SHE IS DANGEROUS
Written by: AppleNqging normal na ang pagpasok ng mga estudyante sa Anniston U. Madalas ng nakikita ang ilang mga estudyante sa loob ng campus na nakahawak ng libro, kwaderno at minsan din ay may mga tumutugtog ng gitara habang hinihintay ang kanilag klase. Minsan din ay sports ding ang nagiging libangan ng mga ito. Napakalaking kaluwagan sa mga guro ang kakaibang pagbabago ng kanilang mga estudyante. Isa lang ang gusto nilang mangyari na sana ay magtuluy-tuloy na, ang tuluyan ng magbago ang kanilang mga estudyante sa kasalukuyan at maging ehemplo sa mga susunod pang henerasyon ng sa ganon ay muling irespeto ang paaralan na kanilang pinaglaanan ng mahabang panahon sa pagtuturo.
Samantala, hindi inaasahan ang paghaharap ni Jiro at Danarah sa loob ng campus kasama ang kanilang mga kasamahan. Nagkatitigan ang dating magkasintahan na may bahid ng galit at sama ng loob. Bumulong si Cholo kay Jiro.
"Nagliliyab ang mga mata ng syota mo. Parang takam na takam na pumugot ng ulo."
Inirapan lang niya ng tingin ang kaibigan. Napakapit pa si Cholo sa katabing si Fitz at iniiisip na kung sakali mang magkarambulan ay magtatago siya agad.
Hindi naman alam ni Jiro kung ano nga dapat ang kaniyang gagawin. Nanlillisik ang mga mata ni Danarah. Pakiramdam ni Jiro ay parang mga nagbabagang apoy ang mga titig ng dalaga na unti-unti siyang sinusunog.
"Anong pakiramdam no ngayin Jiro? Ano ang mas mahirap tanggapin? Ang harap-harapang pinagtataksilan o ang katotohanang ang taong sinaktan mo ang siyang tatapos sa masama niyong gawain at bubuwag sa pinagmamalaki niyong grupo?" nanlilisik na nagngingitngit na turan ni Danarah.
Wala siyang alam na isagot sa dalaga. Ano nga ba ang dapat niyang sabihin? Kanina pa niya gustong magsalita ngunit hindi niya mailbas at iaamin niya sa kaniyang sarili na may takot siya sa dalaga. Hindi niya inasahan na magkaganoon ang namuong relasyon nila the way na hindi pala niya ito kilala ng lubusan. Nakainsulto bilang lalaki ngunit wala siang magawa.
"May pinaglalaban di ako Danarah." ang tanging naisatinig niya.
"Ang alin? Ang manakit ng mga inosenteng tao para sa pansariling interes niyo? Mga halang kayo, magsama-sama kayo sa impyerno."
Umiling siya sa sinabi ni Danarah.
"Hindi ko alam yang mga sinasabi mo. Kahit kailan ay hindi ako gumawa ng kasamaan. Kayo ang masama. Dahil sa grupo niyo, namatay ang matalik kong kaibigan at pinangako ko sakaniya na ipaghihiganti ko siya."
"Kung ganon, gantihan nalang tayo, tutal yun din naman ang patutunguhan ng lahat. Maghihiganti ka, maghihiganti rin ako. May mga kasama ka, may mgaa kasama din ako aya amanos lang, matira ang matibay." wika ni Danarah na kuyom ang mga kamao.
Hindi lubos maisip ni Jiro na masasabi ni Danarah ang mga ganoong bagay.ang pagkakakilala niya noon sa dalaga ay kabaliktaran pala sa inakala niya.
Nagbabadya na may mangyayaring gulo sa pagitan nila. Hindi nila alintana na nasa loob sila ng campus at may mga kapwa estudyante sa paligid nila at bago pa man mangyari iyon ay siya namang pagdqting ng ibang mga guro kasama ang dean na si Ms. Ducusin.
"Danarah? Jiro? May problema ba tayo?" tanong ng dean na pumagitna sa kanila. Walang umimik. Lahat ay nakatikom ang bibig. Nakayuko pa sila tanda ng paggalang sa mga guro na dati naman ay hindi nila ginagawa.
Pilit na ngumiti si Danarah.
"Pinag-uusapan lang po namin kung alin ang suusunod na magandang aktibidad sa ating school. Maganda po siguro kung magkaroon tayo ng basketball clinic para madagdagan ang kaalaman ng mga estudyante sa larong basketball lalo na po ang mga nasa lower year. Alqm niyo naman po na ang larong iyan ang kahiligan ng mga pilipino at maraming nahuhumaling lalo na ang mga kabataan. Malay niyo, makasali rin tayo sa UAAP. Kahit papaano, maipapakita din natin na kaya rin nating makipagsabayan sa ibang mga universities." mahabang litanya ni Danarah.
BINABASA MO ANG
SHE IS DANGEROUS ( Complete )
RomansaDahil sa hindi magandang pangyayari ay nagpasya ang ama ni Danarah na iuwi siya sa Pilipinas mula sa California at ilipat siya sa Anniston University, isang ekslusibong unibersidad sa Pilipinas na ang mga kurso ay may kinalaman sa business, at ang m...