He Said
Pumasok kami ni Seb sa loob ng Garahe at dumiretso sa table namin nina Tracey. Nakatunganga sila sa amin habang papalapit kaming dalawa. Napansin ko din ang malalagkit na titig nung mga babaeng nasa kabilang lamesa, sabay hagikgik. Tinaasan ko sila ng kilay, at inirapan.
Nang makarating kami sa tapat ng table namin, "Kilala nyo na si Seb 'di ba?" tanong ko sa kanila. Tumango naman si Tracey at Dom. Bumaling ako kay Alex, "Ay! Alex, si Seb nga pala."
"Hello, Seb!" bati ni Alex at kumaway ito sa kanya.
"Hi Dom and Tracey." Nakangiting bati ni Seb habang isa-isa silang tiningnan.
"Oy pare, kamusta na? Long time no see, ah." Bati ni Dom. Si Alex naman ay nagpakuha ng isa pang bangko para sa kay Seb.
"Upo na kayo." Sabi ni Tracey, at lumingon sya kay Alex. "Uy, girl. Lipat ka dito para magkatabi sila." Agad namang lumipat si Alex sa tabi ni Tracey.
"So, you're taken?" tanong ni Dom sa akin habang humihingi naman si Tracey ng isa pang shotglass kay Anne. Nakikinig lamang si Alex at pinagmamasdan kaming dalawa.
"U-huh." Tango ko sa kanila at hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Tumingin naman ako kay Seb at nahuli ko syang nakatingin din sa akin. Ipinatong nya ang kanyang braso sa likod ng aking bangko.
Kahit sa simpleng ginagawa ni Seb, kinikilig ako. Lahat ng ginagawa nya ay tinatandaan ko. Ewan ko ba kung bakit ako ganito kahumaling sa kanya. Ang lakas ng tama ko pagdating sa kanya. Na minsan, nakakatakot na rin kasi baka iwan nya ako or something. Hindi ko maiwasang mag-isip ng ganun, merong possibility, hindi ba? Pero 'wag naman sana. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung ganun nga.
"Kelan pa? Kaya pala lately, ang blooming ng lola mo." Untag naman ni Tracey.
"Oo nga." Pagsang-ayon ni Alex. Umiling naman ako at ininom na lang 'yung shot ko. Totoo ba yang blooming blooming na yan pag in love ang isang tao?
"Kagabi lang." Si Seb na ang sumagot para sa akin.
"Talaga?? Ilang months na ba kayong magkakilala?" tanong ni Alex.
"Almost 2 months pa lang." sagot ko sa kanila. Masyadong mabilis, no? Easy to get ang peg. Wala, natamaan ako ng pana ni kupido, e. Sapul na sapul ang puso. Hindi naman pati ako naniniwala dun sa kasabihan na dapat kilalanin mo muna yung nanliligaw sa'yo. Pwede ko namang gawin yun pag kami na.
"Wait. Magrerequest lang ako ng kanta." Sabi ni Tracey at tinawag si Anne para magrequest ng kanta.
Nagsimulang tumugtog ang isang pamilyar na kanta. Thinking Out Loud by Ed Sheeran. Kinikilabutan ako sa t'wing napapakinggan ko ang kantang 'to. Bagay na bagay sa nararamdaman ko ngayon. Tama pang ang ganda ng boses ng kumakanta, nakakagaan ng loob.
"At dahil dyan, let's cheers." Sabi ni Dom. "Alex, lagyan mo ulit ung shotglass nina Ocamps at Seb." Agad naman akong tinagayan muli ni Alex.
Unang nagtaas ng shotglass si Dom, "For newly couple, patunayan n'yong may forever. CHEEERS!!!" Sabay kaming napahalakhak ni Seb sa sinabi ni Dom.
"CHEEEEEEEEEEEERS!!" sigaw naming lahat.
Ramdam ko na sinusuportahan nila ako sa kung ano man ang naging desisyon ko, and I'm thankful for that. Alam kong hangad nila ang kaligayahan ng bawat isa sa amin, nagkataon lang siguro na nauna akong makakilala ng lalaking seseryosohin. Kung dati hindi ako naniniwala na may forever, ngayon unti-unti ko ng binabago ang paniniwalang iyon.
"Alam mo ba Seb, base sa mga kwento ni Cassidy sa'min dati, napakamisteryoso mo." Aniya ni Dom at humalukipkip.
"Ssshhhh. 'Wag kang maingay, Dom." Saway ko sa kanya at nilingon ko naman ang katabi ko.""Wag kang maniwala dyan kay Dom, Seb."
BINABASA MO ANG
Tattooed On My Mind
Romance"Again, I let my guard down. I let you in. I let you see how miserable I am!! I let you know the real me. I allow myself to fall in love again. Hindi mo ba naiintindihan 'yun???!!! Sumugal ako.... para sa'yo. Sumugal ako.. I thought you won't do thi...