man nahawakan ng dalawang lalaki ang misteryosong tao sa harapan nila ay naikumpas na nito ang dalang samurai at walang awang winagayway sa dalawa.

SHE IS DANGEROUS ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon