Chapter 4

82 3 0
                                    

Tongue Tied

 

Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng insidenteng iyon. Oo nga pala, lunes na ngayon at simula na ng second semester namin, pero nandito pa rin ako sa probinsya. Bakit? Wala lang. Hindi ko pa feel pumasok, nakakatamad kasi. At tsaka ayoko pang umalis dahil isang buwan pa ulit ang hihintayin ko bago ako makabalik dito. Magandang sulitin ko na lang ang bakasyon ko!

I woke up at around six in the morning. Ahhh, Air Supply in the house, yow! Infairness, ang aga ko nagising. Usually kasi tanghali na ko nagigising. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Pagkalabas ko ng bahay, agad kong nakita si Mama.

“Good morning, Ma!” I kissed her cheeks.

“Ang aga mo yatang magising. Pinabilhan kita kay Ate Belle mo ng pandesal, nasa balkonahe. Magtimpla ka na lang ng kape kung gusto mo.” Mom said.

“Ingay kasi. Air Supply nanaman ba?” I laughed. “Sabay na tayong mag-breakfast mamaya, Ma. Tulungan na kitang magdilig ng mga halaman.”

--

“Nasan ba ‘yung sketch pad na ‘yun?” I mumbled to myself. “Dito ko lang nilagay yun, e.”

“Ma!” I shouted. “Where’s my sketchpad?”

“Aba, malay ko sa’yo. Bakit sa akin mo hinahanap ang gamit mo?”

“Bakit kasi nawawala. Nandito lang yun, e.” Nakakainis naman. Gusto ko pa naman sana i-sketch si Eros and Mina, from Karmic Hearts. Yes, I’m an avid fan of that’s story. Full of words of wisdom. Tipong mapapaisip ka kahit sa simpleng bagay na nangyayari sa buhay mo. Even though I’m not a believer of serendipity, destiny, and fate.

Ano kayang pwedeng gawin?

Just in time, my phone vibrated. Alivia texted. Wala din sigurong magawa ‘to sa kanila.

From: Alivia Marcos

You ready? 6PM daw magkikita-kita mamaya.

 

“Yes. See you! San daw ba tayo mamaya? Overnight, di ba?” I texted back. Birthday nga pala ni Tanya ngayon. Tanya is one of my HS friends.

From: Alivia Marcos

She’ll celebrate her birthday in Camino Real. Yes, overnight daw tayo dun. J

“Happy Birthday, Tanya!” I greeted and hugged her the moment I saw her. We just arrived here in Camino Real. Walo kaming magkakaibigan na sabay-sabay pumunta dito, susunod na lang daw ‘yung iba tutal naman, 8pm pa magstart ang celebration.

Inihatid kami ni Tanya sa gagamitin naming kwarto para sa gabing ito. Limang tao kada isang kwarto. Syempre magkakasama kami nina Alivia, Jane, Namee, Maris. Kaming lima nga pala ang “pakners-in-crime” way back then. Magkakasama sa mga kalokohan noong highschool kami. Basta kapag kaming lima ang magkakasama, kung anu-anong kalokohan ang ginagawa namin. Pero sa apat na ‘to, si Alivia ang pinakang-kasundo ko sa halos lahat ng bagay.

Tattooed On My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon