SHE IS DANGEROUS
Written by: Apple
"Bakit nakabusangot ang prinsesa?" Bungad ni Stephanie kay Danarah pag-uwi niya. Nakahawak ito ng isang bote jg ube jam na kaniyang pinapapak....See More
Dumating si Cholo at si Jude. Nagtinginan ang dalawa saka siya binalingan. "Ano na naman bang gimik ito?" Tanong niya sa sarili. Nilapitan siya ng dalawa saka taas-baba siyang pinagmasdan. Naiirita siya. Malay ba niya kung anong iniisip ng mga ito.
"Danarah, okay ka lang ba?" Concern na tanong ni Cholo. Hindi na siya ganon kahambog sa kaniya.
"Wala bang nanakit sayo?" Tanong rin ni Jude na ianangat pa ang kaniyang mga braso upang matingnan kung may mga pasa o galos ito. Nahihiwagaan na tuloy siya at hindi alam kung ano angsasabihin.
"Magsabi ka lang Danarah kung may umaway sayo, kahit babae yan papatulan namin para lang makaganti ka." Si Cholo muli.
Nagtataka na talaga siya. Kung umasta ang mga ito ay parang kay Jiro lang. Samantalang kaaway siya ng mga ito, bakit sila concern without reason na alam niya. Big question para sakaniya iyon.
"Ano bang gimik ito? Ha?"
Nagtawanan ang dalawang lalaki.
"Gimik? Hoy totoo ito noh! Saka nasa school pa tayo, mamayang gabi na ang gimik natin, diba pare!" Ani Jude at naghigh-five pa sila ni Cholo.
Hindi niya namalayan ang pag-uumpukan ng ibang estudyante na hindi mahilig sa mga crushes at social affair.
"Sila na pala! Biglaan ha"
"Oo nga! Hindi ko nga nabalitaang nanligaw si Jiro sakaniya eh."
"Ay ako din!"
"Hmp! Kelan pa ba nanligaw yan e siya ang nilalapitan ng mga manok."
"Infairness, bagay sila. Boastful lang kasi si Jiro at si Danarah naman ay manang."
"Baka naman naging sila because of fame."
"Ay ewan! Basta surely but sure, marami siyang magiging kaaway dito sa loob ng campus."
Mga bulungang naririnig niya sa mga tsismoso't tsismosa. Narinig pa niya ang kaniyang pangalan at pangalan ni Jiro.
"Ahhh, ano ba talaga ang nangyayari?"
Hindi siya nag-aksaya ng panahon at binalingan niya ang dalawang alipores ni Jiro.
"Kayong dalawa, magsabi nga kayo sa akin ng totoo. Anong nagyayari ngayon at anong kinalaman ko?" Pasigaw niyang tanong sa dalawa. Nag-aalangan pang sumagot ang dalawa.
"Ano kaba Danarah, natural lang na mapag-usapan ang girlfriend ni Jiro."
"Girlfriend? Yun naman pala eh bakit ako nadadamay na naman diyan." Turan niya.
"Syempre, ikaw yun eh! Ikaw ang bagong girlfriend ni Jiro kaya asahan mo na madami ka ng magiging kaaway."
Napanganga siya. Girlfriend daw siya ni Jiro? Kailanman ay hindi niya iyon pinangarap pwera lang noong halikan siya pero mahigpit niya iyong tinututulan.
"Mga adik! Wag niyo nga akong linlangin kung ayaw niyong matikman ang galit ko. Wala na kayong ginawang matino."
"Totoo naman ah!" Si Cholo na todo deny kahit nahuhuli na.
"How's your night sweertheart." Biglang singit ng nasa kanyang likuran.
"Jiro." Parang naspeechless siya ng makita ang binata.
Hindi niya namalayan ang paghapit ng binata sakaniyang beywang.
"Don't you know that I miss your kiss, huh!"
Hindi siya makaimik. Nashock siya sa mga nangyayari. May boyfriend na siya ng hindi niya namamalayan.
"Makinig kayong lahat." Sigaw ni Jiro. Nagsitigilan naman ang mga estudyante sa kani-kanilang ginagawa at nakahanda na makinig. Saka naman siya natauhan pero wala parin siyang masabi.
"Gusto kong malaman niyong lahat na si Danarah na ang bago kong girlfriend at walang pwedeng umangkin sakaniya kundi ako lang." Walang umimik sa mga estudyante.
"At anong kabaliwan ito? Kailan ka na nga ba nanligaw?" Naiirita siyang hasik sa binata.
