Picnic
Magtatanghalian na ng magising ako kinabukasan. Kung hindi pa kinatok ni Mama ang pinto ng aking kwarto ay hindi pa ako magigising.
“Anak, bangon na dyan. Kakain na ng tanghalian.”
“Opo, ma. Sunod ako.” Umupo ako mula sa pagkakahiga. Napamura na lang ako ng biglang makaramdam ng hilo. Mukhang may hangover pa yata ako. Kinapa ko ang ilalim ng aking unan para hanapin ang cellphone ko.
“Shit. Nakalimutan kong icharge.” Sabi ko habang hinahanap ang charger ng aking cellphone. Nang makita ko iyon ay agad kong ichinarge ang cellphone ko at lumabas na sa aking kwarto. Dumiretso ako sa banyo para makapaghilamos at makapagsipilyo. Nang matapos ay dumiretso ako sa hapag-kainan at naabutan ko sina Mama at Papa na nakaupo na doon.
“Anong oras ka umuwi kagabi, Cassidy? Nasaan yung isang sasakyan?” tanong ni Papa.
“Hala. Oo nga pala.” Gulat kong sabi. “Nasa Beer in Mind RestoBar, pa. Iniwan ko na muna dun dahil ayaw kong magdrive ng nakainom.” Sabi ko habang sumasandok ng kanin.
“Pagkatapos mong kumain ay maligo ka na. Kunin mo dun yung sasakyan.” Aniya Papa.
“Oho.”
Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa aking kwarto para tingnan ang aking cellphone. Pagkabukas ko sa aking cellphone ay hindi ito magkamayaw sa pagtunog. Nakita kong puro mensahe ni Seb ang nandoon, 4 na text galing kay Alivia at iilan pang text mula sa aming barkada.
From: Sebastian
Goodnight, Cassidy Ocampo. Sleepwell. :*
Good morning, miss. How’s your sleep? :)
Hey :(
Sa tingin ko tulog ka pa. Text or call me paggising mo. I miss you.
Hey, sleepyhead. Wake up. It’s almost lunch time.
From: Alivia Marcos
Goodmorning, bessie!!!!
Hoyyyy
Aba, gising gising rin. Kaya ang ganda ng katawan mo, e. HAHAHA
HOYYYYY!!!! GISING NA OCAMPOOOO
From: Jane Abante
Anong balak mamaya? :))))
Una kong rereplyan si Seb dahil nahiya naman ako sa dami ng text nya. Habang nagtatype ng irereply ay kinuha ko na ang aking pink na tuwalya para makaligo na.

BINABASA MO ANG
Tattooed On My Mind
Romance"Again, I let my guard down. I let you in. I let you see how miserable I am!! I let you know the real me. I allow myself to fall in love again. Hindi mo ba naiintindihan 'yun???!!! Sumugal ako.... para sa'yo. Sumugal ako.. I thought you won't do thi...