CHAPTER 4

4.1K 95 3
                                    

SHE IS DANGEROUS

Written by: Apple

"Aha! Manang pala ah pero may kalokohan din palang nalalaman." Usal ni Cholo mula sa likuran niJiro.

Tumayo siya habang yakap-yakap ang mga hawak na tuwalya. Lumaoit sakaniya si Jiro. Marahang hinaplos nito ang kaniyang pisngi habang nakangisi.

"I think you already know me, my lady." Sambit ng binata. Hindi siya umiimik.

"Maganda ka pala eh, bakit kailangan mo pang magdisguise."

DISGUISE??? Da who???

"Hindi mo naman kailangan magpakamanang para mapansin. Dito sa loob ng campus, ang mga babae ay game na game sa kahit na anong laro." Turan pa ni Jiro.

"Tama! Lalo na sa basketball!" Si Cholo muli.

"Hindi ako naglalaro ng basketball." Sagot niya.

"E anong laro ang alam ko?"

"Barilan!" Agad niyang sagot.

"Wow putukan! Jiro marunong ako niyan." Ang mayabang na si Fitz. Nagtawanan silang lahat.

HAMBOG!!!

Napataas siya ng kilay, lalo pa't napakalagkit ng tingin sakaniya ng binata. Parang gusto siya nitong kainin at papakin. Ano siya? Crispy pata?

"Wala akong pakialam kung sino ka man at kahit na din itong mga galamay mo. At kung ano man ang iniisip niyo ngayon, nagkakamali kayo kaya wag na kayong mag-aksaya ng panahon sa akin dahil kung hindi---" hindi siya nagtuloy sa pagsalita.

"Kung hindi ano?" Sabay na turan ng mga galamay.

"Mamamatay kayo!"

Natigilan silang lahat at nagtinginan sa isa't-isa saka nagtawanan ng ubod lakas.

"Jiro, papatayin ka niyan sa sarap."

"At ang mga gago! Binigyan pa ng malisya ang sinabi ko." Turan niya sa sarili. Naiinis na siya at naikuyom na jiya ang kaniyang mga kamao. Ano kaya kung bigyan niya silang lahat ng sample? Pero lagot pag nalaman ng kaniyang tatay, baka mas masaklap na parusa ang ibibigay sakaniya. No no no! Konting pasensiya pa.

"Makaalis na nga" pipi niyang usal, ngunit katatalikod lang niya ay hinawakan agad ni Jiro ang kaniyang braso.

"Sinong nagsabing pwede ka ng umalis? Kailangan mo munang magbayad sa ginawa mong paninilip."

Whoaah!!!

"Bakit hindi nalang kayo lumabas lahat at hanapin ang mga pirhana dolls dahil sila naman talaga ay may pakana nito. Sabit lang ako." Pasigaw niyang tugon.

"E mga baliw naman yun eh." Si Cholo. "Ang baliw kapag nagkasala saan dinadala?"

"Sa mental!" Sabay na sagot ng mga galamay.

"At dahil ikaw ang medyo matino, ikaw ang magsusuffer at parurusaan."

What??? Hanggang ngayon pa ba naman may parusa parin? Ahh, hindi siya papayag na utuin siya ng mga hinayupak. Hindi na niya kayang pigilan ang sarili.

"Hoy mga hambog na gago. Kung inaakala niyo na kaya niyo ako, nagkakamali kayo. Hindi pa ipinanganganak ang taong tatalo sa akin." Mabilis siyang lumayo. Naiinis siya pero hindi rin niya maintindihan ang sarili. Bakit parang nasisiyahan ang kaniyang puso sa mga malalagkit na tingin ng pinakalider ng alpha gamma rho? Hindi kaya---? Ah, hindi maaari, kailangan niyang buwagin ang grupo na iyon at ng hindi pa masundan pa.

Hindi na napigilan ni Jiro si Danarah. Pakiramdam niya ay nakumpleto ang araw niya sa pagkakatitig sa maamo, makinis at magandang mukha ng dalaga. Kakaibang pakiramdam ang bumabagabag sakaniya na ni minsan ay hindi pa niya naramdaman sa ibang babae na nakarelasyon niya.

