Chapter 12

39 2 0
                                    

Everything Dies

Maaga akong nagising para simulan na ‘yung PRACA na ipapasa na this Saturday. Balak kong umuwi ngayong darating na tuesday night sa Or. Mindoro para makapagrelax naman ako kahit papaano. Hindi ko kaya ang puyat at pagod na idinudulot ng major subjects ko ngayon.

Dumating ang hapon na Chapters 1 and 2 pa lang ang nagagawa ko. Siguro’y sa probinsya ko na lang ulit itutuloy ito, ipapapasa ko na lang sa kaklase ko. Nag-inat-inat ako at tumayo para kumuha ng tubig sa ref.

I decided to take a bath. Hapon na ay hindi pa ako naliligo. Masyado kong sineryoso ang paggawa nung PRACA. I took time, sabi nga ng iba ay magandang mag-isip-isip sa loob ng banyo. Haha!

After I bathed, I changed into my pair of pajama. Wala akong balak umalis ngayon, hindi ko feel. So I decided to open my facebook account. I looked for Gabriel’s account, pero blinock yata ako ng gago dahil kahit anong search ko, wala akong makitang account nya.

Biglang may nagpop-up na message. Sino kaya ito?

6:08pm

Sammy: hoy! Hahaha. Wala akong load. Anong chika mo? Haha

Kinuha ko ang laptop ko sa mini study table. Umupo ako sa aking kama, at ipinatong sa lap ko si lappy.

Me: Uuwi ako this tues night. Uwi ka rin!

Sammy: may pasok ako.

Me: baka mamalayan ko nandun ka din pala ha. Haha

6:13pm

Sammy: gaga joke lang syempre. uuwi din ako. Haha! May event sa dec. 7 di ba?

Me: Oo nga pala ‘no?

Sammy: makikita mo nanaman si Dominic. Ayie!

Me: kikiligin na ba ako nyan? Haha!

Seen 6:16pm

Si Dominic yung isa kong prospect sa probinsya. Gwapo, maputi at ang pamatay dun, kissable lips. Kaso nga lang, taken na. Naalala ko pa yung sinabi nyang papatunayan daw nyang may forever. So I was like, ok. Haha! Ok naman sya kasama, mabait at pala-ngiti. Medyo tahimik nga lang.

6:19pm

Sammy: Malay mo sya na kasparks mo. Haha

Me: Tangina hopeless romantic e no. hahaha

Me: Pero trip lang. ‘Wag seryosohin. Haha! Go with the flow

Sammy: Gets kita. Ganyan lang din patakaran ko sa buhay e. haha!

Me: Hirap nga lang makakita ng may feslak. Haha! Nagkataon pang may syota.

Tattooed On My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon