CHAPTER 21

3.3K 74 3
                                    

SHE IS DANGEROUS
Written by: Apple

"Ang akala mo ba ay papatulan kita. Nagkakamali ka Jiro. Marami ka pang kakaining bigas kumpara sa akin. Pero kung talagang kailangan nating magtuos, sige pagbibigyan kita." Wika ni Dave na pinipigilan ang pagpuyos ng kaniyang galit sa kaharap sapagkat naalala niyang ito ang nanakit ng damdamin ng knaiyang kaisa-isang kapatid.

Tila naiipit naman si Danarah ngunit hindi siya nagpahalata. Ang kaniyang mahal kontra sa kaniyang kapatid, ang hirap ng ganong sitwasyon. Ayaw niyang may masaktan sa dalawa at lalong hindi niya matatanggap kung may babawian ng buhay.

Nakahanda na si Jiro sa mga oras na iyon. Hindi man niya tiyak na magtatagumpay siya ay buo parin ang kaniyang loob alang-alang sa yumaong si Alexis. Ngunit tila hindi umaayon ang panahon. Biglang may dumating na mga pulis upang magsagawa ng checkpoint sa kalsadang malapit sa kinaroroonan nila.

"Jiro, atras na tayo. Hindi talaga kayo matutuloy niyan dahil may dumating na mga anghel oh."usal ni Cholo na itinuro pa ang sinasabi niyang mga anghel gamit ang kaniyang nguso.

Ganon din ang parte nila Dave. Kumalma sila at kunwari ay walang bangayan na nagaganap. Naghiwalay ang kanilang mga grupo na may pagbabanta sa isat-isa.

Hinampas ni Jiro ang hawak na bote ng beer. Gulung-gulo ang isip niya. Marami na siyang naging papel sa buhay at ilang taon na rin niyang pinaghandaan na makaharap ang pumatay sa kaniyang kaibigan at sa kasawiang palad, kapatid pa ito ng kaniyang minamahal.

"Aaahhhh" sigaw niya na napaluhod sa kadamuan. Naroon siya sa malawak na garden ng kanilang mansyon kasama sina Fitz at Cholo. Dahil wala ang kaniyang mga magulang ay malaya siyang nakipag-inuman sa mga kasama at sinabihan ang mga kasambahay na wag magsusumbong.

"Jiro tama na yan, wala ring magandang maidudulot kung sakali mang pinagpatuloy niyo kanina ni Dave ang magkasakitan. Masyado siyang malakas kumpara sayo Jiro, realtalk yan ha." Ani Fitz.

"Ewan ko ba, pero parang hindi pa ako kuntento ngayon. Naguguluhan na ako sa sitwasyon ko. Isa pa ay si Danarah, parang ayokong maniwala na magagawa niya akong saktan. Mas mahalaga ba sakaniya ang grupo niya Parang meron pa akong kailangang patunayan. Siguro ay kailangan ko ng magmadali sa paghahanap ng puntod ni Alexis."

"Ano bang kailangan mong alalahanin kay Danarah? Mukang maayos naman ang kalagayan niyan ngayon."

"Alam ko! Kaya lang, paano ko mapapatunayan sakaniya na mali siya ng inaakala?"

"Ang mabuti pa ay ayusin mo muna ang nakabinbin na problema mo bago ka maghasik ng panibagong rebelasyon."

Hindi na siya umimik. Kinabukasan, dahil walang pasok ay nagtungo siyang mag-isa sa kinaroroonan ni Nanay Nena.

"Anong maipalilikod ko sayo iho." Nagulat si Jiro sa biglang pagsulpot ng binata.

"Nanay, hindi ko makita ang sinasabi mong puntod ni Alexis."

"Dahil mali ang iyong ginawa at hindi lang iyon, hindi ko nasabi sayo na maraming pangalan si Alexis."

"Anong ho ang ibig mong sabihin."

"Hindi ko sigurado kung anong pangalan ang ginamit ni Alexis bago pa sumuko ang katawan niya ."

Nag-isip ang matanda at bigla siyang may naalala.

"Ito ang hanapin mong pangalan, Camilo, Gavo, Arana, Xavier."

"Xavier?" Bulalas ng kaniyang isipan.

"Sige po, aalis na po ako. at salamat sa impormasyon."

Kinagabahan ay hindi niya ito pinalampas. Muli siyang bumalik sa sementeryo upang hanapin si Alexis ngunit wala talaga siyang nakita ni isa sa mga pangalang nabanggit maliban nalang sa pangalang Xavier. Hanggang sa may kutob siyang ramaramdaman.

SHE IS DANGEROUS ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon