CHAPTER 14

3.5K 83 5
                                    

SHE IS DANGEROUS

Written by: Apple

Masaya si Danarah dahil siya parin ang nangunguna sa mga dean's listers sa Anniston U. Kahit may mga pinagkakaabalahan siyang ibang bagay ay napapanatili pa rin niya ang magandang performance niya sa kaniyqng mga academic.

Sinadya niya talagang umiwas sa mga pirhana dolls ng araw na iyon. Sigurado kasing magyayaya na naman ang mga ito na maggala. Mas gusto niyang kasama si Jiro. Napakagaan ng kaniyang kalooban kapag kasama niya ang binata kahit may kaseryosohan ito at istrikto. Tinawagan niya ang binata at nakailang dial na siya ngunit hindi naman ito sumasagot.

"Bakit kaya hindi sumasagot? Busy na naman kaya?" Tanong niya sa sarili.

Sumagi sa kaniyang isipan ang nakita niyang magkasama sina Jiro at Lavinia. Pero ayaw din niyang mag-isip ng kung anu-ano. Alam niya namang hindi ang tipo ni Jiro ang magugustuhan ni Lavinia. Siguro nga ay nagkataon lang na nagkita ang dalawa o kaya naman ay kasama nito ang mga iba pang kausap ng kasintahan noong gabi na nakita niya ang mga ito.

"Bro!" Sambit ng lalakeng kasama ni Lavinia ng makita sina Jiro sa mall na pinag-usapan nilang meeting place.

"Nandito na pala kayo. Kumusta naman ang nilakad ko kagabi?" Nakangiting turan ni Jiro.

Napabuntung-hininga si Hilton.

"Wala pa rin bro! Ang hirap tukuyin ang mga iyon. Konting pasensya pa, malalaman din natin kung sinu-sino sila."

"Dapat lang bro! Hindi natin alam kung sino ang mga kalaban natin."

"Tama ka diyan!"

Biglang sumingit si Lavinia.

"Don't worry guys, hindi lang naman iisa ang araw. Para saan pa't kayo din ang magwawagi."

"Sana nga Lavinia dahik hindi basta-basta ang grupo na iyon. Katulad sa atin, malawak at makapangyarihan din sila." Usal ni Hilton.

"Kung ganon ay kailangan nating malaman kung nakapasok na sila dito sa Pilipinas. Baka nandiyan lang sa tabi-tabi ang mga iyon at minamanmanan na pala tayo."

"Pwes, wqg nating hayaang mangyari iyon. Kailangan tayo ang makauna."

Naupo si Lavinia sa tabi ni Hilton.

"Kuya,akala ko ba nabuwag na ang grupo na iyan?" Tanong nito sa nakatatandang kapatid na si Hilton.

"Nagkakamali ka Lavinia, kailanman ay hindi mabubuwag ang grupo na iyan hanggat hindi nawawala ang pinuno."

Hindi na umimik si Lavinia. Ang totoo niyan ay wala naman talaga siyang papel sa usapan ng kapatid at ni Jiro. Gusto lang niyang makisawsaw sa usapan.

"Danarah lets go na!"

Hila-hila ng mga pirhana dolls si Danarah palabas ng campus.

"Wait lang, ano ba?" Reklamo niya.

"Kailangan na nating magmadali."

"Bakit ba nagmamadali kayo? Ano bang meron saka bakit kailangan niyo pa akong isama." Naiinis niyang tanong sa mga kaibigan. Kung bakit kasi kung kailan uwian na, saka siya naabutan ng mga ito.

"Pupunta tayo sa mall. May curfew kasi ang discount sa sales ng penshoppe, magshopping tayo! Ayiiii!"

Hayyss

Hanggang ngayon ay baliw parin ang mga ito at wala ng pinagbago.

Walang nagawa si Danarah dahil halos lahat ng pirhana dools ay hinihila siya.

SHE IS DANGEROUS ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon