SHE IS DANGEROUS
Written by: AppleDumating ang araw na hinihintay ni Danarah. Ang gantihan ang grupo ni Hilton. Alam niyang mapanganib ngunit hindi niya iyon inaalala. Tanging ang magtagumpay ang nasa isip niya. Kahit papaano ay may takot din siyang nararadaman pero ang isipin ang namayapa niyang kaibigan ay lalo naman siyang nanggigigil.
"Princess?" Narinig niyang tawag sakaniya ni Dave. Lumingon siya habang papalapit naman ito sakaniya.
"Sigurado ka ba sa gagawin nating ito? Ikaw ang pinakalider sa grupo kaya dapat ikaw ang tanungin ko." Seryosong saad ni Dave.
Tinitigan ni Danarah ang kapatid. Wala siyang kailangang atrasan at kung ito man ang nakatadhana ay hindi na niya pakakawalan pa ang oras na iyon. Sunud-sunod na tango lamang ang sinagot niya sa kapatid. Sa puntong iyon ay hindi na nangulit pa si Dave. Minsan lang siya magtanong sa minsan ding sagot kaya wala dahilan para salungatin ang kagustuhan ng kapatid. Ang sinisiguro lang nito ay anuman ang mangyari ay nasa tabi lang siya ng kapatid at hindi pababayaan.
Magkakasama sina Jiro, Danarah at Dave sa isang sasakyan papunta sa bagong tinitirhan ni Hilton at mga kasamahan nito. Ang mga ibang kasama nila ay nasa sumusunod rin na sasakyan. Pakiramdam ni Danarah ay handang-handa na siyang manakit at masaktan. Bahala na sa anumang mangyayari, ang importante ay makapagtanim siya ng mapait na alaala para kay Hilton.
Nang mapasabog ang sasakyan ni Hilton sa harap ng hideout nila ay lumipat sila sa liblib na lugar sa Laguna. May isang bodega doon na pinagamit sakaniya ng isa niyang kaibigan. Ang hindi alam ni Hilton ay matalik na kaibigan din iyon ni Bruce. Nalaman lang ni Dave ang lugar na iyon dahil sa matinik at hindi kilalang informer niya. Ang buong akala ni Hilton ay kagagawan ng grupo nila Dave ang pananakot at pagpapasabog ng kaniyang sasakyan kaya doon ay agad niyang pinulong ang mga kasamahan niya upang pagplanuhan ang paghihiganti. Ang balak ng mga ito ay pasabugin din ang pamamahay ng mga Li kaya naman malaki ang tiwala niya na magagawa nila iyon.
Sa labas ay naroon na sina Danarah. Kung maaari lang ay ayaw ni Jiro na mawalay sa kaniya ang nobya kahit saglit lang. Kay lakas na ng kaba niya sa maaaring mangyari.
"Nagkalat ang ibang kasama ni Hilton. Tiyak marami na rin sila." Wika ni Azi na siyang nakahawak ng telescope.
"Di bale dahil planado naman natin eh, wala tayong ibang gagawin kundi ang balian lang naman sila. Yung hinding-hindi nila makakalimutan sa tanang ng huhay nila." Sagot ni Dave.
Dahil sanay sila sa mga ganoong labanan ay malaya silang nakapasok habang iniisa-isang pinapatulog ang mga nagkalat sa labas.
Si Danarah ang unang nakapasok sa mismong bodega. Hinahanap niya ang maaaring kinaroroonan ni Hilton. Hawak niya ang isang chain habang suot parin ang isang porselas na pin na siyang ginagamit niya sa mga masasamang tao.
Nang may makita siya ay agad niya itong tinusukan ng pin. Nangisay ang lalake na parang nanigas. Pinabayaan lang niya itong manigas.
Dahan-dahan ang mga hakbang ni Danarah hanggang sa marating niya ang isang silid na kinaroroonan ni Hilton. Mag-isa lang ito na naroon habang naghihithit ng marijuana.
"Nice to see you again, Hilton!" Sambit niya.
Nagulat si Hilton lalo na ng mapalingon siya sa taong nagsalita.
"Dannnnarah!" Napamulagat niyang usal.
"I'm back!" Maikling sagot niya.
Dismayado si Hilton. Pinaplano palang niya ang maghiganti ay siya pa itong nagulat.
"Bakit napamulagat ka? Nakakatakot ba ako? Wag kang matakot dahil hindi naman kiya tutuklawin, sisingilin lang kita sa mga utang mo." nakangiting turan niya.
BINABASA MO ANG
SHE IS DANGEROUS ( Complete )
RomantizmDahil sa hindi magandang pangyayari ay nagpasya ang ama ni Danarah na iuwi siya sa Pilipinas mula sa California at ilipat siya sa Anniston University, isang ekslusibong unibersidad sa Pilipinas na ang mga kurso ay may kinalaman sa business, at ang m...