SHE IS DANGEROUS
Written by: Apple
"Narito na ang manok natin!" Sigaw na narinig niya.
Manok???kanina reyna, ngayon manok naman!
"Hayyyss! Hindi yata school ito kundi mental." Usal ni Danarah sa sarili.
Bakit ba kasi siya napunta sa shcool na iyon? Kasalanan ito ng daddy niya.
"Hi Danarah!" Sabay na bati ng mga pirhana dolls. Parang walang nangyari na kaguluhan.
"Anong nagyayari dito?" tanong niya sa anim. Makakasakal na siya kung hindi matino ang isasagot ng mga ito.
"Ikaw ang pambato namin na maging campus chief leader dito sa school kaya maghanda ka na para sa debate." Sagot ni Cha-cha.
"Ano???" Nagulat siya! Biglaan ang lahat. Hindi niya iyon napaghandaan.
"Napagtripan na naman ba ako?" Tanong niya sa sarili.
DEBATE NAAAA!!!!
Sigawan ng mga estudyante.
"Danarah be ready! Ilampaso mo si Lavinia!" Ang mga pirhana dolls.
"Lavinia??? Oo nga pala, siya nga pala ang babaeng campus model at illegal wife ng campus at ang nakita niyang kahalikan ni Jiro." Usal ng isip niya. "Paano ba siya magiging leader kung napakadumi niya? Ano nalang ang ituturo niya sa mga kapwa niya estudyante? Ang maglandi? Hmp, bahala na si batman."
Pumasok na ang lahat sa debate area kung saan halos lahat nang estudyante ng Anniston U ay naroon at nag-aabang ng kompetisyon at ang matalo ay kakantiyawan.
"Danarah ano pa ginagawa mo diyan? Umupo ka na dun sa chair mo. Basta tandaan mo Danarah, kailangan ikaw ang manalo para ikaw na ang magiging leader ng campus natin at ng mabawasan ang kayabangan ng Lavinia na yan." Sambit ni Marvi na umaasang si Danarah na ang magiging bagong leader.
"Paano kung matalo ako? Sorry nalang kayo!" Tugon niya sapagkat hindi naman talaga siya interesado sa posisyon.
"Wag mong sabihin na papayag kang matalo ni Lavinia? Pag nangyari iyon, pagtatawanan ka lang Danarah." Ani Carmi na nakapamewang pa.
"Alam mo ba kung bakit madaming estudyante dito? Hindi para makiparticipate kundi ang mag-abang ng makakantiyawan pagkatapos ng debate at yun ay ang matatalo mamaya." Turan naman ni Cha-cha.
"At kapag si Lavinia ang nanalo, siya na ang masusunod dito sa loob ng campus." Si Wind.
"Siya na din ang magdedesisyon ng lahat at lahat ng mga estudyante ay sapilitang susunod sa lahat ng gusto niya." Si Storm.
"At pati na rin ikaw Danarah, magihing alipin na ni Lavinia." Si Ice.
"Papayag ka ba sa ganon Danarah? Kawawa naman ang school natin, hindi pa nagkakaroon ng leader na maipagmamalaki ang Anniston U. Alam mo bang hindi na kinikilala ang school natin dahil walang concern na estudyante dito sa school?" Si Marvi ulit. At ang mga pirhana dolls, pinalungkot pa ng bongga ang kanilang mga itsura.
"Kung ganon, bakit hindi kayo nagpapakatino? Bakit ang gugulo niyo? Bakit wala man lang matinong estudyante dito sa Anniston U? Bakit parang mental hospital dito?"
"Malalaman mo lang lahat yan kung magiging campus leader ka na. At kapag ikaw na ang nakaupo, magagawa mo narin ang gusto mong gawin dito sa school at mapapatino mo narin ang mga baliw dito." Si Cha-cha.
"Na katulad niyo!" Turan niya sa mga pirhana dolls. Hindi na umimik pa ang mga ito.
Walang nagawa si Danarah kundi ang hintayin ang kaniyang makakatunggali. Napalingon siya sa bagong dating. Si Lavinia, na super kaway sa mga estudyanteng naroon ngunit halata naman ang kaplastikan nito.
Napaisip siya. Ano kaya kung patulan niya ang kagustuhan ng mga pirhana dolls, kapag siya na ang nakaupo sa pinakamataas na pwesto, magagawa rin niya ang gaya ng dati niyang nagagawa sa California.
"Mga ginigiliw na estudyante ng Anniston University." Si Mrs. Ducusin, ang emcee ng debate. "Ngayong narito na ang dalawang magkatunggali ay uumpisahan na natin ang debate para mapagdesisyunan kung sino ang karapatdapat na maging Chief Campus Leader o Presidente ng ating unibersidad." Pagpapatuloy nito.
Inirapan siya ng masamang tingin ni Lavinia at ginantihan rin niya ito. Tungkol sa society at political theory ang pagdedebatehan ng dalawa at yun ang gustung-gusto ni Danarah. Noong nasa California siya ay mahilig siyang magbasa ng mga libro about politics and economics kaya naman gamay na niya ito.
Samantalang si Lavinia naman ay todo ngiti lang na sobra ang tiwala sa sarili. Naeoon din ang mga aloha gamma rho na pinamumuniuhan ni Jiro. Pakaway-kaway pa si Lavinia sa binata at atat na sa debatehan upang magpaimpress sa binata at sa mga naroong estudyante. Samantalang si Danarah ay pormal lang na nakaupo. Napapatingin din siya sa kinaroroonan ni Jiro. Hindi jiya maintindihan ang sarili kung bakit naiinis siya sa nakikitang pagkakatitig ni Jiro sa maharot na si Lavinia. Ang hindi niya alam ay sakaniya nakatitig ang binata sa tuwing umiiba siya ng tingin.
Nagsalita muli si Mrs. Ducusin. Katahimikan ang namayani hanggang sa umpisahan na nito ang mga katanungang pag dedebatehan. Bumunot si Mrs. Ducusin ng kanilang pangalan kung sino ang unang magsasalita at ilalahad ang sariling ideya tungkol sa kanilang paksa. Pangalan ni Lavinia iyon kaya tuwang-tuwa siya. Palakpakan ang mga estudyante sakaniyang opinyon kaya naman pakiramdam niya ay walang makakatalo sakaniya.
Sumunod na nagsalita si Danarah at kinontra ang mga opinyon ni Lavinia. Tanging ang mga pirhana dolls lang at ang ilan sa mga nakakaunawa ang pumalakpak sakaniya sapagkat ang kaniyang opinyon ay hindi naaayon sa mga baliw na estudyante.
Ngumisi ang mayabang na si Lavinia at nagsalita muli. Palakpakan muli ang mga estudyante. Nang siya ang sumunod, halos lahat ng nalalaman niya at alam niyang makakatulong saknilang paaralan ay isinatinig niya. Namangha pa ang lahat ng mga guro gayon din ang ilang political ang economical analyst na naroon sakaniya dahil matatas siyang magsalita at angkop na angkop sa konstitusyon ang kaniyang mga opinyon. Parang naplasteran naman ang bunganga ni Lavinia dahil wala siyang alam na ibabanat sa katunggali. Ano nga bang nalalaman niya sa dami ng nalalaman ni Danarah samantalang hanggang sa konstitusyon lang ng kanilang paaralan ang kaniyang nalalaman.
"Ms. Lavinia, may opinyon ka pa ba? Ano ang masasabi mo kay Ms. Danarah?" Nakangiting tanong ni Mrs. Ducusin.
Hindi makaimik si Lavinia. Nasalisihan yata siya ng isang estranghera. Estranghera na may tinatagong talento pagdating sa pag-analisa ng mga bagay-bagay na madalas mangyari saan mang sulok ng mundo.
"Well are you done Lavinia? Wala ka na bang masasabing opinyon?"
"Ahmm, ma'am kasi po, eh,,,ano,,,excuse me, nahihilo po ako." Pagrarason ji Lavinia at mabilis na umalis sa area. Ayaw niyang mapahiya at makantiyawan.
"Students, may I have your attention please!"
"Hoy attention daw!!!"
"Excited na!"
"Ang tagal naman ihayag ang bagong leader."
"Quiet na!!"
"Bilis na, gutom na kamiiii!"
Reklamo at daing ng mga estudyante ang naririnig.
"Nakapagdesisyon na ang mga hurado kung sino ang uupo sa pinakamataas na pwesto dito sa Anniston U."
Nagkakagulo ang mga pirhana dolls. Alam nila kung sino ang nararapat at katangahan na ng management kung hindi si Danarah ang iaanunsyo.
"Dahil sa talento sa debatehan at nakitaan ng angking talino at katapangan. Ibibigay namin kay Ms. Danarah Li ang pinakamataas na pwesto na siyang manunungkukan sa Annisyon University." Hiyawan ang mga estudyante at syempre, halos himatayin na ang mga mapapanganib na isda. Parang tumigil naman ang mundo ni Danarah. Magkakaroon na siya ng karapatan na mamuno sa Anniston U. Magagawa na niya ang anumang nararapat. Walang maaaring pumigil sa kaniyang mga plano. Humanda ang lahat dahil mag-uumpisa na ang hukom upang humusga.
BINABASA MO ANG
SHE IS DANGEROUS ( Complete )
عاطفيةDahil sa hindi magandang pangyayari ay nagpasya ang ama ni Danarah na iuwi siya sa Pilipinas mula sa California at ilipat siya sa Anniston University, isang ekslusibong unibersidad sa Pilipinas na ang mga kurso ay may kinalaman sa business, at ang m...