We Kissed
I stared at him. “Bakit?” kunot-noong tanong ko sa kanya.
“Anong bakit?” he asked back.
“Aynako, Seb. Hindi mo ako madadaan sa paganyan-ganyan mo ha.” Although nabawasan ang init ng ulo ko dahil sa yakap at halik mo. I thought to myself. “Lakas mo maka-damoves.” He just chuckled.
“Sorry na nga. Anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?”
“Hindi naman ikaw ang may kasalanan. So, bakit ikaw ang nagsosorry?” Hindi ko mapigilan ang pait sa aking boses. Naiirita pa rin ako sa babaeng yun. At bigla kong naalala, uuwi nga pala akong probinsya ngayong gabi. Lahat ng tanong ko para kay Seb? Tsaka na. Hindi pa naman siguro ito ang huli naming pagkikita.
“Aalis na ako. Baka mamaya magtxt na yung susundo sa akin.”
Kumunot naman ang kanyang noo na akala mo may nasabi akong kakaiba. “Sinong susundo sa’yo?” tanong nya.
“None of your business.” Umirap ako. “Ge, alis na ako.”
“Ihahatid na kita.”
“Huwag na. Kaya kong umuwing mag-isa.” But Seb is Seb. At the end, nagpahatid na lang din ako.
“Ingat ka sa byahe.” I just nodded. Hinintay kong makalayo ang sasakyan nya bago ako tumungo sa may lobby para makasakay na sa elevator.
Bibigyan ko na ba ng meaning lahat ng ipinapakita ni Seb? Ayokong umasa. Wala sa bokabularyo ko ang ganito. Hindi pa ako ready. Baka kasi maulit nanaman yung nangyari dati. Kung kelan handa na akong magmahal ulit, tsaka naman nagkakanda-leche-leche ang lahat.
Naalala ko yung sampal nung babae sa akin. Agad ko namang hinawakan yung kaliwa kong pisngi, buti na lang hindi na masakit. Patay talaga sa akin yung babaeng yun kung na-dislocate itong kaliwa kong pisngi. Agad akong napabuntong-hininga.
Ayos na ako sa dati kong set-up. Yung landi landi lang. Na kung sinong unang mahulog, talo. Pero bakit nangyayari ang lahat ng ‘to ngayon? Pinilig ko ang aking ulo.
“Bakit mo ba pinoproblema yang bagay na yan. Jusko, Ocampo. Unahin mong problemahin yung mga papers na ipapasa mo bago lumandi.” I said to myself.
--
Nakauwi ako ng probinsya na si Seb lang ang tumatawag at nagtetext sa akin. Gusto kong mairita pero naisip ko, para saan pa? Nakapagdesisyon na rin akong ‘wag na lang syang pansinin. Iiwasan ko sya. Isa siguro sya dun sa mga taong magpapakilig lang sa akin, tapos iiwan din ako sa huli. Pero merong parte sa utak ko na nagsasabing hindi ganong tao si Sebastian. Oo, noong una, napakamisteryoso nya. Kahit naman ngayon. Pero naisip ko, paano ko masasagot lahat ng katanungang nasa utak ko tungkol kay Seb kung iiwasan ko sya. I’ll admit it, nacurious ako sa buong pagkatao nya.
BINABASA MO ANG
Tattooed On My Mind
Romance"Again, I let my guard down. I let you in. I let you see how miserable I am!! I let you know the real me. I allow myself to fall in love again. Hindi mo ba naiintindihan 'yun???!!! Sumugal ako.... para sa'yo. Sumugal ako.. I thought you won't do thi...