Its my birthday and this is my gift to all of you.
EPILOGUE
"BREAKING NEWS! ANAK NG PANGULO NG PILIPINAS NA ASAWA RIN NG ROYAL PRINCE NG GREECE, NAPAANAK SA TRUCK NG BASURA!"Dad clenched the newspaper in his hand and turned to gave me his deadliest stare. "Anong kalokohan ito?!" Marahas niya muling binuklat ang newspaper at nangigigil na binasa ang pinaka-headline ngayon at trending sa buong mundo. "South Benedicto, pumutok ang panubigan matapos makipag-sagupaan sa pinaka-notorious na myembro ng Sigma, kasama nito ang buong gang kabilang na ang anak ng Senator, Gabonito Cortez, anak ng Gobernador na si Atarah Montero, maging ang asawa ng panganay na kapatid, Vape Miyashiro at ang mga anak ng retiradong actor na si Jackal Crane. Ayon sa mga nakasaksi, sumugod si South Benedicto bitbit ang isang machine gun blah blah..."
"That sounds like a fake news," Genesis said, hiding his smirk from my raging Dad.
Dad snapped his head on us, beast mode na beast mode ang itsura nito. Kung hindi lang ako nakaratay sa Hospital bed tiyak na kanina pa niya ako nasakal.
"Fake news?! Are you telling me this is fake news?!"
Tumango ako. "Fake news lang 'yan Daddy. Ano namang gagawin ng buntis sa isang gang fight? At saka nag-retire na ako, alam mong sinasamba ko na ang bawat inaapakan mo," I lied smoothly.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter [The Final Kick]
HumorThe Badass Babysitter Volume 3, the final kick 04/02/2020 - 06/17/2021