Dazed
I woke up again early the next day. Uh, monday morning feels. May pasok nanaman mamayang hapon. Balak kong mag-empake ngayon para wala na akong alalahanin bukas. I took a quick bath first. After I bathed myself and changed to a pair of short and white sando, I headed to my closet again. Kaunti lang naman siguro ang dadalhin ko? Meron naman na akong damit doon, sapat na siguro ‘yun.
Habang abala ako sa pag-e-empake, tumunog ang aking cellphone. Hinanap ko iyon upang makita kung sino ang nagtext.
From: Alivia Marcos
Hoyy. Can’t wait to see you. XD
Napailing na lang ako sa text ng bessie ko habang nangingiti. Habang nag-iisip ako ng pwede kong ireply, kumuha muna ako ng tubig at umupo sa may mini table ko.
To: Alivia Marcos
Ayoko ngang makita ka. Joke! Hahahahaha
“Girl naman, usapan na natin na maglalaro tayong volleyball this pride games, e.” Aniya Tracey habang inaayos ang kanyang mahabang buhok.
Ngumuso ako, “Promise, next year babawi ako. Nakapagpa-book na ko, e.”
“Nandito naman kami, hindi tayo matatalo.” Sabi ni Dominique. Ngumiti naman ako sa kanya.
“Last year nga muntik na tayong mag-champion, kaya yan this year. May tiwala ako sa inyo.” Sabi ko habang hinahanap yung notes ko sa isang subject, may quiz pa yata.
“Si Alex din uuwi. Kala ko ba magha-happy thursday tayo?” ani Tracey.
“Next time na lang. Pero baka bumalik din ako dito sa sabado. Kasi ‘di ba, ipapasa yung PRACA?” sabi ni Alex habang yakap-yakap nya ang bag nya.
“Sinong magpapasa ng sa’yo?” Asked Dom who’s arching her brow at me. Ngumuso ako at tinuro si Tracey.
“Basta pagbalik dapat may pasalubong girl, ha.” Ani Tracey.
“Ano bang gusto nyong pasalubong? Niyog o mais?” they all laughed.
“gaga! Kahit sariwang hangin na lang, pwede na.” Dominique said.
Kinabukasan pagkatapos ng klase ko, naisipan kong bumili ng pasalubong sa malapit na mall. Gabi pa naman ang alis ko kaya may oras pa ako para makapamili. Nasa may corner ako ng mga chocolates nang makita ko si Seb. Anong ginagawa nyan dito? Malamang sa malamang, naggogrocery sya, Cassidy. I thought to myself. Minsan talaga, ang tanga ko rin.
“Seb!” I called him pero hindi yata ako narinig. “Hey! Seb!” I called him again, buti naman at lumingon na sya.
BINABASA MO ANG
Tattooed On My Mind
Roman d'amour"Again, I let my guard down. I let you in. I let you see how miserable I am!! I let you know the real me. I allow myself to fall in love again. Hindi mo ba naiintindihan 'yun???!!! Sumugal ako.... para sa'yo. Sumugal ako.. I thought you won't do thi...