It’s Nothing
Bakit ngayong araw pa na ‘to kami nagkita? At bakit dito pa sa NB na ‘to sya pumunta? Madami namang ibang mall dyan, ah. Naiiyak na ako. Sayang yung libro! Matagal ko ng hinahanap yun. At kaninang abot-kamay ko na, tsaka naman nawala. Haaay, buhay nga naman!
And wait, he said her girlfriend wants that book. So, he already has a girlfriend. Sinasabi ko na nga ba! Basta mga ganung pagmumukha, mga pa-fall. Buti na lang, kung irerate yung damdamin ko para sa kanya, 3 out of 10 pa lang!
Instead I settled for Dear Alex, Break na kami. Paano? Love, Catherine, Alex Gonzaga’s book. Grabe naman. Parang nakipagbreak sakin ang boyfriend ko(as if I have one). Hindi ko matanggap na hindi ko pa rin mabili-bili ‘yung librong gusto ko!
My phone vibrated. Sina Tracey siguro ‘to. Yes, I’m right!
“Hello?”
“Bruha, san ka na? Nandito na kami sa labas ng Cinema 2. Hurry Up!” Tracey said over the phone.
“Papunta na po, boss! Bumili lang ng libro.”
“Libro nanaman? Puro fictional stories lang yan, eh. Kung yung Labor Law na lang ang binabasa mo.” Sabi ni Tracey habang tumatawa.
“Tse. Echosera!” I laughed. “Oh sige na. Hintayin nyo na lang ako dyan. Bye!” Then I ended the call and headed to cashier.
Iniabot ko sa cashier ang libro at nagbigay ng 500-peso bill. Aalis na sana ako pagkatapos kong makuha ang sukli pero tinawag ako ng cashier. “Ma’am!”
“Bakit po?” I asked. Confused. Nagbayad naman ako, ah? Anong kasalanan ko?
“May nagpapabigay po.” She handed me a paper bag.
“Ano po ito?” I asked.
“Tingnan nyo na lang po, Ma’am.”
Agad kong binuksan ang paper bag. Nakita ko doon yung librong After by Anna Todd.
“Sino pong nagpapabigay?” tanong ko sa cashier. “Baka po nagkakamali lang kayo ng napagbigyan. Baka po hindi para sa akin ito.”
“Para daw po sa inyo yan, Ma’am. Sinigurado pa nga po nya na maibibigay ko yan sa inyo pag paalis na kayo.” She smiled at me.
“Ok po. Salamat!”
Lumabas na ako ng NB at dumiretso sa escalator.
Posible bang si Seb ang nagpapabigay nito? Hindi ba sabi nya, yung girlfriend nya ang pagbibigyan nya nito? Bakit nya ibinigay sa akin? Hindi naman nya ako girlfriend? Ugh. Too many damn questions that myself can’t answer.
Nagmadali akong pumunta sa tapat ng Cinema 2 dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang palabas. Habang naglalakad ay lumingon-lingon ako sa paligid. Nagbabaka-sakaling makita ko si Seb doon. Ibabalik ko sana ang libro.

BINABASA MO ANG
Tattooed On My Mind
Romance"Again, I let my guard down. I let you in. I let you see how miserable I am!! I let you know the real me. I allow myself to fall in love again. Hindi mo ba naiintindihan 'yun???!!! Sumugal ako.... para sa'yo. Sumugal ako.. I thought you won't do thi...