CHAPTER 2

5.1K 122 0
                                    

SHE IS DANGEROUS

Written by: Apple

Halos lahat ng madaanan niya ay naaagawan niya ng atensyon.

"Alam mo ba kung bakit ganyan sila makatingin sayo." Boses ng nanny Stephanie niya mula sa kaniyang likod.

"Dahil hindi nila akalaing may impaktang kasama ang isang tulad ko? At ang impaktang iyon ay ikaw." Sagot niya habang patuloy na naglalakad.

"Hayyss, grabe naman! Ako pang maganda ang sinabihan ng impakta." Sa loob-loob ni Stephanie.

"HINDI!!! Ikaw ang problema." Humarap si Stephanie sakaniya kaya tapatigil siya ng hakbang.

"Tignan mo nga ang itsura mo kumpara sa mga kababaihan dito. Para kang hindi galing sa liberated na lugar."

"Whoaahh, nakalimutan mo na ba ang pagtuturo mo sa akin ng mga kultura ng mga Pilipino?"

NGIIKKK!!!

"Hihihi,,,oo nga ano? Bakit hindi ko naisip iyon."

Nagpatuloy siya sa paglakad. Parang gusto niya munang dalhin ang kaniyang yaya sa mental hospital.

CENTER OF ATTRACTION. Siya iyon, ewan pero hindi maganda ang nababasa niya sa mga mata ng mga taong naroon.

Marahil ay imbyerna sila sa kasuotan niya. Naka-eye glass siya with black frame, nakapants ng black at nakasuot din ng black boots habang nakasunata ng kulay black din. Hindi naman niya akalain na may magtataas ng kilay sa kaniya. Ganon kasi sila sa St. Francis. "Oo nga pala, nasa Pilipinas na ako." usal niya sa sarili.

"Oopps! One woman is coming with a witch at her back. What do you think about it Jiro. I smell something crispy" turan ng pandak at haliparot na si Cholo na ikinikiskis pa ang magkabilang palad.

"Baka bagong salta." siga one.

"Baka isa lang sa mga malalandi diyan. Nagkukunwaring manang." siga two.

"Baka instructor yan, diba nagquit na si Ms. Makapuno dahil ginawa niyong pastillas." sabay tawanan lahat (pwera lang si Jiro) siga three.

"Baka nagreresearch! Isasama sa guinnes book of record." siga four.

"Magsitigil nga kayo!" hasik ni Cholo. "Si Jiro ang tinatanong ko. Ang dami na palang Jiro ngayon. Ayos!"

Hinampas ni Jiro ang maingay na si Cholo. "Outch!"

"Pwede bang tumahimik kayo." sigaw niya sa mga sigang kaibigan habang nakatitig sa babaeng paparating.

"Danarah, wala ka bang nararamdaman?" nahihintakutang boses ni Stephanie sa alaga.

"Meron!"

"Ha??? Ano yun? Pwedeng pakishare para makapagcomment at makapaglike na rin."

"Nararamdaman ko ang mga demonyo sa paligid na nakatitig sa atin. At siguradong hindi tayo lulubayan hangga't hindi dumadanat ang dugo." usal niya habang dere-deretso ang lakad.

Nadaanan ni Danarah ang grupo nila Jiro pero parang walang nakikitang tao sa paligid ang dalaga. Mahahaba ang kaniyang paghakbang hanggang sa narating ang opisina ng mga gurong namumuno sa eskwelahan.

Napatingin ang dean sa kaniyang kinatatayuan. Muling binalingan ang hawak na mga papeles. Ninety seven percent average, great academic leader, one hundred eight student award from secondary level and become the best student in US for fourconsecutive year. Anong paaralan ba naman ang hindi makakatanggi sa mga katulad niyang uri ng estudyante.

SHE IS DANGEROUS ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon