Chapter 20

19 0 0
                                    

Welcome Me To Your Club

Hindi pa sana titigil si Seb sa kakayakap sa akin kung hindi lang bumusina iyong sasakyang nasa likod namin. Nakaharang pala kami sa daan.

Tumawa naman ako at kumalas sa yakapan naming dalawa. Nakakainit ng puso. No words can’t explain how I feel right at this moment. Everything is perfect. Naalis lahat ng pagod at antok sa aking katawan. Parang gusto ko na lang makipagyakapan kay Seb buong gabi. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito.

Ang sabi ng utak ko kanina, patagalin ko ang panliligaw ni Seb sa akin, huwag magpadalos-dalos sa desisyon. Pero iba pala talaga pag puso ang nagdikta, hindi mo kayang suwayin. Susundin mo ang kahit na anong alam mong nakapagpapasaya sa’yo. Parang it’s now or never.

“Sige na. Nagagalit na ‘yung nasa likod.” Sabi ko sa kanya habang inaayos ang aking buhok.

“I’ll call you when I get home.” He said and kissed me on the lips.

Binuksan ko ‘yung pintuan at lumabas na. Bago ko isarado ang pinto, “Take care, my Seb.” At nagflying kiss ako. Tumawa naman sya sa ginawa ko. Oh. My. God. Pwede bang irecord ko ‘yung tawa nya? So manly, that I could die whenever I heard it. Sinarado ko na ‘yung pintuan ng sasakyan nya dahil nakita kong may guard ng papalapit sa amin.

Hinintay ko lang na mawala sa paningin ko ‘yung sasakyan ni Seb tapos tumakbo na ako papunta sa lobby kung nasaan ‘yung elevator. Nagtatatalon-talon pa ako habang tumatakbo, kinikilig na din at the same time. Tumigil ako sa pagtakbo nang nasa harapan na ako ng elevator, sabay ikot na akala mo ay prinsesa.

Nang makarating ako sa aking unit ay humiga agad ako sa aking kama. I checked my phone if there’s already a text or call from Seb. Ang OA ko, malamang hindi pa nakakarating ‘yun. Baka natraffic lang or something.

Tumayo ako para kumuha ng papel at ballpen, kinuha ko rin ‘yung Jar of Emotions.

My Sebastian Umali. <3

-12/19/14

Kinabukasan ay 10:30am na ako nagising. Agad akong napabangon ng maalala ko na 11:30am ang start ng klase ko ngayong araw na ‘to. Shit! Sabi ko na nga ba, dapat nag-alarm ako. 12mn when Seb and I decided to sleep. Pero dahil babae ako, umaapaw ang kilig at kasiyahang nararamdaman, mga 3am na ako nakatulog. Ayoko namang itext si Seb dahil baka maistorbo ko ang tulog nya, kaya nagdecide ako na i-sketch na lang sya.

Nahirapan pa akong maghanap ng maisusuot, ilang minuto akong nakatayo sa harap ng tukador ko hanggang sa tumunog ang aking cellphone.

Sebastian is calling…

I should probably change his contact name after this call. I swiped the screen, “hello?”

“Hey, sleepyhead. Late ka nanamang nagising, ‘no?” he chuckled and I frowned. Kasalanan naman nya kung bakit ako napuyat. Ayaw nyang tumigil sa pagtakbo sa isip ko. Wow! Ang corny. Napailing  na lang ako. Tinamaan talaga ang lintek kong puso!

Tattooed On My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon