Chapter 15

33 2 0
                                    

If You Don’t Want To Fall

Wala akong naramdamang kuryente sa halik ni Dominic. Hindi katulad ng nararamdaman ko sa tuwing nagtatagpo ang paningin naming dalawa ni Seb. Pakiramdam ko ay nagtataksil ako kahit wala naman akong dapat maramdaman. Ako ang nagdesisyong pumasok sa ganitong sitwasyon. Pero pakiramdam ko mali. Sobrang mali.

Kinabukasan ay pinuntahan ako ni Nathan at Alivia sa bahay. Mabuti na lang dahil wala din akong magawa. Nagkamustuhan lang kami. Niyaya rin nila akong mamasyal. Pumayag naman ako dahil wala naman akong gagawin kung magmumukmok lang ako dito sa loob ng bahay. Agad akong naligo. Pagkatapos kong mag-ayos ay pumunta agad ako sa sala kung nasaan sila.

“Leggo?” I asked them while looking for my car’s key, cellphone and wallet. They both nodded.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito para sagutin kung sino man ang tumatawag, ni hindi ko na tiningnan kung sino ito  dahil kanina pa ako hinihintay nina Alivia at Nathan.

“Hello?”

“I miss you.” Rinig ko ang buntong-hininga ng boses ng nasa kabilang linya. Bigla akong natigilan sa oras na marinig ko ang malambing nyang boses. May kung anong dumaloy sa sistema ko na parang nagpatigil sa aking mundo. Kilala ko kung kaninong boses ito. Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Simula ng insidenteng iyon, ngayon ko lang ulit narinig ang boses nya dahil ang tanging ginawa ko ay ang iwasan sya. Hindi ko alam pero nang marinig ko ang boses nya ay bigla akong sumaya. Naisip ko na hindi ko kayang tiisin ang lalaking ‘to kahit na kakaunting oras pa lang naman ang aming pinagsasamahan bilang kaibigan.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ang reaksyon ng aking katawan. Parang may nagbago?

“Are you still there?” tanong nya na nagpabalik sa aking sarili.

“Uh, yes. Bakit ka nga pala napatawag?” Nakangiti kong sagot kahit alam kong hindi naman nya ako nakikita. Parang baliw lang. Kumunot naman ang noo ni Alivia dahil sa kasiyahang ipinapakita ko.

“Hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko simula kahapon. I’m worried.”

“Oh, sorry. You know, busy catching up with my friends. Don’t worry, ok lang ako.”

Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi ang mga ito sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit kelangan kong magpaliwanag gayong magkaibigan lang naman kami. Pakiramdam ko, lahat ng ginagawa at gagawin ko ay kelangan alam nya.

“What are you doing? Nakakaabala ba ako?” He sounds apologetic. I smiled.

Tumingin ako kay Alivia. “Una na kayo sa labas.” I mouthed and pointed my index finger at my car. Tinaasan lang nya ako ng kilay at sinunod din naman ang sinabi ko.

“Uh. May pupuntahan kasi kami.” Sagot ko kay Seb habang naghahanap ng tsinelas na pwede kong isuot. Hindi naman kasi kailangang magara ang suot pag nandito sa probinsya. Ayos na ang ganitong attire.

Tattooed On My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon