SHE IS DANGEROUS
Written by: Apple
Humagulgol si Danarah sa loob ng kotse. Ang buong akala niya ay totoo na ang nararamdaman ng binata sakaniya pero bakit kailangan pa niyang makipagtikiman sa iba? Dahil ba sa hindi niya kayang ibigay ang naibibigay ni Lavinia? Pero hindi naman iyon ang basehan ng pagmamahalan. Ngayon niya napagtanto na tama ang mga pirhana dolls, hindi nga marunong makuntento si Jiro at sa tingin niya ay nature na ng binata ang mga gawaing iyon. Nageenjoy ito ng mga ganoong bagay kaya habang maaga pa ay putulin na niya ang kahibangan niya. Itutuon nalang niya ang kaniyang atensyon sa kanilang school. Ang dami na niyang nasayang na oras na inilaan niya sa binata pero ang kapalit pala nito ay harap-harapan siyang ginagawang tanga.
Nagtataka naman si Azi sa nakitang itsura kanina ng dalaga. Gusto niya sanng lapitan ito pero agad na pumasok sa kaniyang kotse. Sigurado siyang may nangyaring hindi maganda. Sana ay sinabi nalang niya kay Danarah ang tungkol sa nlaang pagkatao ni Jiro at ang natukasan niyang ugnayqn nito kay Hilton. Ang namumuno sa Neophyte dito sa bansa, at ang kaisa-isang tao na nasa likod ng pagkamatay ni Xavier. Saglit pa'y tanaw na niya ang sasakyan ni Danarah na mabilis na umalis. Nag-alala siya para sa dalaga kaya naman sinundan niya muli ito. Habang si Danarah naman ay samutsaring emosyon ang kaniyang nararamdaman. Halo-halo ang kaniyang iniisip at hindi parin siya tumitigil sa pagluha.
Minabuti ng dalga ang magtungo sa sementeryo na kinalilibingan ni Xavier. Doon ay malaya niyang inilabas ang kaniyang sama ng loob. Umiyak siya ng umiyak habang nasa harap niya ang lapida ng yumaong kaibigan.
"Danarah!" narinig niyang boses na nanggaling sakaniyang likuran.
"Azi!" pinunasan ang kaniyang mga naglandas na luha sa pisngi.
Nakasandal lamang si Azi sa isang puno.
"Sinundan mo pala ako."
Hindi umimik si Azi.
"Kung nabubuhay lang si Xavier, dalawa sana kayong nagbabantay sa akin." muli niyang wika habang nakaupo at nakatuon ang kaniyang mga mata sa lapida.
"Kung nabubuhay lang si Xavier, hindi mo sana nakilala si Jiro. Sana ay hindi ka lumuluha ng dahil sakaniya."
Nilingon niya ang kaibigan.
"Hindi na ako magtatanong kung anong nangyari." dugtong ni Azi na papalapit sakaniya.
"Pasensiya ka na, marami akong dapat sinabi sayo bago mo pinuntahan si Jiro pero inisip ko kasi ang damdamin mo. Alam kong madali kang masaktan Danarah pero sana ay handa ka rin tumaggap ng katotohanan."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Si Jiro!"
Kinabahan siya.
"Ano ang tungkol kay Jiro?"
"Marami! May kaugnayan siya kay Hilton."
"Hilton?"
"Ang lider ng mga Neophyte dito sa Pilipinas.
Napanganga siya. "Sino kaya sa mga kasama ni Jiro ang Hilton?" Tanong niya sa sarili. Noon pa man sa California ay naririnig na niya ang pangalan nito pero hindi pa niya kailanman nakikita.
"Anong ibig mong sabihin Azi?"
"Isa lang ang ibig sabihin nun Danarah. Si Jiro ay myembro ng Neophyte na pinamumunuan ni Hilton."
"Pero may grupo si Jiro at sa pagkakaalam ko, hindi na pwedeng sumali pa ang sinoman sakanila kapag nakasali na sila sa alpha gamma rho."
"Hindi totoo ang grupo na iyon Danarah. Naalala mo ba ang bilin sayo ng kuya Dave mo noon bago ka pa pumunta dito sa Pilipinas? Ang Neophyte ay nagkalat sa mundo. Ngunit hindi halata dahil nag-iiba sila ng pangalan. Ang alpha gamma rho ay hindi basta-bastang praternity lang, mapanganib sila dahil ang grupo ja yan ay Neophyte dito sa Pilipinas. Danarah, kalaban natin ang grupo na yan at sila rin ang dahilan ng pagkamatay ni Xavier. Kalaban mo si Jiro, Danarah."
BINABASA MO ANG
SHE IS DANGEROUS ( Complete )
RomanceDahil sa hindi magandang pangyayari ay nagpasya ang ama ni Danarah na iuwi siya sa Pilipinas mula sa California at ilipat siya sa Anniston University, isang ekslusibong unibersidad sa Pilipinas na ang mga kurso ay may kinalaman sa business, at ang m...