Chapter 8

38 2 0
                                    

Your Smile

Unang linggo pa lang ng second semester ay sobrang dami ng ipinapagawa sa amin. Idagdag mo pa ang mga research paper na sa sobrang dami, aakalain mong ayaw yata kaming patulugin ng aming mga propesor.

Pagkatapos ianunsyo ng aming propesor ang mga requirements para sa kanyang subject, “Class dismissed.” At agad umalis si Sir.

Naiwan kami doon kasama ang iilan naming mga kaklase. Halos lahat ay nagrereklamo dahil sa sobrang daming ipinapagawa sa amin.

“Grabe naman. Ipapasa agad next week? Hindi nga natin alam kung paano gawin iyon.” Reklamo ni Tracey habang inaayos ang kanyang brown long champ.

“True!” pagsang-ayon ni Dominique habang inaayos ang kanyang gamit. “Gawin na lang natin agad para hindi tayo magcram.”

“Sa condo na lang tayo gumawa. Tutal nasa Cebu naman sina Ate, mag-isa lang ako dun.” Pagpresinta ni Alexandria.

“Sige. Next week na lang tayo magstart. Huwag muna nating isipin ‘yang mga papers na yan. Nakakastress.” Sabi ko habang nakapalumbaba at pinagmamasadan sila habang inaayos ang kanilang mga gamit.

“CR muna tayo, then yosi lane.” Yaya ni Tracey habang iniintay kaming magsitayuan sa aming mga upuan.

Habang papalabas kami ng classroom, tiningnan ko ang aking cellphone at agad kong nakita sa aking notes na kelangan ko ng maggrocery.

“Girls, diretso uwi na ako. May pupuntahan pa ako mamaya, e.” Ani Alexandria habang naglalagay ng lipstick.

“Me too. Mag-go-grocery pa ako. You two wanna come?” tanong ko sa kina Dominique at Tracey na parehas nagpopolbo. Inayos ko naman ang pulang vest at palda ko.

“Hindi na. girl. Baka after ko magyosi, umuwi na rin ako.” Ani Tracey habang pinapalantik ang kanyang mga pilik-mata.

“Uwi na lang din ako, matutulog. Alcohol nga girl.” Iniabot ko naman kay Dominique ang alcohol at tsaka naglagay na rin ng lipstain sa aking labi.

Matapos naming magretouch, lumabas na kami at sabay-sabay bumaba sa hagdan. Naunang bumababa sina Dom at Alex, kami naman ni Tracey ay nasa likod nilang dalawa.

“Hoy malapit na ang birthday mo, ah. Anong balak natin?” Tracey asked.

“Sa Granada? Bahala na. May budget paper pa kasi tayong gagawin. If ever, kina Alex na lang. Hindi ba dun tayo gagawa ng paper?” tanong ko habang inaayos ang maikli at kulot kong buhok.

“Yup. Libre mo na lang kami ng foods! You guys could also bring liquors if you want. Pwede naman dun sa condo.” Sagot ni Alex habang papalabas na kami ng building.

“Oh, sige. G lang!” Tracey said.

Nang nasa labas na kami ng eskwelahan ay nagpaalam na si Alex na uuwi na daw sya. Sumabay naman ako kina Alex at Dom papunta sa yosi lane kasi doon din ang way ko. Pinag-iisipan ko kung saang mall ba ako pupunta, o sa RobMag na lang.

Tattooed On My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon