CHAPTER 23

3.6K 83 3
                                    

SHE IS DANGEROUS
Written by: Apple

Sa sementeryo kung saan madalas dumalaw si Danarah ang eksaktong lugar na pinag-usapan nila Dave at Jiro na lugar ng kanilang pagkikita. Parehas silang walang inaasahang mangyari at ang tanging nasa isip nila ay kung ano ang magaganap sa kanilang pag-uusap. Kung ito ba ay magkakaroon ng kaguluhan o kapayapaan?

Sabay na dumating ang dalawa at nagkasalubungan sila. Noong una ay nagmuni-muni muna ang dalawa kasama ang ilan sa kanilang mga kasama. May labing limang metro din ang layo sa pagitan nila at hindi nagtagal ay unti-unti na silang nagkakalapit. Nagkatitigan ang dalawa ngunit naunang nagbasag ng katahimikan si Dave.

"Anong kailangan mo sa akin, Jiro? Hindi mo yata kasama sina Hilton? Ipagpipilitan mo parin ba ang gusto mong tumbukin? Para sabihin ko sayo, wala kang mapapala dahil gulo lang ang aabutin natin sa bagay na iyan."

Hindi muna nagsalita si Jiro. Parang nagdadalawang-isip siya sa kung anong gagawin niya. Ngunit kinapa nito ang kaniyang wallet at may nilabas na larawan. Pinakatitigan niya muna ito habang si Dave naman ay nahihiwagaan sa kaharap. Ilang sandali pa ay itinaas ni Jiro ang larawan at pinaharap kay Dave.

"Ito si Alexis. Ang aking kaibigan na nagligtas na sa akin ng maraming beses. Hindi ako iniwan sa aking pagkabata ngunit ng magkaisip ay nag-aral sa amerika at pinangakuhan ako na babalik siya upang ipagpatuloy ang aming pagkakaibigan. Ngunit sa kasamaang palad ay namatay siya dahil sa pagpapahirap ng inakala niyang tunay na mga kaibigan." Madiin at matalim na wika ni Jiro.

Napatitig ng husto si Dave sa larawan at saka kinuha ito mula sa pagkakaipit sa mga daliri ni Jiro. Napamulagat siya ng mapagsino ito. Kay bilis ng tibok ng kaniyang dibdib. Iniangat niya ang kaniyang mukha upang makaharap si Jiro. Namumutil ng pawis si Dave ng mga sandaling iyon.

"Kung ganon, isa lang ang pinaghihiganti natin." Sambit niya.

"Gusto kong kalaman ang totoo Dave. Gusto kong idetalye mo ang lahat-lahat." Tugon naman ni Jiro na nagtatalim ang paningin.

"Si Xavier at ang tinutukoy mong si Alexis ay iisa lang. Larawan ito ni Xavier noong unang taon niya sa St. Francis kung saan ay una silang nagkakilala ni Danarah. Naging matalik silang magkaibigan. Myembro na dati si Danarah sa Angelous na aking binuo at noon ay si Danarah na rin ang naging pinuno. Ngunit hindi pa parte ng grupo noon si Xavier at sumasama lang kay Danarah sa tuwing nagtitipun-tipon ang grupo. Ilang taon pa ang lumipas ngunit hindi pa rin nakisali si Xavier sa amin at naiintindihan namin iyon. Hanggang sa nagkagusto siya sa schoolmate niya, niligawan niya ito ngunit meron siyang itinagong lihim sa amin. Yun ay ng kinausap siya ng babae na sasagutin niya ito kung sasali siya sa hazing ng neophyte. Dahil sa labis na pagkahumaling ni Xavier ay pumayag siya hanggang sa nangyari nga ang pagkapatay sakaniya ngunit dahil sa kulang ang ebidensya at makapangyarihan ang nasa likod ng neophyte ay nakaligtas sila sa kaso. Saka lang namin nalaman ang totoo noong may kumalas sa grupo nila at nagdesisyong sumali nalang sa aming grupo. At siya ay walang iba kundi si Azi. Siya ang nagtapat sa amin dahil noong pinapahirapan na nila si Xavier, sinubukan niyang iligtas ito ngunit hindi siya nagtagumpay dahil pinagbubugbog din siya at namatay nga si Xavier. Ngayon Jiro, ikwento mo sa akin ang tungkol kay Alexis.

"Matalik kong kaibigan si Alexis. Siya ang tagapagligtas ko sa kapahamakan dahil magaling siya sa martial arts. Hanggang sa nabalitaan kong nasa america na siya. Noong sekondarya, nakilala ko si Hiton at hinikayat na sumama sa kaniya, dahil naakit ako sa grupo nila naging myembro na rin ako. Doon ko napag-alamang malawak at malaking grupo pala ang neophyte hanggang sa makita ko ang larawan ni Alexis. Tinanong ko ang tungkol kay Alexis at sinabi ko rin na kaibigan ko siya. Kaya't sinabi niya sa akin na nakisali daw sa grupo niyo at hindi nakayanan ang hazing. At ikaw Dave, ikaw ang tinutukoy ni Hilton." Mahabang litaniya ni Jiro.

SHE IS DANGEROUS ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon