CHAPTER 25

3.8K 72 0
                                    

SHE IS DANGEROUS
Written by: Apple

Napamulagat si Jiro at kinakabahan ng hindi niya mawari kung bakit. Aaminin niyang may namumuong takot niya sa dalaga pero tila may kakaibang pahiwatig naman ang pagdampi nito sa balikat niya.

"Dan----narah!"

Pinagmasdan lang siya ng dalaga. Nagkatitigan silang dalawa ng matagal. Ilang sandali pa ay nag-iba ang itsura ni Danarah. May ngiti na ito sa kaniyang labi na siyang nagpagaan sa kalooban niya.

"Sweetheart, are you still mad at me?" Mahinang turan ni Jiro.

Hindi naman nakapagsalita agad ang dalaga bagkus ay tinitigan lang siya nito na parang minememorya ang bawat hugis ng mukha niya.

Sandali pa'y humawak si Danarah sa batok niya hanggang sa magkalapit ang kanilang mukha. Nagulat siya ng bigla nalang siyang halikan nito sa labi. Mapusok ang halik na iyon. Nang bitawan siya ng dalaga ay napaawang ang kaniyang mga labi.

"Jiro!" Malambing na usal ni Danarah.

"Do you still love me?" Dugtong pa nito.

Napangiti naman siya. Hindi siya makapaniwala na ang tigreng si Danarah ay isang maamo ng tupa ngayon.

"Is this true?"

"Why? You don't believe it?"

"All I know is your mad at me."

"I'm not mad anymore."

Lalong lumapad ang mga ngiti sa labi niya. Wala ng mas hihigit pa sa ligayang nadarama niya. Agad niyang sinugod ng mahigpit na yakap ang dalaga.

"I love you Danarah, sayo lang ako nakadama ng ganito. Noong nagalit ka sa akin pakiramdam ko nabawasan ng kalahati ang pagkatao ko. At ngayong narito ka muli at kayakap kita, nabuo na muli ako. Sana ay totoo ang lahat ng ito dahil ako, sigurado ako sa nararamdaman ko sayo." Madamdaming wika ni Jiro habang yakap pa rin ang dalaga.

"Me too! I'm sorry kung nasaktan kita ng dahil sa mali kong inakala. Mahal din kita Jiro."

"Sshhh, ako din naman ay nagkamali. Let's start again, sweetheart! Yung walang karahasan, yung walang istorbo at walang bawal. You are my life now."

Kumalas ang dalaga sa pagkakayakap. Hinawakan ng binata ang magkabilang pisngi niya. Nagkatitigan muli sila hanggang sa papalapit ng papalapit ang mga labi nila sa isa't-isa.

"Hep, kung ano man yang balak niyo, wag dito sa loob ng campus. Nakakahiya, ituloy niyo nalang sa labas yan kahit magdamagan pa." Singit naman ni Cholo ng mawari ang gusto nilang gawin.

Inirapan ni Jiro si Cholo ng masamang tingin. Inilayo naman ni Danarah ang mukha dahil nakaramdam na rin siya ng hiya.

"Sweetheart, bakit nga pala hindi ka na galit sa akin ngayon? Muntik mo na akong isumpa ah."

"Wag mo ng tanungin ang bagay na iyan. Ayoko ng makaalala pa ng pangit na nakaraan." Sagot ng dalaga na hindi nagsasawang nakatitig sa gwapong mukha ng binata.

"May nasabi ba sa iyo si kuya?"

Napataas ng kilay si Danarah. "At tinawag pa talagang kuya ang kuya ko." Turan niya sa sarili.

"Bakit sweetheart? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" Inosenteng tanong ng binata.

"Wala naman, nagustuhan ko nga ang huli mong binanggit kaya lang, gusto kaya ni kuya?"

Napangiti ang binata.

"Wala naman siyang magagawa japag nag-asawa na tayo."

ASAWA?

SHE IS DANGEROUS ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon