SHE IS DANGEROUS
Written by: Apple
Kalmado lang si Jiro. Iniisip niya na siguro ay kakausapin na siya ng dalaga. Kay lapad ng ngiti niyang binati ito.
"How are you sweetie? I miss you!"
Natigilan naman si Danarah sa ginagawa. Nagkatitigan sila ng mga kasamahan niyang naroon. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Kay lakas ng tibok ng puso niya pagkat aminin man niya o hindi, mahal pa rin niya ito.
"Sweetheart, kausapin mo ako please! I will explain everything. Kung ano man ang iniisip mo ay nagkakamali ka." pagsusumamo ng binata.
Ngunit sa sitwasyon nila ngayon ay kailangan niyang maging matigas. Hindi niya dapat hayaang lumambot ang kaniyang puso sa binata. Nilingon niya ito na may matalim na tingin.
"Jiro, layuan mo na ako. Kung ang nakita mong ginagawa niyo ni Lavinia ang iniisip mo, kaya kong kalimutan iyon pero mas nakabubuti na wag mo na akong lapitan pa. At ano ang naging ugnayan natin ay kalimutan na nating pareho dahil walang magandang idudulot nito."
"Wait! You're breaking up with me? No way!"
"Yan naang desisyon ko at hindi na magbabago pa."
"But no, hindi ako papayag! You are mine at walang sino mang maaaring kakalaban sa akin."
Ngumisi siya.
"Sa palagay mo ba, mapapasunod mo na ako ngayon? Pinagbigyan lang kita noon dahil gusto ko ng kakaibang galaw ng mundong tinatahak ko. At narealize ko, kailangan ko ng bumalik sa dati."
"What?"
"Hindi ako ang Danarah na kilala mo Jiro."
"Kaya hangga't maaari ay layuan mo na ako ngayon kundi, magkakagulo dito sa loob ng campus. Magiging kawawa lang kayo.
Napapaawang nang si Jiro sa mga sinadabi ng dalaga. Hindi niya ito maintindihan ngunit may kaba sa dibdib niya. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata ni Danarah kaya naman minabuti nalang niyang tumalikod at hayaan muna ang dalaga.
Natapos ang buong araw na paglilinis at pag-aayos sa buong campus. Nakauwi na lahat ngvestudyante at mga guro dahil pasapit na ng dilim ngunit naroon parin si Danarah. Nakaupo sa bench na tila may mallim na iniisip. Lumapit sakaniya si Azi.
"Alam ko kung ano ang nasa isip mo Danarah."
Hindi siya umimik bagkus ay tinitigan niya ang kaibigan.
"Alam kong mahal mo siya ngunit kailangan mong mamili."
"Hindi ko na kailangan pang mamili Azi. Mas mahalaga sa akin ang layunin natin na pabagsakin ang neophyte. Kapag nangyari iyon ay magiging maganda na ang production natin."
"At maipaghihiganti mo ma rin si Xavier."
Sa mga sandaling iyon ay lumuluha si Danarah. Iniisip niyang kailangan na talaga niyang kalimutan ang binata. Hindi lang sa iisang rason kundi madami. Lalo na ang katotohanang nasa likod sa pagkatao ng binata.
Nagpalibut-libot siya. Sinundan naman siya ni Azi. Naalala ni Danarah ang mga taong nakitaa nila noon ni Azi na gumagawa ng transaction sa kanilang campus. Nawala na ang mga ito na parang bula kasabay ng pagkawala ng mga altasyd.
Kinabukasan, nabigla ang lahat sa malaking pagbabago ng school. Napakalinis na nitong tignan. Ang mga estudyante ay pormal na ang mga suot at ang mga kalalakihan naman ay hindi na nagmumukhang mga adik. Ganon pa man,ay may mga estudyante paring matigas ang ulo kaya naman, bilang parusa ay pinagtratrabo ni Danarah ang mga ito bilang paghahanda sa sports event na kaniyang isasagawa sa kanilang unibersidad, kasabay ng pagdalo ng mga bisita dito galing sa CHED. Mag-eevaluate kasi sila kung makakapasa ang sinumite ni Danarah tungkol sa plano niyang pagpapatayo ng building.
BINABASA MO ANG
SHE IS DANGEROUS ( Complete )
RomanceDahil sa hindi magandang pangyayari ay nagpasya ang ama ni Danarah na iuwi siya sa Pilipinas mula sa California at ilipat siya sa Anniston University, isang ekslusibong unibersidad sa Pilipinas na ang mga kurso ay may kinalaman sa business, at ang m...