CHAPTER 8

4K 95 1
                                    

SHE IS DANGEROUS

Written by: Apple

"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Jiro sa tatlong kasama na kaaahon lang buhat sa pagkakabaon sa lupa.

"Ewan namin master, basta ang alam namin ay bigla kaming nawalan ng malay at ng magising kami ay nakabaon na kami at nasa harap na rin namin si Danarah."

"Ano? Si Danarah? Bakit napunta sa usapan ang babaeng iyon?" Si Cholo.

"Ewan talaga namin! Baka may mga kasama siya, hindi lang natin alam kung sino sila."

Nag-isip si Jiro. Mukang isang malaking tinik talaga si Danarah sa kanila. Pero ano nga ba ang magagawa ng isang babae na katulad niya? Saka isa pa, wala naman silang nilalabag unless may ibang grupo na nagpapasipsip sakaniya.

"O Jiro, ano nangyari sa mga alipores mo? Ano sila kamote? Baging bungkal." Pang-aasar ni Bruce. Ang lider ng altasyd group na mahigpit niyang kaaway sa loob ng campus. Tulad niya ay may mga kasamahan din ito at sanay sa gulo at pang-aasar.

Ngumisi siya at hindi pinahalata na naaasar siya. Pinakalma lang niya ang sarili.

"Ang akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang may pakana nito katulad ng mga naunang ibinintang sa akin." Patagilid ang ngiti na tugon niya."

"Whoooww! May pruweba ka ba? Anong magagawa ko kung ikaw ang napag-iinitan ng mga admin." Kampanteng sagot ni Bruce.

"Kaya lang naman ako pinag-iinitan dahil sayo pero wag kang makampante dahil hinding-hindi kita papayagang masisira mo ako ng ganon-ganon nalang." Nilapitan pa niya si Bruce at saka mahinang nagsalita. "Alam mo kung ano ang kaya kong gawin, hindi lang ikaw ang may sungay."

Napangisi lang si Bruce pero sa loob-loob niya ay makabuluhan sakaniya ang mga katagang iyon ni Jiro.

Hindi rin nagpapahalata si Bruce na may pangangamba sakaniyang loob.

"Yan lang ba ang masasabi mo? Tignan nalang natin kung sino sa atin ang mas malakas at mas mautak." Turan ni Bruce na hinahaplos-haplis pa ang balbas.

"Tara na!" Yaya niya sa mga kasama.

Tanaw ni Danarah ang dalawang grupo. Batid niya na may hindi pagkakaunawaan ang dalawang grupo at iyon ang gusto niyang alamin. Kung sino nga ba ang kailangang iligpit upang tumino na ang nasabing unibersidad.

"Danarah!" Tawag ni Jiro sa dalaga habang papasok sa gate. Hindi siya nito nilingon.

"Danarah!" Muling tawag niya pero parang walang naririnig ang dalaga.

"Danarah wag kang lilingon." Utos ni Danarah sa sarili.

Tuluy-tuloy siya sa paglakad pero hinarangan siya ng mga myembro ng alpha gamma rho. Nagulat siya ng agad nakalapit si Jiro sa kaniya at hinablot siya sa braso. Nagkatitigan silang dalawa na tila walang gustong bumitaw. Ngunit nang tumagal sila ay parang laser ang mata ni Danarah ng kumurap ang mata ni Jiro. Hindi niya pala kaya ang makipagtitigan ng matagal sa dalaga.

"Anong kailangan mo?"

"Sino ang sumisipsip sayo? Bakit mo binaon sa lupa ang mga kasama ko?"

"Tinatanong pa ba yan. Gumawa sila ng violation, nanakit sila ng freshman. Ano sa akala ko ang gagawin ko? Pabayaan nalang iyon? Nagkakamali kayo kung ang akala niyo sa akin ay tahimik lang."

"Nanakit ng freshman? Bakit? Ha? Alam mo ba kung ano talaga ang totoong pangyayari? Baguhan ka palang dito Danarah, marami ka pang hindi nalalaman."

"Alam ko, kaya nga ngayon palang ay marami na akong nasasaksihan na hindi maganda sa paaralang ito. Kaya pala tinatawag nilang worst university ang Anniston dahil sa inyo."

SHE IS DANGEROUS ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon