Chapter 3

77 2 0
                                    

Weird

After our eyes met, he left. He just left. He just left me. He just left me hangin’. He just left me without saying a word.

Ok, Cassidy, OA na yang iniisip mo.

I froze as I stared on his back. Sino ‘tong lalaki na ito? Bakit bigla-bigla na lang naglalagay ng jacket sa balikat ko? Hindi ko naman maalala kung nagkakilala na kami dati. Maybe I already met him, sa Manila?

“Sid!!!!” tili ni Alivia na nakapagpabalik ng tingin ko sa kanila ni Nathan. “Who’s that? OMG!!! OMG!!! I need air!! I need air!!”

“A, tumigil ka nga! Ang OA mo.” I beamed at her. I found him attractive, pero wala ako sa mood para purihin ang kakisigan ng kanyang katawan at ang kagwapuhan nya.

“Oh. My. Gosh. As in, Oh. My. Gosh.”

“Stop it. I don’t know who he is. I have no idea.” Iling ko. Totoo namang hindi ko sya kilala, e.

“Weh? E, ano anong ibig sabihin nyang nasa balikat mo? Bakit ka nya nilagyan ng jacket? Wait, does it mean bigay nya sa’yo yan?”

“Aba malay ko! Siguro na-feel nyang nilalamig na ako.” I laughed.

“Wow! Ang gentleman naman ni ko-ya. Meron pa palang gentleman sa panahong ‘to.” Alivia said sarcastically while rolling her eyes. “Imposibleng yun lang ang dahilan.”

“Ehem.” Nathan faked a cough. “Excuse me, nandito pa ako. So, ibig mong sabihin hindi ako gentleman?”

“Aww, oo nga pala. Sorry, babe. Wala naman akong sinabi na hindi ka gentleman, ah.” Alivia pouted and kissed Nathan’s cheeks. I rolled my eyes, PDA!

“Tiga-saan si Vilma Santos?” I randomly asked her. Ang tagal kasing tumagay ng babaeng ‘to. Na-starstruck siguro talaga dun sa lalaki. Ang daming sinasabi!

“Taga-Lipa? Imma right?” she looks so confused. Ang sarap tawanan. Lumipad na nga yata ang utak nito sa kung saan. Hindi nagets ang gusto kong iparating.

“Right. Taga-lipa. Mahirap ng bunutin yan. Masyado ng malalim ang ugat.” I said while looking at the shot glass in front of her.

“Oww, sorry!” at agad na nilagok ang kanyang unang shot para sa gabing ito. “Do you believe in destiny?” Alivia asked.

I looked at her and said, “No.”

“How about in fate?”

“No.”

“Happy endings?”

“Really? You’re asking me that? You already know the answer.” I arched my eyebrow at her. Paulit-ulit na lang nyang tinatanong sa’kin ang mga bagay na yan. “Fate. Destiny. Happy Endings. I don’t believe on those things, romantically.”

“Hindi ako naniniwala sa’yo.” Alivia said while shaking her head. Nakakakalahating bote na kami sa aming iniinom. Wow!

“Happy endings don’t matter. Endings don’t matter because they’re already the end. Gets?” I looked at her and Nathan. “Kapag ba namatay ka, sa tingin mo ba maalala ka ng mundo? Oo, they’ll remember you, but not forever. It will not last for a long time. You know what matters? What matters is, for me, the “getting” there. ‘Yung path patungong ending. You should make it worthwhile habang humihinga ka pa.”

“Sang-ayon ako sa’yo sa part na ‘yan. E, sa happy ever after, naniniwala ka?” Nathan asked.

I smiled at him, “Still no.”

“Ang bitter mo! Wala namang mawawala kung maniniwala ka sa mga ‘yun.” Alivia said.

“At wala rin namang mawawala kung hindi ako maniniwala sa mga ‘yun.” Totoo naman, ‘di ba?

“Meron! What if that guy is your soulmate? Pumasok manlang ba sa isip mo ‘tong tinatanong ko sa’yo? Malamang, hindi. Ikaw pa!” Alivia shook her head.

“Bakit ba ang big deal sa’yo?” I laughed. “Oh sya, sige na. Sya na ang soulmate ko. Maniniwala na ko sa’yo, tumigil ka lang.”

“Hopeless romantic ba ang tawag dyan?”

“What is it this time? Alivia Marcos, hindi porke’t matagal na kong single and ready to mingle ay hopeless romantic na ako. Magseseryo ka, pero at the end, ikaw din ang masasaktan. If they want a game, then deal. Ganun lang. Mahirap magtiwala at magseryoso sa panahong ‘to. Mahirap makahanap ng lalaking seseryosohin ka. Halos lahat ng lalaki, ang habol lang ay sex. ‘Wag mong sabihing mali ako, because that’s the fuckin’ reality right now. Funny, huh? Kaya maswerte ‘yung mga babaeng nakakatagpo ng matinong lalaki.”

“Why don’t you give it a try again? Kung hindi ka susugal, paano mo malalaman na kaharap mo na pala si future husband?” Alivia asked.

“Don’t worry best friend. I’ll try. But not this time. There’s always a right time for everything. And besides, I’m still not yet ready, I guess.” I assured her.

Biglang tumahimik ang paligid.

Na-curious naman ako kaya luminga-linga ako para malaman kung anong nangyayari. As if on cue, bigla nanaman akong napatingin sa mini stage. There he is again, singing. Gusto ko sanang lumapit para makita ko ang mukha nya dahil dim pa rin ang lights, nagtitipid yata sa kuryente ang may-ari ng resto bar na ‘to! Pero para naman yata akong tanga kung ako lang mag-isa ang nakatayo malapit sa stage. So I ignored my thoughts. Hindi pa naman siguro ako lasing, ‘di ba? So I just stared at him.

Darlin’ I will

 

Be lovin’ you

 

Till we’re seventy,

 

Baby my heart

 

Could still fall as hard

 

At twenty-three,

 

I’m thinkin’ ‘bout how

 

People fall in love in mysterious way.

 

 

 

Bigla akong napatingin sa jacket na hanggang ngayon ay nasa balikat ko pa rin, at tiningnan kong muli ang lalaking kumakanta sa unahan. Weird.

Tattooed On My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon