CHAPTER 22

3.2K 75 1
                                    

SHE IS DANGEROUS
Written by: Apple

Agad na binuksan ni Ms. Ducusin ang envelop at nilabas ang laman. Isang dokumento ito kasama ang isang titulo. Napatingin ang dean sa nagdala na adviser pagkatapos ay binasa ang nilalaman ng dokumento.

"Dios ko po!" Usal ng dean.

"Bakit ho Ms. Ducusin?"

"Si---si Dan---danarah."

"Bakit ho si Danarah? May nagrereklamo po ba."

"Si Danarah ang may-ari ng Anniston U."

"Ho!!!" Sabay-sabay na sambit ng mga gurong naroon sa opisina ng dean.

"Di ba pinalayas mo na siya dito sa school?" Teacher 1.

"Kung ganon Ms. Ducusin, ikaw pa pala ang mapapalayas sa school na ito dahil kinalaban mo ang may-ari." Teacher 2.

"Mawawalan ka na ng trabaho Ms. Ducusin. Baka haharangin pa ang pamamasukan mo sa ibang paaralan." Teacher 3.

"Paano nalang ang mga pinagkakautangan mo? Kapag hindi ka nakabayad dahil wala ka ng sinasahod, tiyak idedemanda ka ng estafa." Teacher 4.

Nahintakutan naman ang dean sa mga pinagsasabi ng mga teachers. Bigla niyang naisipang habulin si Danarah kaya agad namang lumabas ito. Habol ang hininga ng dean sa kahahanap kung saan nagtungo si Danarah. Dahil matanda na ito ay madali na itong hingalin.

"Asan na ba yun?" Usal niya sa sarili. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga estudyante at ang iba ay natatawa pa.

"Anong tinatawa-tawa niyo diyan? Nakita niyo ba si Danarah?" Galit niyang tanong sa mga estudyanteng nagdaraan. Nagkibit-balikat lang naman ang mga ito.

Papalabas na ng gate si Danarah ng may tumawag sa pangalan niya. Kumunot ang noo niya sa dean na hingal sa pagtakbo.

"Eh Danarah!"

"May nakalimutan ka bang isumbat Ms. Ducusin?" Sarkastiko niyang tanong. Kung hindi lang ito matanda, baka nabalian na niya ito ng buto sa kakitidan ng utak.

Hiyang-hiya pa ang dean na humarap sakaniya.

"Pasensiya ka na, nabigla lang ako. Alam mo naman kaming mga matatanda, madalas uminit ang ulo. Wag ka ng umalis Danarah, pumasok ka ulit bukas ha. Kailangan ka pa dito sa school saka alam na namin ang lahat." Mahinahong wika ng matandang dean. Nahiwagaan naman si Danarah.

"Ang alin?"

"Na ikaw ang tagapagmana ng Anniston University." Masayang sagot ng dean.

"WHAT?" Ang nasa isip niya.

"Sa lola mo pala ang school na ito at sayo ipinamana. Biruin mo, wala kaming kaalam-alam."

Nagulat naman siya sa balitang iyon. Maging siya ay nagulat din. Wala siyang kaalam-alam sa bagay na iyon. Buti pa nga ang matandang kaharap, update samantalang siya ay huli sa balita. Gayunpaman, nagkunwari nalang siya.

"So kailangan pa palang malaman niyo na ako ang may-ari ng school pero kung hindi niyo nalaman ay ganon nalang ba ang lahat. Balewala nalang ako sa likod ng mga kagandahang nagawa ko sa school na ito maging sa pagpapatino sa mga estudyante na hindi niyo kayang gampanan. At basta nalang din kayo nanghusga without asking my side. Ganon ba iyon kasimple sa inyo Ms. Ducusin, huh!?" Mahaba niyang litaniya. Napaawang naman ang dean. Napakalawak talaga ng pag-iisip ng kaharap na estudyante.

"Ah, ehhhh! Hindi naman sa ganon Ms. Danarah. Hayaan mo hindi na ito mauulit."

"Alam ko ho iyon Ms. Ducusin. Wala ka namang choice kundi ang magpakumbaba sa akin. Hayaan niyo ho, kahit ako ang heiress ng school na ito. Hindi ko ilalagay ang sarili ko sa nakatataas sa inyo depende yan sa sitwasyon. Hayyy, siguro ay hindi lang estudyante ang kailangang baguhin kundi pati mga guro. Kailqngan pa ng moral support." Usal niya.

SHE IS DANGEROUS ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon