SHE IS DANGEROUS
Written by: Apple Pabro
"Hindi mo ba ako hihintayin?" Tanong ni Danarah kay Jiro na nasa kabilang linya. Kausap niya ito sa cellphone.
"May aasikasuhin lang kami ng grupo. Magpasama ka nalang muna sa mga kaibigan mo." Sagot naman ng binata sa kabilang linya.
"Sige! Jiro?"
"Bakit sweetheart?"
Ingat ka lagi ha!"
"Ikaw din!"
Napangiti sa sarili ang dalaga.
"Danarah?"
"Sweetheart?" Tawag din niya. Gusto na niyang isanay ang sarili sa pagtawag ng ganong endearment sa binata.
"Ayokong malaman na may kasama kang ibang lalake ha."
Hindi siya nakaimik pero sa loob niya ay natuwa siya.
"Sweetheart? Are you still there?"
"Ha? Ah, oo nakikinig ako."
"So nasabi oo na sayo ha, dapat lang na sundin mo ako dahil boyfriend mo ako."
"Oo! Hindi ako sasama sa iba dahil magagalit ka."
"Good girl! Sige na, bye sweetheart."
"Bye!"
Pinindot na ng dalaga ang end button ng kaniyang cellphone.
"Magseselos ba siya kapag may kasama akong iba na lalake? Bakit niya ako pinagbabawalan? Mahal kaya niya ako?" Tanong ng dalaga sa sarili.
Naguguluhan din siya sa kanilang sitwasyon. Ang alam niya noon ay katuwaan lang ng alpha gamma rho ang relasyon nila pero tila lumalalim na dahil apat na buwan na silang magkasintahan. At sa buwan na iyon ay nahuhulog na rin ang loob niya sa binata. Napapasunod siya nito na dati ay siya lang ang sinusunod pero pagdating sa binata ay nagiging ganap siyang babae.
Isa nalang ang gusto niyang marinig mula sa binata. Ang sabihing mahal siya nito.
"Hayyy!"
Inayos niya ang sarili dahil may klase pa siya. Ngunit hindi pa man siya nakapasok sa klase ay nagkakagulo na naman ang mga teachers.
"Ms. Ducusin bakit po?"
"Naku Danarah, nasira na lahat ng mga computer sa teacher's room. Ano pang gagamitin namin ngayon para sa printing ng final exams niyo."
"Bakit ho nasira?"
"Yan ang alamin mo, bilang lider ng Anniston University, dapat pangunahan mo ang pagiimbestiga kung sinong mga estudyante ang gumagawa ng hindi mabuti rito." Turan ng guro sakaniya saka nagpatuloy sa paglakad patungo sa dean's office.
"Damn students!" Mahinang sambit niya. Naisip niya na parang sakaniya na pinapaako lahat ng problema ng paaralan. Mapa-eatudyante man o mapa-imprastraktura ay sa kaniya na pinapaasikaso at pinapaasa. Ngunit nahihirapan man siya sa sitwasyon niya ay wala na siyang magagawa. Nasadlak na siya sa magulong mundo at kailangan rin niyang panindigan ang kaniyang kinalalagyang posisyon.
Naningkit ang mga mata ni Danarah na nakatitig sa limang lalake na nagbubulung-bulungan. Mukang may naaamoy siyang hindi maganda sa mga ito.
Alas-kwatro ng hapon. Daing ng limang estudyanteng lalaki ang naririnig mula sa likod ng mga buldings sa loob ng school.
Ang dalawang lalake ay sapo ang kanilang tiyan habang ang isa naman ay naghihina na sa tadyak at sipa ni Danarah. And dalawa pang lalake ay halos wala ng malay na nakabulagta nalang sa lupa.
BINABASA MO ANG
SHE IS DANGEROUS ( Complete )
RomanceDahil sa hindi magandang pangyayari ay nagpasya ang ama ni Danarah na iuwi siya sa Pilipinas mula sa California at ilipat siya sa Anniston University, isang ekslusibong unibersidad sa Pilipinas na ang mga kurso ay may kinalaman sa business, at ang m...