Chapter 18

27 1 0
                                    

How The Night Goes On

Nahuli kong nakatingin sina Gabriel at Jack sa amin. Probably, they saw us kissed. Agad akong lumayo kay Seb. He just chuckled. Wala akong naramdamang kahit ano nang makita ko ulit si Gabriel. Hindi katulad noon na halos magtago na ako kung saan, huwag lang nya akong makita. Nillingon ko ulit kung saan nakatayo sina Gabriel. I swear, I saw Jack smirked.

Babaeng ‘to! Akala mo naman kagandahan.Maputi ka lang pero hindi ka maganda. Feeling mo naman. Hipon ka! I thought to myself. Agad ko namang hinila si Seb pabalik sa pwesto namin.

“Gutom na ako. Kain na tayo.” sabi ko kay Seb habang hila-hila sya.

“Ok.” Then he draped an arm around my shoulder as we walked.

“Lakas mo man-tsansing ah.” Tumawa ako habang umiiling. Nang makarating kami kung saan nakalatag yung picnic blanket ay agad kaming umupo. Kumuha si Seb ng sandwich at iniabot sa akin.

Hindi ako mapakali. Dahil siguro nakita ko ‘yung dati kong kasintahan. Ni wala manlang kaming closure. But wait, why would I fucking care? Pinilit kong alisin sa sistema ko kung ano ‘yung nakita ko. Ayaw kong masira ‘tong araw ‘to.

Isa sa katangian ko ay ang mag-overthink. Lahat ng bagay ginagawan ko ng conclusion. Minsan naiinis ako sa ugali kong ‘to. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Halos kalimitan naman ng naiisip ko, nagkakatotoo. At bakit ako pumayag na halikan ni Seb ng ganon kadali? Hindi ko din alam. Ibig bang sabihin nun, sinasagot ko na sya? Masyado namang mabilis kung ganon nga. Well, ano pa bang magagawa ko? Eh, nangyari na. but it doesn’t mean na kami na. Siguro yung nangyari kanina ay dala lang ng emosyon.

“Hey, you’re spacing out. May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Seb. Umiling lang ako at nginitian sya. Kinain ko na lang ‘yung sandwich na binigay nya. Tumayo sya at naglakad papuntang sasakyan. Binuksan nya iyon at may iniabot mula sa loob. Bumalik sya dala-dala ang isang kulay cream na gitara.

Umupo sya sa harap ko at nginitian ako.

Inilagay ko ang aking kaliwang hintuturo sa aking pang-ibabang labi. “HIlig mo talagang tumugtog ng gitara at kumanta no?” iniba ko ang pwesto ng pag-upo ko.

“Yup. Kapag wala akong magawa or stress ako, ganto lang ang ginagawa ko.” Nagstart syang magstrum habang niyakap ko naman ang aking mga tuhod at dahan-dahan kong ipinatong doon ang aking ulo ng patagilid ng sa ganon ay makita ko sya ng maayos.

Loving can hurt,

 

Loving can hurt sometimes,

 

But it’s the only thing that I know,

 

When it gets hard,

 

You know it can get hard sometimes

 

It’s the only thing

 

Tattooed On My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon