Catch Up
“Anong oras na ba?” I mumbled to myself and then checked my wristwatch if what time is it. 9:30 am? Shit! My first class is exactly at 1:30 in the afternoon. Dapat by 11 am nasa condo na ako. Bawal malate, isa sa mga major ko ‘yun.
Ang traffic naman dito sa Magallanes. Wala bang shortcut?
“Kuya, sinong susunod na ihahatid?” I said to the driver. “Meron po kasi akong class ngayong 12 noon. Malelate na po ako.” I lied. Hindi naman masamang magsinungaling minsan, ‘di ba?
Tuwing umuuwi ako ng probinsya at bumabalik dito sa siyudad, sa door-to-door van ako sumasakay. Less hassle kasi, at mas mura pa ang fare. Isa pa, ayoko ng nagcocommute.
“Saan nga ho ulit kayo ma’am?” tanong ng driver sa akin.
“Sta. Mesa po.” Sagot ko habang tinitingnan ang mga katabi naming sasakyan.
“Sige ho. Ihahatid lang natin itong taga-Makati, tapos kayo na ho ang isusunod kong ihatid. Pasensya na ma’am. Naabutan kasi tayo ng traffic.”
“Sige po. Hmmm, Kuya! May alam akong shortcut na daan. Ituturo ko na lang sa inyo mamaya para ‘di na tayo maipit dito sa traffic.” I said to the driver and he nodded.
Finally, after an hour, nakarating din ako sa condo ko. I dialled my mom’s number to ensure her that I got home safely.
“Ma! Kadadating ko lang. Grabe! Sobrang traffic. Gutom na ako.” Reklamo ko.
“Just eat first, and then take a rest. What time is your first class?”
“Mamaya pang 1:30.” I said. “Osige Ma, aayusin ko muna ‘tong mga gamit ko. I’ll call you later. Ingat kayo jan.”
“Sige. Mag-ingat ka din jan.”
“Opo.” I replied. “Bye.” Then I ended the call.
Ang dami ko pang dapat ayusin. Pero dahil 11 am pa lang naman, I decided to take a nap.
--
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw. Teka? Anong oras na ba?
Oh fuck! Pagtingin ko sa orasan, 12:45 pm na. I’m dead!
Papasok pa ba ako o hindi? Sayang naman yung pagsisinungaling ko kanina kung hindi. So I got up. Buti na lang inihanda ko na kanina yung uniform ko.
2 pm ng makarating ako sa Finlandia College. Ang dami yatang transferee ngayon? Or ngayon ko lang siguro sila nakita kahit matagal na silang estudyante dito.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad papuntang Snackbar ng biglang nag-vibrate ang phone ko. Tracey’s calling.
BINABASA MO ANG
Tattooed On My Mind
Romance"Again, I let my guard down. I let you in. I let you see how miserable I am!! I let you know the real me. I allow myself to fall in love again. Hindi mo ba naiintindihan 'yun???!!! Sumugal ako.... para sa'yo. Sumugal ako.. I thought you won't do thi...