"Master, mukang inosente talaga. Ibalato mo na sa amin ng may mapaglaruan." Sambit ng isang galamay niya. Para siyang natililing sa narinig kay walang pakundangang binatukan ito.

"Mga gago! Wag na wag niyong pakikialaman ang sa akin. Ang kay Juan ay kay juan, at ang kay Pedro----kay Juan parin." Singhal niya sa mga ito. Para namang mga batang kindergarten ang lahat na napayuko nalang. Galit ang kanilang master, at kung hindi pa siya titigilan. Sigurado na naman ang one year push up nila.

"Ahh, mga pirhana dolls nasaan na kayo? Kaslanan niyong lahat ito." Singhal ni Danarah habang palakad-lakad sa loob ng campus.

Nakita niya ang grupo ng mga kababaihan baka sakaling naroon sila pero mas lalong pagkairita lang ang naramdaman niya. Ang babaeng napakakapal ng make-up ang nakita niya. Na ayon sa mga pirhana dolls ay matagal na itong campus model ng Annisto U.

"Hmpp, paano naman kaya naging model yan samantalang ang pangit niya." Usal niya sa sarili. Ito ang ugali niya, mapangkutya ngunit nasa tamang pang-uunawa siya at talaga namang tama siya.

Hindi niya matagpuan ang mga pirhana kaya nagpasya na siyang umuwi. Wala na rin namang pasok kaya nagsiuwian na ang lahat. Ang iba ay kaniya-kaniyang gimik.

Nakita niyang lumapit sina Jiro at mga kasamahan nito sa mga babae na sanay yata makipagharutan.

"Hi Jiro! Where have you been ba?" Narinig niyang maarte na turan ng babae saka hinalikan nito ang binata sa labi na tinugon naman ng isa.

Grabe!!! Maharot talaga ang mga babae.

"Sorry Demi, may inasikaso kasi kami eh."

"It's okay ang importante lang naman sa akin ay nandito ka." Saka muling naghalikan ang dalawa.

"Ano ba yang Demi na yan, hindi man lang ilugar ang kalandian." Hasik niya sa sarili. "Makaalis na nga."

Pagpasok niya sa kaniyang room ay may bigla siyang maalala. Ang isang piraso ng pael. Ngunit saan niya nga ba ito naiwan.? Napakahalaga ng papel na iyon sa kaniya.

"Bakit pinauna mo ng pauwiin sina Demi? Hindi pa nga tayo nakakaiscore eh." Ang makulit at talagang palikero na pandak na si Cholo.

"Tama na yang inuman dahil makakasama sa inyo. Ang babata niyo pa para magbisyo."

"Wow Jiro! Is that you? Nagiba ang ihip ng hangin." Tugon ng isang kasama niya.

"Kailangan kong matulog agad dahil maaga akong papasok."

"Weehh, di nga!?

Dahil sa tiyaga ni Danarah sa paghahanap ay natagpuan na din niya ito.

Tuwang siya ng makita iyon. Ang papel na iyon ay ang binigay ng kaniyang mga kasamahan sa school na pinanggalingan niya. Adddress iyon at kailangan niyang puntahan.

Als-siyete ng umaga. Pagpasok ni Danarah sa campus ay agad niyang napansin ang mga titig sakaniya ng mga kapwa estudyante. Tinanggal niya muna ang kaniyang eyeglass at hindi muna ito sinuot pero litaw talaga sa kaniyang mga paningin ang mga matang nakatitig sakaniya na wari ay nagtatanong.

Patuloy lang siya sa paglakad.

"Ang mga baliw, bakit biglang sumeryoso ang mga tao dito. Diba dapat may nagtatawanan, nagkwekwentuhan, nag-aasaran at nagkukulitan? Bakit ngayon wala?" Nakakabaliw na tanong ni Danarah sa sarili.

"Paraanin niyo ang reyna kundi lagot kaya sa kamahalan." Narinig niyang boses ng lalaki.

Napalingon siya sa paligid pero wala siyang nakikita na reyna na palalakarin.

"Ano naman kayang eksena ito." Usal niya sa sarili.

Hayyss, heto na ang baliwan mode. Eeksena na ang mga baliw.

SHE IS DANGEROUS ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon