SHE IS DANGEROUS
Written by: Apple
Pagpasok ni Danarah sa loob ng campus ay agad jiyang nabungaran ang nagkukumpul-kumpol na mga estudyante sa pavement.
Ano na naman bang nagyayari dito? May debate na naman ba?" Tanong niya sa sarili.
Nilapitan niya ang mga ito at sobrang gulat niya ng makita ang tatlong estudyante na puro lalake na nakabitin. Napasapo siya sa kaniyang noo, hindi lang pala baliw ang mga estudyante ng Anniston U kundi mga bayolente pa.
"Ano pang tinitingin-tingin niyo, ibaba niyo na ang mga iyan." Utos niya. Nakaramdam naman ang magkakasamang pito na lalaki na sila ang pinagsabihan kaya pinagtulungan nilang ibaba ang mga nakabitin. Nilapitan niya ang mga ito. May mga galos at pasa sa katawan pero humihinga pa naman. Dala na siguro ng sakit sa katawan at hirap ng kanilang posisyon ang kanilang kahinaan kaya walang malay ang mga ito. Para sakaniya ay jindi na ito bago, at hindi na rin siya kinakabahan. Kung tutuusin, mas malala ang mga naranasan at namulatan niyang sitwasyon. Sisiw lang iyon base sa kaniyang nakaraan.
"Sino ang may kagagawan nito?" Pinagala niya ang kaniyang mga mata sa mga kapwa estudyante. Walang umiimik o sadyang wala talagang gustong magsalita. Hindi na siya muling nagtanong pa dahil nakakaramdam siya ng kakaiba. Wala rin mangyayari kung magtatanong siya. Wala rin namang may balak sakanila na magsalita.
"Kung wala naman pala kayong maitutulong, pumunta nalanh kayo sa inyong mga klase. Bilis!" Utos niya sa mga ito. Agad namang tumalima ang mga estudyante at nagkaniya-kaniya na sila ng tinungo maliban nalang sa pitong kalalakihan. Mukang magcoconfess ang pito.
"Kayo? Bakit narito pa kayo?"
"Bakit Danarah? Ikaw ba ang aakay sakanila? Kailangan nilang maidala agad sa pagamutan. Kawawa naman sila, nabiktima na naman." Wika ng isa sa mga ito na si Gryego, ang tinuturing nilang lider sa kanilang anim na magkakaibigan.
May naaamoy siya sa mga pito. Mukang may alam ang mga ito. Pinagmasdan niya sila, tinitigan hanggang sa kaloob-looban ng kanilang paningin. Tila nasisilaw naman sila sa mga titig ng dalaga na tila ba laser ang kaniyang mga mata at kinikilatis ang bawat sulok ng kanilang kabuuan.
"Danarah, ang tindi mong makatingin. Nasisilaw kami."
"Pwes, sabihin niyo ang inyong mga nalalaman dahil kung hindi, pagbabayaran niyo ang hindi pagsasabi ng totoo." Matigas niyang tugon.
"Naku Danarah, wala kaming kinalaman diyan. Dalawang grupo lang naman ang pwedeng makagawa ng ganiyang kabrutal."
"Anong grupo?" Agad niyang tanong. Natutop ni Frey ang kaniyang bibig. Pahamak na bunganga, sigurado delikado siya.
"Ano? Anong grupo ang sinasabi mo?"
"May kailangan kang malaman Danarah."
Ahhh!!!
Nanbitin pa ang mga gago. Bakit di nalang nila sabihin ng deretso?
"Naiinip na ako, ano ang dapat kong malaman."
"Ang alpha gamma rho." Natigilan siya sa narinig. "Maaaring may kinalaman sila sa mga nangyari sa tatlong ito."
Tama ang kaniyang hinala. Maaari ngang ang grupo ni Jiro ang may kagagawan ng pagkakabitin ng tatlo. Kailangan na niyang gumawa ng hakbang para buwagin ang nasabing grupo.
"Pero hindi lang yan Danarah, diba sa ko ay dalawang grupo ang suspect."
"May iba pa bang praternity dito?"
"Hindi praternity Danarah kundi talagang masasamang tao sila. Gusto lang nilang manakot, manakit, mangotong sa mga estudyante at guro at mangtri-trip ng kasamahan.
"Anong grupo nila at sino ang lider?"
Binulungan siya ni Gryego.
Sumunod na araw ay nagkumpul-kumpol na naman ang mga estudyante. Lumapit si Jiro kasama ang ibang myembro nito. Nagulat sila ng makita ang tatlong mga lalaki na nakabitin din at halos wala ng buhay. At lalo silang nagulat ng makilala ang mga ito. Sina Vince, Ryan at Eso, mga myembro ng alpha gamma rho.
"Sinong may kagagawan nito? Ibaba niyo sila dali." Utos ni Jiro.
"Hinayupak na Altasyd na yan, siguradong sila ang may kagagawan nito. Humanda sila." Usal ni Jiro sa kaniyang sarili.
Ilang araw ng nagkakagulo ang mga estudyante dahil sa mga nangyayring hindi mawari kung masama o mabuti sa kanilang eskwelahan. Kailan lang ng namimilipit ang mga daliri ng isang estudyante na nagnakaw ng mags ng sasakyan ng isang Accounting professor habang ang iba naman ay nasa pagamutan dahil sa tinamong sugat ng mga ito sa hindi makilalang tao. Kay aga ring nadatnan ang nakabitin na estudyante sa isang puno ng mangga sa mini forest ng Anniston U. Halos matulala rin ang apat na estudyanteng nagbasag ng mga salamin sa ilang silid-aralan ng pinilit silang pababain sa kanilang sasakyan at nasaksihan ang pagkasunog ng kanilang sasakyan habang binabagtas ang daan papuntang bar. Ang lahat ng iyon ay walang nakakaalam kung sino ang may kagagawan.
Alas-onse ng tanghali. Nasa quadrangle si Danarah na nakatayo at pinagmamasdan ang tatlong myembro ng alpha gamma rho na nakabaon ang sarili.
"Maawa ka sa amin Danarah, hindi na kami uulit. Promise!" Nagmamakaawang sambit ng isa.
"Oo nga naman Danarah, magbabago na kami sa oras na pakawalan mo kami.
"Nahihirapan akong huminga Danarah. Please, palayain mo na kami."
Habang nagmamakaawa ang tatlo ay lalo namang natutuwa si Danarah. Mabigat ang kasalanan ng mga ito kaya mabigat din ang parusa. Nahuli niya sa akto ang tatlo na sinasaktan ang isang freshman student. Umpisa palang ang lahat kaya marami pang mangyayari.
Tumalikod siya.
"Teka lang Danarah, wag mo sabihing hindi mo kami palalayain dito." Usal ng isa.
"Kung kaya niyong gumawa ng kalokohan, magagawa niyo rin ang palayain ang isat-isa buhat sa pagkakabaon niyo."
Dali-daling umalis si Danarah at iniwan ang tatlong nag-iiyakan dahil sa hirap at init ng panahon. Nanghihina na sila.
Habang si Jiro naman ay hinahanap ang tatlo. "Saan na ba yung tatlong iyon."
"Jiro!!!!!" Tawag ni Cholo na para bang nasusunugan.
"Ano bang problema mo? Kung makatawag ka naman wagas."
Napansin niya ang mga mata nina Jude, Fitz at Zaldi.
BLACK EYE?!
"Anong nangyari sa inyo? May trouble ba?
"Nanilip kasi sila Jiro kaya sila nagkablack eye." Sagot ni Cholo.
"Ano? Sino ang may gawa? Ang mga sinilipan niyo?"
"Hindi master! Ang totoo niyan nahuli kami ni Danarah na naninilip, kaya kami nagkablack eye."
"Ano? Si Danarah? Binigyan kayo ng black eye?"
"Oo master, siya talaga! Hindi namin akalain na may natatanging kaalaman pala ang babaeng iyon, este ang babaeng super type mo."
Nag-isip ng malalim si Jiro. Ano nga bang meron sa Danarah na iyon? Parang may kakaiba sa kaniyang pagkatao? Siya din ba ang may kagagawan sa mga nangyayaring hindi maganda sa mga estudyanteng mahilig gumawa ng kalokohan?
"Master?" Tawag ng patpating utusan ni Jiro na nagsusumamong maging myembro ng alpha gamma rho. Si Neil.
"May maganda ka na bang impormasyon?" Agad na tanong ni Jiro.
"Masamang balita master, ang tatlo mong myembro. Nakabaon sila sa lupa, mukang hindi na sila magtatagal."
ANO?????
BINABASA MO ANG
SHE IS DANGEROUS ( Complete )
RomansaDahil sa hindi magandang pangyayari ay nagpasya ang ama ni Danarah na iuwi siya sa Pilipinas mula sa California at ilipat siya sa Anniston University, isang ekslusibong unibersidad sa Pilipinas na ang mga kurso ay may kinalaman sa business, at ang m...