CHAPTER 24

3.7K 78 2
                                    

SHE IS DANGEROUS
Written by: Apple

Nang gabing iyon ay magkakasalo ang pamilya Li sa hapag kainan. Tahimik ang mga ito na kumakain na tila walang gustong magsalita. Ngunit binasag ni Kirsten ang katahimikang iyon.

"Ako ang nagluto niyan para sa inyo, alam ko naman na parehas niyong paborito ang chicken adobo." Nakangiting wika ni Kirsten ngunit wala ni isa sa mga anak ang tumugon sakaniya.

"Mga anak, kumusta naman kayo?"

Wala pa ring umiimik.

"Danarah, how's your school?"

Tila wala namang naririnig ang dalaga. Napabuntung-hininga siya. Napatitig naman si Dwayne sa asawa.

"Dave, balita ko pinapasyal mo daw ang isa sa ating company? And you know what, they told me na kaya mo ng mamahala. Congratulations anak!" Bati parin ni Kirsten sa anak na bahagyang tumingin sakaniya.

Napalingon si Kirsten sa asawa na parang gustong humingi ng tulong upang makausap niya ng matino ang mga anak dahil tila wala namang nariinig ang mga ito. Hinwakan nang ni Dwqyne ang palad ng asawa upang damayan ito.

Nang matapos silang kumain ay kinqusap muli ng mag-asawa ang kanilang mga anak. Sumunod parin ang magkapatid sa sala.

"Danarah, Dave, alam namin na malaki ang pagkukulang namin sa inyo at sana maintindihan niyo kami ng inyong daddy. Wala naman kaming ibang naging hangad kundi ang kabubuti niyong pareho." pag-uumpisa ni Kirsten.

"Ikinabuti nga ba namin mommy, daddy? Ano sa pagay niyo ang ikinabuti ko noong sapilitan niyo akong pinauwi dito sa Pilipinas at inilayo sa mga nakapagpapasaya sa akin? Ano naman ang ikinabuti ni kuya noong hinihigpitan niyo siya at naisipan niyang umalis at sumunod sa akin dito. Parang dalawa lang kami ang nagtatanggulan. Paano naman kasi, abala kayong pareho sa inyong mga negosyo. Ang yaman niyo ang iniintindi niyo na siyang nagpalayo ng loob namin sa inyo." buong taang na sumbat ni Danarah.

"But princess, nilalayo ko lang kayo sa kapahamakan. Alam ko kung ano ang pinasok niyong grupo at alam ko kung anong ginagawa ng grupong iyan. Sana maintindih niyo iyon." sagot ni Dwayne.

"Hindi rin naman lingid sa kaalaman namin ni Danarah nanaging myembro rin kayo ng Angelous, dad. Siguro naman ay kung anong pinaglaban niyo noon ay alam mo ring ganoon kami." ani Dave.

"Alam ko iyan, kaya nga ayokong matulad kayo sa akin na naging marahas sa kapwa. Maayado pa kayong bata para makaranas ng karahasan lalo na si Danarah."

" I'm no longer a child, dad. Nor I'm not a little girl anymore. Noong pinalayo mo ako, mas lalo akong natutong mabuhay ng mag-isa at maging matapang para sa sarili ko dahil alam kong walang ibang magtatanggol sa akin kundi ang sarili ko lang. Nang dumating si kuya Dave, mas lalo akkong nabuhayan dahil muli kong makakasama ang nag-iisang tao na nagtitiwala sa akin at handa akong damayan at unawain sa aking ipinaglalaban. Sana hindi niyo na naisipang umuwi dito, dahil alam ko na kung anong binabalak niyo. Gusto niyo na kaming ibalik sa California ni kuya Dave, pero pasensiya na, hindi ako babalik ng California hangga't hindi ko pa natatapos ang aking misyon." wika ni Danarah na deretso ang tingin sa inuupuan ng mag-asawa.

Nagkatinginan ang mag-asawa. Matalino talaga ang anak nila dahil mahulaan na talaga ang balak nila. Ang buong ala nila ay matutuwa ang mga ak nila lalo na si Danarah sa planong iyon pero nagkamali pala sila. At hindi na nila kayg pwersahin o diktahan ito dahil a nakikita nila sa kanilang bunsong anak ay tumapang na nga ito. At hindi na rin siya ang dating Danarah na sila lang ang sinusunod. Iang sandali rin ang kanilang katahimikan ng magsalita si Dwayne.

"Bueno, kung hindi namin kayo maiuwi sa California agad, magstay muna kami ng mommy niyo dito hanggang sa handa na kayong bumalik ng California." turqan ni Dwayne.

SHE IS DANGEROUS ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon