Risk Once Again
Pumalakpak ang mga tao sa aking paligid. Tumayo naman ako ng maayos at agad yumuko sa kanila tanda ng pasasalamat. Malaki ang ngiti ko habang papalapit ako kay Seb. Habang papalapit ako kay Seb, ay syang pagbilis din ng tibok ng puso ko. Bakit ganito? Anong nangyayari?
“Galing mo kumanta.” Bati nya sa akin. Tumawa naman ako bigla.
“Galing mo magjoke. Pero, thank you.” Hindi naman talaga ako magaling kumanta, sadyang malakas lang ang loob ko kanina dahil na rin siguro sa tulong ng alak. “Punta tayo kina Alivia?” anyaya ko sa kanya. Ngumiti naman sya.
Hinubad nya ang kanyang black jacket na isinisigaw ang malaking check, “Wear this. Masyado ng malalim ang gabi at malamig na, tapos ganyan pa ang suot mo.” Ngumuso ako sa inasta. Pero agad ko naman isinuot ang kanyang jacket dahil nilalamig na ako.
Nasa tabi ko si Seb at sabay kaming naglakad patungo kina Alivia. Batid ko ang mga matang nakatingin sa amin. Jusko, humanda ka na naman sa chismis na maririnig mo kinabukasan, Cassidy. I thought to myself.
“Guys, nandito si Seb.” I said to Alivia and Nathan who are both smiling. “Seb, this is my bestfriend, Alivia. And this is her boyfriend, Nathan.” Nagshake hands naman si Seb at Nathan.
“Upo ka, Seb.” Alivia Seb.
I arched my brow at Alivia, “Ako? Hindi mo pauupuin?”
Alivia laughed. “Sorry naman bessie. Maupo ka na rin.” Umupo naman ako sa tabi ni Seb.
“Akala ko nasa Manila ka, bakit nandito ka? Kelan ka pa?” sunod-sunod na tanong ko kay Seb.
“Pare, shot.” Ani Nathan at iniabot sa kanya iyong shot glass na may laman na ngayong Red Label, at baso na may lamang coke.
“Wala akong magawa dun. You’re not answering my texts and calls, so I decided to see you. Kaninang umaga pa ako dito.” Sabi nya sabay inom ng kanyang tagay.
“What?” Nalaglag ang panga ko sa mga sinabi nya. Ang layo nitong probinsya namin, halos 8-10 hours ang byahe bago makarating dito. Nakita ko rin ang gulat na ekspesyon nina Nathan at Alivia. “San ka tumutuloy?”
“May bahay kami malapit lang dito.” Ngumiti sya at nakita ko ang perpekto at mapuputi nyang ngipin. “I missed you.” Bulong nya pero narinig ko iyon.
I felt my cheeks turned into red. Gusto kong mangisay sa kilig. Biglang nanlamig at pinagpawisan ang mga kamay ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong feeling. Noong highschool pa yata ako kinilig ng ganito? Huminga ako ng malalim. Hindi ko kaya. Kailangan kong lumayo muna sa kanila, dahil kung hindi ko gagawin ay baka mangisay ako dito sa sobrang kilig. So I excused myself. Dumiretso ako sa CR.
Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang aking mga kamay. Humarap ako sa salamin at nakitang sobrang pula ng buong mukha ko.
BINABASA MO ANG
Tattooed On My Mind
Roman d'amour"Again, I let my guard down. I let you in. I let you see how miserable I am!! I let you know the real me. I allow myself to fall in love again. Hindi mo ba naiintindihan 'yun???!!! Sumugal ako.... para sa'yo. Sumugal ako.. I thought you won't do thi...