SHE IS DANGEROUS
Written by: Apple
Mula sa gate hanggang sa classroom ay kay Danarah lahat nakatingin ang mga mata. May natutuwa at may naiimbyerna.
"Hay naku! Ewan ko nalang kung anong kayang gawin ng Danarah na yan dito sa school." Si Beth, ang isa sa mga alalay ni Lavinia.
"The best parin kung si Lavinia ang nanalo. Sayang naman, hindi na tayo makakapagrampa." Ang mahaba ang babang si Lulu.
"Nakakainis! Hindi naman natin kilala yang Danarah na yan at ngayon lang napadpad dito. Ni hindi nga natin alam kung saan galing yan. Kung anong pamilya siya galing at kung anong pamumuhay meron sila." Si Ara, ang bestfriend ni Lavinia.
"Hay naku, baka naman galing lang ng payatas yan." Muling sambit ni Beth.
"Anong balak mo Lavinia?" Makahulugang tanong ni Ara.
"Wag kayong mainip okay, maglaylo ,una tayo ngayon pero kailangan na nating mag-isip ng magandang gawin sa babaeng yan. Kailangang mawala siya sa mga landas ko dahil siya ang magpapataob sa akin dito sa Anniston U pero hinding-hindi ako papayag. Ako parin ang reyna dito." Tugon ni Lavinia na desperada sa pagkatalo niya kay Danarah.
Nakaupo si Danarah sakaniyang seat number habang nagguguhit ng isang building na may malawak na bakuran sa paligid. Gusto niyang iguhit ang kaniyang mga pinapangarap na ipatayo balang-araw. Nagulat siya ng may sumusundot sa likuran niya pero hindi niya muna ito pinansin. Ilang sandali pa'y may humila naman sa kaniyang buhok. At masakit iyon. Lumingon siya sa likod. Ang mga alpha gamma rho, abala sa kani-kanilang gawain.
"Feeling sincered mag-aral!" Usal niya sa sarili.
Pagharap niya ay ang kakaibang titig ni Jiro ang kaniyang nakita na para bang gusto siyang hubaran. Sinimangutan niya ito.
HAMBOG!!!
Napapangisi si Jiro sa inakto ng dalaga. "Pakipot ha, tignan natin kung hanggang saan ang kaartehan mo." Turan ni Jiro sa sarili.
Naglalakad siya sa walking ground. Buti nalang natakasan niya ang mga pirhana dolls dahil kung hindi ay ubod lakas na naman ang anim na hilain siya habang nagpaplano na naman ng panibagong kalokohan. Leader na siya ngayon ng Anniston U kaya dapat ay magdahan-dahan siya ng kilos at mag-iingat din siya lalo na sa mga estudyanteng may ayaw sakaniya dahil siguradong nagbabalak ang mga ito na matanggal siya bilang leader.
"Hi Danarah!" Biglang sulpot ni Cholo na kaniyang ikinagulat.
"Anong kailangan mo?"
"Pinapabigay ni Jiro, oh." Sagot niya sabay abot ng munting papel.
DANARAH
LET'S MEET AT THE BACK COURT NOW.
JIRO
Tumaas ang kaniyang kilay sabay tingin sa hambog na pandak na si Cholo.
"Bigyan mo ako ng napakagandang rason para tanggapin ang paanyaya niya. Simulan mo ng mag-isip ngayon na."
"Ha???"
Nagtatakang usal ni Cholo. Bakit ganon? Parang ang tapang? Saka tumawa ng ubod lakas kaya naman hindi niya napigilan kaya sinipat niya ang likod ni Cholo.
"Aray naman!" Daing nito.
"Sa lahat ng ayaw ko ay ang pinagtatawanan ako. Ano bang kailangan ng lalaking yun sa akin at kailangan pa niya akong padalhan ng sulat. Pwede naman niyang sabihin ng personal. Ano na naman bang kabaliwan ito?" Sigaw niya kay cholo.
![](https://img.wattpad.com/cover/34093515-288-kc34c4e.jpg)
BINABASA MO ANG
SHE IS DANGEROUS ( Complete )
Roman d'amourDahil sa hindi magandang pangyayari ay nagpasya ang ama ni Danarah na iuwi siya sa Pilipinas mula sa California at ilipat siya sa Anniston University, isang ekslusibong unibersidad sa Pilipinas na ang mga kurso ay may kinalaman sa business, at ang m...