Chapter 23

8 1 0
                                    


Sigurado

Nagising ako ng bandang a las 3 y media ng hapon. Napasarap yata ang tulog ko kaya hindi na ako ginising nina Mama. Pumunta ako ng banyo para maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng aking kwarto at dumiretso sa kusina para maghanap ng makakain.

Nakita kong natutulog sa may sofa si Siegfred. Ugh, ang cute talaga ng shih tzu na 'yun. Mamaya ko na lang kukulitin, nakakaawa naman kung gigisingin ko, e mukhang ang himbing ng tulog.

"Ate Belle, anong niluto ni papa na ulam?" tanong ko sa kasambahay namin ng makita ko syang nagpapahinga sa may likod ng bahay habang nanunuod ng palabas sa TV.

"Adobo, neng. Teka lang, kakain ka na ba? Hahayinan na kita." Tumayo sya para dumiretso sa kusina para paghandaan ako ng makakain.

"Umalis ba sina Mama at Papa? Parang wala yatang tao sa kwarto nila."

"May pinuntahan saglit. Ang alam ko ay ngayon na kayo magpapa-ani ng palay." Aniya habang inilalapag sa lamesa ang kanin at ulam.

"Oh. Okay. Nga pala Ate Belle, pupunta mamaya dito sina Alivia, kasama si Maris at Jane. Kaming apat lang naman."

"Sige. Alam ba 'to nina Ate at Kuya?"

"Hindi. Pero itetext ko na lang sa kanila." Umupo ako at nagsimula ng kumain.

Kinapa ko ang cellphone ko sa aking short, pero wala. Teka, naiwan ko nga pala sa kwarto! Binilisan ko ang pagkain ko dahil ichecheck ko pa kung nagreply na ba si Seb o hindi.

Hindi ko pa naipapakilala si Seb sa mga magulang ko. Parehas lang kami. Pero nahahalata na yata ni Mama na may boyfriend ako. Hindi pa naman nya ako tinatanong pero alam kong may alam na sya. Iba talaga kapag nanay, ang lakas ng pakiramdam.

Ipapakilala ko naman si Seb, pero tsaka na 'yun pag parehas na kaming ready. Ayaw pa ng Papa ko na magboyfriend ako kasi alam nyang nasaktan ako ng sobra dun sa huli bago si Seb. Ramdam kong ayaw na din nyang maulit sa akin ang nangyari dati. Nakakasigurado naman ako na hindi iyon gagawin sa akin ni Seb, kaya hindi ako natatakot na ipakilala si Seb sa mga magulang ko.

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay bumalik na ako sa aking kwarto. Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan, pero pagtingin ko ay lowbat na ito. Hinanap ko ang charger at tsaka ito ichinarge. Pumunta na lamang ako ng sala para manuod at tabihan si Siegfred na mahimbing na natutulog.

A las cinco ng dumating sina Alivia, Maris at Jane. May dala silang 3 Alfonso I Light.

"Hindi talaga kayo mapagkakamalang manginginom nyan." Natatawa kong sinabi. Grabe, hindi manlang binalot sa plastic. "'Wag nyo sabihing nakabalandra yan habang papunta kayo dito?"

"Bakit pa itatago? E, alam naman ng lahat na manginginom tayo. Pakialam ba nila?" pagmamataray ni Jane, sinapok naman ni Maris ito.

"O sige na nga, anong gusto nyong chaser at pulutan?"

-

"Paano ko ba sya sosorpresahin? Ano bang gusto ng mga lalaki? I have no idea." Tanong ko sa kanila habang tinititigan ko ang aking phone. Binuksan naman ni Jane 'yung pangalawang bote ng Alfonso I Light.

"Wala akong idea sa ganyan. Dyan ka kay Alivia magpatulong, total parehas naman kayong may love life." Natatawang sabi ni Maris.

"Weh? Wala nga ba? Wag nga kami." Pang-aasar naman sa kanya ni Jane.

"Magkaiba naman kasi kami ni Alivia ng trip. Pero pwede na din, may masasuggest ka ba, A?" tanong ko sa kanya.

"Internet." Alivia said without looking at me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tattooed On My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon