Kumplikado
Dumaan ang halos apat na linggo kaming hindi masyadong nagkita ni Seb. Nagbakasyon ang pamilya nila sa US, doon sila nag-pasko at bagong taon. Samantalang umuwi naman ako sa aming probinsya. Paminsan-minsan ay nagfe-facetime kami, pero dahil parehas kaming busy ay mga thrice a week na lang naming nagagawang mag-usap. Bilang girlfriend, naiintindihan ko naman 'yun. Ayoko namang masabihan ng clingy.
Dalawang araw na lang at magsisimula na ulit ang klase. Isang linggo pa bago bumalik sina Seb dito sa Pilipinas. Iniiwasan kong malungkot, pero sobrang namimiss ko na talaga si Seb. Mabuti na lamang at lagi akong niyayayang lumabas nila Alivia. Sumasama na lang ako sa kanila para kahit papaano ay mabawasan ang kalungkutan ko.
Ang balak ko sana ay surpresahin sya sa noong unang monthsary namin, December 28, kaso nasa US sya. Mahalaga iyon para sa akin. Well, lahat naman ng araw ay mahalaga sa akin. Pero syempre, first month namin bilang magkasintahan. Ok lang naman na magcelebrate, hindi ba?
Ilang beses ring tumawag sa akin si Seb noong araw ng first monthsary namin. Sapat na na makita ko sya noong araw na iyon. Napagdesisyunan kong humingi ng advice at tulong sa mga kaibigan ko, gusto ko sana syang sorpresahin pagdating nya. Hihingi ako ng idea kung anong magandang gawin. Buti na lamang at magkikita-kita kami nina Alivia.
Dahil maaga akong nagising, napagdesisyunan kong magjogging muna. Nagpalit na ako ng damit at nagsuot ng sapatos. Balak ko sanang sa gym pumunta kaso masyado pang maaga.
Pagkalabas ko ng bahay ay naglakad muna ako ng mga 10 minutes bago tuluyang tumakbo. Marami akong kasabay, pero kalimitan ay matatanda. Healthy living! Meron din namang mga nagbabike.
Halos 30 minutes akong tumakbo kaya hingal na hingal na ako. Nakalimutan kong magdala ng tubig. Fvck! Kaya naman naghanap ako ng tindahan at bumili na. Iyong tindahang pinagbilhan ko pala ay malapit lang sa basketball court, nakita ko doon ang iilang batang naglalaro.
Naglakad ako papunta dun habang pinupunasan ang aking pawis. Umupo naman ako sa bench na malapit sa may ring. Pinagmasdan kong maglaro ang mga bata. Haay, bigla kong namiss maglaro ng volleyball. Dati ay dito din kami naglalaro tuwing gabi. Nasaan naman kaya yung mga 'yun? Well, bakit ko ba sila iniisip?
Dahil hinihingal pa ako sa ginawang pagtakbo, nagpahinga muna ako ng ilang minuto. Ang sakit ng mga tuhod at binti ko. Ilang linggo na rin pala nang huli akong nagpapawis ng ganito. Kaya naman iniunat ko ang mga binti ko, nilagay ko sa magkabilang side ang aking mga kamay at tumingala. Napabuntong-hininga na lamang ako at pumikit.
Naisip ko 'yung relasyon namin ni Seb. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Tama ba na sinagot ko kaagad sya? Tama ba 'yung nararamdaman ko? Tama ba 'yung pinaniniwalaan ko na kahit sa maikling panahon ay mahal ko na agad sya? Tama ba lahat ng hinala ko? O baka naman nagkakamali lang ako? Baka naman masyado lang akong nagpadalos-dalos sa naging desisyon ko? Dapat ba ay sabihin ko na sa parents ko na 'yung anak nilang halos magpakamatay dati dahil iniwanan ng ex-bf ay may bago na ngayon?
Only this time, I'm more than serious. Hindi naman ako papasok sa isang relasyon kung biruan lang.
Ni hindi ko alam kung anong mga ayaw at gusto nya! At ni hindi ko pa naitatanong sa kanya lahat ng gusto kong itanong, Pero pwede ko naman syang tanungin pagdating nya 'di ba? Hindi naman ako nagmamadali.
BINABASA MO ANG
Tattooed On My Mind
Romansa"Again, I let my guard down. I let you in. I let you see how miserable I am!! I let you know the real me. I allow myself to fall in love again. Hindi mo ba naiintindihan 'yun???!!! Sumugal ako.... para sa'yo. Sumugal ako.. I thought you won't do thi...