SHE IS DANGEROUS
Written by: Apple
Lahat ng mga mata ay sakanila nakatingin. Nahihiwagaan ng mga ito kung sino ang mga kasama ni Danarah. Ang mga iba naman ay alam nilang mga bagong estudyante ng Anniston U ang mga ito. Napaptaas ng kilay ang mga iba dahil nagmistula ang mga ito na bodyguard ni Danarah. Tuloy-tuloy sila ng paglakad. Unang araw para sa kasalukuyang semestre at lahat ng estudyante ay inutusan ng mga guro na magtipon-tipon sa harap ng stage. Nakahanda na ang mikropono sa stage at doon nagtungo si Danarah. Nahulaan na agad ng mga ito ang mangyayari. Maaaring ito ay orientation o maikling announcement mula sa kanilang campus leader. Sa hindi kalayuan ay naroon ang mga alpha gamma rho o sa tunay na pangalan ay neophyte.
Hinawakan ni Danarah ang mikropono at handa nang magsalita.
"Makinig kayong lahat! Simula ngayon ay magkakaroon tayo ng malaking pagbabago." Panimula niya. Nagkaroon na ng bulung-bulungan ang lahat.
Muli siyang nagsalita.
"Pagbabago na siyang babago rin sa nakagawian na ninyo sa unibersidad na ito. Bilang lider ng paaralang ito, karapatan ko at malaya kong gawin ang anumang nakabubuti sa ating lahat. Anuman ang magiging desisyon ko ay masusunod. At tandaan niyo, walang makakapigil sa akin, kahit sino pa kayo. Mapaestudyante o mapaguro, walang makakapigil sa akin."
Sa sinabi niyang iyon ay hindi nalang mga estudyante ang nagbubulung-bulungan kundi pati na rin ang mga guro.
Muli ay nagsalita pa siya.
"Tandaan niyo, ang bawat plano ko ay hindi lang para sa akin kundi para sa unibersidad na ito at sa mga susunod pang henerasyon. Itutuwid ko ang anumang mali sa paaralang ito. Lahat ng dumi na nagkalat sa loob ng campus na ito ay sisimulan ko ng wawalisin. Lahat ng hindi nararapat na mabigyan ng magandang kinabukasan ay unti-unti kong ipapadanas sakaniya ang magiging kahihinatnan niya. At lahat ng masasamang loob ay pupuksain ko."
Napansin niya na may mga estudyanteng tila naiimbyerna lang sa mga sinasabi niya at pinagtatawanan pa siya ng iba na para bang sinasabing hindi naman niya iyon kayang gawin kaya binalingan niya ang mga ito.
"Itawa niyo na ang lahat ng kasayahan niyo dahil hindi ako nagbibiro. Kung ano ang sinabi ko, hindi ko pahihintulutan na hindi iyon mangyari. Ngayon niyo makikilala kung sino ba talaga si Danarah Li." Matigas niyang wika. Nagsitigilan naman ang karamihan at hinarap ang kinaroroonan niya.
"Ngayon ko idedetalye ang mga patakaran ko bilang pinuno ng Anniston U at ngayo pa lang, sinasabi ko na sa inyo. Habang ako ay nagsasalita sa harapan niyo, walang pwedeng umangal o kumontra. Hindi ako magsasalita ng tapos ngunit kaya kong tapusin ang sinumang umabala sa akin dito."
Nagkatinginan ang mga estudyante. Maging sina Jiro ay nahihiwagaan sa dalaga. Balak pa naman niya sana itong kausapin at magpaliwanag pero tila wrong timing siya dahil animo'y nag-aalab na apoy ang dalaga sa araw na iyon.
"Una, gusto kong magkaroon tao ng disiplina sa pagpasok sa paaralang ito. Kailangan, bago pumasok ay may nakasuot ng ID. Kapag walang dalang ID ay hindi pwedeng pumasok. Ngunit wag muna kayong magsaya." usal niya ng mapansing may natutuwa pa sa patakaran niyang 'no ID, no entry policy'.
"Ang pitong beses na pag-absent o hindi pagpasok sa inyong klase ay may kaparusahang expeltion."
Nag-inga sila sa policy na iyon. Marami ang may ayaw.
"Sino ang tumututol at bibigayan ko ng sample kung paano ako magalit."
Napatingin silang lahat sa kaniya. Nakita nila ang nanlilisik na mga mata ng dalaga.
BINABASA MO ANG
SHE IS DANGEROUS ( Complete )
Storie d'amoreDahil sa hindi magandang pangyayari ay nagpasya ang ama ni Danarah na iuwi siya sa Pilipinas mula sa California at ilipat siya sa Anniston University, isang ekslusibong unibersidad sa Pilipinas na ang mga kurso ay may kinalaman sa business, at ang m...