"Hindi ko na kailangan pang manligaw. At ikaw,sumunod ka sa lahat ng bilin ko bilang boyfriend mo. Ito ang tandaan mo, bawal kang makisama sa ibang lalake. Dahil kung hindi, lalong magkakagulo ang university na ito." Madiing turan ni Jiro.
At ang hudyo, binantaan pa pala talaga siya. Kung tutuusin ay wala naman siyang pakialam sa Anniston U, ngunit nang mamulatan niya ang hindi magandang pag-uugali ng mga estudyante nito ay saka siya nagkaroon ng interes sa school na iyon.
Naiirita siyang isipin na may boyfriend na siya. Pero hindi siya papayag. Ayaw pa jiyang magkaboyfriend. Ang bata pa niya para magkaroin ng lovelife saka isa pa, wala naman silang nararamdaman para sa isa't-isa o kaya naman ay hindi naman sila pareho ng nararamdaman.
GRRR!! Hindi pwede ito sakaniya.
"Hoy Jiro, wag niyo nga akong paglaruan. Maghanap ka nalang ng iba diyan at wag ako ang pagtripan niyo."
"Muka ba akong nagtritrip lang. Paninindigan ko ng girlfriend kita sa ayaw at sa gusto ko." Sagot ni Jiro saka tumalima.
"Ang gago! Boyfriend ko daw siya samantalang iniwan lang ako dito na mag-isa." Turan niya sa sarili, pero bumalik naman ang binata saka siya hinila at inakbayan pa.
"Kung gusto mo ng katahimikan, sumunod ka lang sa akin. Ayoko ng maarte at ayoko na balewalain mo lang ako. May boyfriend ka na kaya dapat wag lang ang school ang priority mo kundi bigyan mo rin ako ng time and space. At ayoko rin ng hindi sweet, kailangan maglambing ka din sa akin paminsan-minsan dahil kung hindi, ipagpapalit kita sa iba." Mahabamg litaniya ni Jiro.
Naiinis siya. Bakit ba siya nalagay sa ganoong sitwasyon? Nadagdagan na naman ang sakit sa ulo niya. Ang lakas talaga ng loob ng binata para angkinin siya bilang kasintahan samantalang hindi pa niya naranasan ang magkaboyfriend. Kasalanan ito ng daddy niya. Gusto na niyang bumalik sa California at ng maisako muna ang kaniyang ama. Puro kainisan at kapahamakan lang ang nangyayari sa kaniya sa Pilipinas. Sana ay may dumating na hero at ng mailayo siya sa impyernong school na iyon.
Habang naglalakd sila ni Jiro ay pinagmamasdan niya nag buong paligid. Siguro ay kailangan na niyang baguhin ang facilities ng school. Hindi na kasi ito nagmumukhang unibersidad kundi nagmumukhang mental. Hindi niya tuloy maisip kung bakit ito naging unibesidad. Matagal na rin siya sa Anniston U pero wala pa ni isa sakanila ang nakakaalam kung kanino nga ba ang school. Umiiwas pa ang dean sa tuwing tinatanong niya ang mga bagay-bagay na pagkakakilanlan sa nasabing paaralan.
Magkahiwalay ng klase sina Danarah at Jiro sa kanilang huling subject sa hapon. Nag-aadvance lesson kasi ang dalaga sa vacant period niya dahil tapos na niya ang subject na dapat sana ay pasukan niya. Sa katunayan, 98% ang kaniyang grado sa subject na iyon. Ang kaniyang subject na English literature.
Ayaw niyang sumabay kina Jiro dahil naiirita siya. At isa pa, baka ano pang gawin sakaniya ng mga babaeng nagkakagusto kay Jiro sa daan. Kaya naman niyang labanan ang lahat pero umiiwas muna siya sa gulo. Saka nalang siya maghahasik ng lagim kapag ayos na ang lahat. Sa ngayon ay ang paaralan mina ang kaniyang bibigyang pansin.
Bigla niyang naalala ang isang papel na kaniyang hinanap noong nakaraan. Hindi pa pala niya ito nahaharap. Kinuha ang papel sakaniyang mini wallet saka binasa. Tamang-tama na wala ang mga pirhana dolls at natakasan pa niya ang alpha gamma rho. Hindi na siya magsasayang ng oras, pupuntahan niya ang naka sulat sa papel.
BINABASA MO ANG
SHE IS DANGEROUS ( Complete )
Любовные романыDahil sa hindi magandang pangyayari ay nagpasya ang ama ni Danarah na iuwi siya sa Pilipinas mula sa California at ilipat siya sa Anniston University, isang ekslusibong unibersidad sa Pilipinas na ang mga kurso ay may kinalaman sa business, at ang m...