Chapter 10

42 2 0
                                    

Assuming

Matapos naming maubos ang isang bucket ng red horse, nagyayang magbeer pong sina Tracey. Lumipat kami sa may Archers at doon naglaro. Noong una ay kami ang magkakalaban. Kanya-kanyang partner, ako at si Seb, si Tracey at si Dom. 10 cups. Magaling pala maglaro itong si Seb, o siguro ay nauna lang na nakainom sina Tracey at Dom kaya kami ang nanalo.

“Hanap tayo ng kalaban. 4 on 4.” Tracey suggested and Dom nodded. Tinawag ni Dom ‘yung isang waiter at sinabing maghanap ng makakalaban namin. Maya-maya pa ay dumating na ang makakalaban namin, 2 babae at 2 lalaki.

“Ilang cups ma’am?” the waiter asked Dom.

“21 cups. 4 bucket of Redhorse.” Dom said.

“Wooooo! TIbay mo, friend! Idol!” Tracey shouted. Nagkatinginan naman kami ni Seb.

“Kaya mo pa ba?” I asked him. “Sorry, akala ko chill lang. Mukhang lasingan yata ang magaganap.” Bulong ko kay Seb.

“Ok lang ako.” He smiled. “Masaya naman, eh.”

“Pag ‘di mo na kaya, sabihin mo lang.” I said to him.

Sa una ay nakakalamang kami, pero unti-unting nakakahabol ang kalaban. Ilang cups na lang ang sa kanila, sayang naman kung matatalo kami! Napapansin ko rin na kanina pa tumitingin yung kalaban naming dalawang babae kay Seb. Hindi yata napapansin nitong lalaking kasama ko. Siniko ako ni Tracey.

“Hoy. Napapansin mo ba ang napapansin ko?” Bulong ni Tracey habang sinisipat ni Seb ang pashu-shoot-an nyang cup.

“Oo. Kanina pa. Landi, ampota!”

“Uy, nagseselos.” Tracey laughed and I glared at her.

“Tumigil ka nga. Selos mo mukha mo.” Eksakto namang lumingon si Seb sa gawi namin at bigla syang ngumiti. Tinaasan ko sya ng kilay at agad naman nyang itinaas ang kanyang dalawang kamay na akala mo ay sumusuko sa giyera.

“Cute mo!” then Seb pinched my nose.

“Ano ba, pango na nga, e.” tinapik ko ang kamay nya at inirapan sya.

“Sungit!” tumawa lang sya at tiningnan ko sya ng masama. Ang sarap batuhan ng pingpong ball!

“Hoy! Ikaw na Ocamps. Later na ang kemberlu. Malu-lose na tayes dites.” Dom said. Uh, here we go again on her gay language. Tumawa naman ako at lumapit sa kanya.

At the end, natalo kami. No choice kundi inumin yung natitirang alak ng kalaban. Mukhang may amats na ang mga ito, ilan ba ang nainom namin? Aynako.

“Umuwi na tayo. Mga lasing na kayo.” Yaya ko sa kanila. “Ako na muna ang magbabayad.” Kukunin ko na sana ang wallet ko pero inunahan ako ni Seb magbigay ng pera sa waiter. “Hoy! Anong ginagawa mo?” I asked him.

Tattooed On My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon