SHE IS DANGEROUS
Written by: Apple
"May napapansin ba kayo kay Danarah?"
"Meron, hindi lang mailabas ng dila ko."
Nagbubulung-bulungan aang mga pirhana dolls. Pahapyaw silang patingin-tingin sa kinaroroonan ni Danarah na nagbabasa ng libro tungkol sa mga famous business tycoons sa buong mundo.
Ilang sandali pa ay linapitan siya ng mga ito.
"Danarah, nanalo ka ba ng lotto?"
"Bakit?"
"Bakit ang shiny ng mga eyes mo?"
Napangiti siya. Napansin pa ng mga ito ang kasiyahan niya kahit hindi niya ipinapakita.
First time ding niyang ngumiti na siyang ikinagalak ng mga pirhana dolls. Nasanay na nga sila sa kabubulyaw niya sa mga ito.
"Di ba dapat sad ka kasi inaagaw ni Lavinia ang boyfriend mo?"
"Okay na kami ni Jiro. Nakapag-usap na kami at ang totoo ay sa akin ang binili niyang damit." Masaya niyang tugon.
"Naniwala ka agad?"
Tumango siya.
"Hay! Inlove ka na nga kay Jiro, Danarah."
"Walang nagtatagal na girlfriend si Jiro."
"Ang daming nagkakandarapa sakaniya na mga girls."
"Magiging okay kami ni Jiro. Alam kong mahl niya ako."
"Panandalian lang magmahal si Jiro. Baka masaktan ka lang."
"Hindi ko iyon papayagang mangyari."
"Iba si Jiro. Kung ano ang gusto kukunin niya. Kung ano ang ayaw, itatapon nalang niya na parang basahan."
"Nagbabago ang isang tao kapag nagmamahal ka na." nakangiti niyang sagot saka tumayo upang pumasok na sa klase.
Naiwan naman ang mga pirhana dolls na nagtataka sa naiibang kilos ni Danarah. Hindi nila akalain na mapapaamo siya sa pamamagitan ni Jiro. Napailing ang mga ito. Hindi dapat maging malambot ang puso ni Danarah. Kapag nangyari iyon, tuluyan ng mawawala ang Anniston University dahil wala ng magtatanggol para dito.
"Azi" tawag ni Danarah sa kaibigan ng mkita niya ito sa loob ng campus.
"Nag-iisa ka na naman Danarah."
"Wala si Jiro. Nakita mo ba?"
Umiling ang kaibigan.
Siya nga pala Danarah. Sa darating na mga araw ay may sorpresa ako sayo."
"Ano yun?"
"Basta malalaman mo rin."
Nahiwagaan naman si Danarah kay Azi. Wala siyang maisip na sorpresa nito sakaniya. Ngunit handa niyang hintayin ang araw na iyon.
Madalang na ang pagpasok ng mga estudyante dahil katatapos lang ng kanilang final exam para sa unang semestre. Ibig sabihin ay enrollment na naman para sa susunod. Isang linggo ang kanilang bakasyon ngunit para kay Danarah ay hindi mahalaga iyon. Mas gusto niyang nakabantay siya lagi sa paaralan. Wala naman siyang hilig mamasyal pwera lang kung yayain siya ni Jiro.
Naalala rin niya ang mga altasyd. Hindi na niya nakikita ang mga anino ng mga ito. Hindi na rin sila pumapasok at marahil ay alam na nilang lahat ang tungkol sa ginawa niya sa mga ibang myembro nito. Kaya naman doble ang pangamba niya na baka balikan siya upang gantihan pero hindi siya basta makakapayag. Marami pa siyang kailangang linisin sa Anniston U. Saka isa pa ay may tiwala siya kay Jiro. Alam niyang hindi siya pababayaan ng binata at darating ding ang punto na ipagtatapat niya kung sino nga ba siya.
BINABASA MO ANG
SHE IS DANGEROUS ( Complete )
RomanceDahil sa hindi magandang pangyayari ay nagpasya ang ama ni Danarah na iuwi siya sa Pilipinas mula sa California at ilipat siya sa Anniston University, isang ekslusibong unibersidad sa Pilipinas na ang mga kurso ay may kinalaman sa business, at ang m...