Chapter 19

22 1 0
                                        

Si

Lumipas ang isang linggo na lagi akong puyat dahil sa mga ipinapapasang requirements ng aking mga propesor. Dahil na rin siguro malapit na ang pasko. May iilan pa nga na nagpapagawa ng research paper na ipapasa pagkapasukan sa susunod na taon. Ayaw yata talaga kaming pagbakasyunin ng maayos. Kahit naman mainis ako o gusto ko ng mang-murder ng tao ay hindi pa din pwede, gagawin at gagawin ko pa rin lahat ng pinapagawa nila dahil takot akong ibagsak ang kahit isa sa aking mga subjects.

Sabay din kaming bumalik dito sa Manila ni Seb last week dahil kailangan na rin daw nyang pumasok. Tinext ko na lang sina Alivia na siguro next week ay makakauwi na ako. One week na lang at Christmas vacation na! Oh, diba? Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nung umuwi ako ng probinsya. Tapos ang nasa isip ko nanaman ay iyong paguwi ko next week doon.

Kasalukuyan akong nagpapahinga sa paggawa ng budget paper at book review na ipapasa na next week nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at nakita kong nagtext si Seb.

From Sebastian:

Where are you? I miss you, Sid :(

Simula nung bumalik kami ni Seb dito sa Manila ay hindi pa kami nagkikita. Hindi rin naman sya nagyayayang lumabas dahil busy rin siguro sya. Hindi ko rin naman sya mayayang lumabas dahil, hello?, nakakahiya kaya!

To Sebastian:

SB RobMag. You? :)

Ilang sandali pa akong tumunganga habang naghihintay sa reply ni Seb. Buti na lang at Friday ngayon, acoustic night. Ang sarap magchill. Inilagay ko ang laptop ko sa loob ng aking bag at dinampot ko ang aking kape at lumabas para maghanap doon ng pwedeng maupuan. Buti na lang at may bakante pa.

Ilang minuto rin akong naghintay pero hindi pa rin sya nagrereply. Nakasandal lang ako sa aking upuan at nakikinig sa mga kumakanta. Ang galing naman maggitara nung lalaki, naalala ko tuloy si Seb. Am I fooling myself if I say I miss him?

Ilang minuto pa akong nakinig sa mga kumakanta, nakapangalumbaba habang pinaglalaruan ko sa kanang kamay ko iyong kape.

Heto nanaman ako at nagiisip ng kung anu-ano. Wala pang dalawang buwan ng makilala ko si Seb? Hindi ba masyadong mabilis ang pangyayari? Akala ko ba hanggang laru-laro lang ang peg ng beauty ko? Eh, ano tong nangyayari? Totoo kaya tong nararamdaman ko para sa kanya? O false alarm lang? Baka maya-maya bigla na lang maglaho lahat ng nararamdaman ko para sa kanya, ano ng gagawin ko?

Kinuha ko ang aking cellphone at brinowse iyong gallery. Tiningnan ko ulit yung picture nya na kinuha ko noong nagpicnic kami. Napabuntong-hininga na lang ako.

“Hanggang saan ang kaya kong isugal para sa’yo?” sabi ko sa sarili ko at agad kong tinakpan ang aking mukha ng aking mga palad.

Naisip ko rin, paano kaya kung totoo itong nararamdaman ko? Na umiibig ulit ako? Na siguro in denial lang ako sa ngayon? Pero kasi ang dami ko pang hindi alam tungkol sa kanya. Para sa akin napakamisteryoso pa rin nya. Hindi ko naman maitanong sa kanya yung mga nagpapalito sa isipan ko dahil nalilimutan ko lahat ng katanungan ko sa tuwing magkasama kami.

Tattooed On My MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon