Chapter 1: PT

34.6K 845 774
                                    

CHAPTER ONE

KIER ANDROMEDA

"Sugarlove-pasensya na talaga! Na-stuck ako sa traffic, hindi ako makaalis dito sa A-LEX! Huhuhu 'wag kang magagalit sa akin!" nagpapanic kong sabi through bluetooth speaker ng sasakyan ko habang bumubusina. Hindi ko makita ang dulo ng kalsada dahil puno ito ng mga sasakyan. Mahigit isang oras na akong stranded dito at sobrang kabado na rin dahil late na ako sa date namin ng sugarlove ko.

"Anak ng! Bakit traffic diyan?" sigaw niya sa kabilang linya.

"Under construction kasi ang subway. Kung alam ko lang na ganito kalala dito sana madaling araw palang lumabas na ako ng bahay" halos maiyak na ako. Alas tres ng hapon kasi ang usapan namin ni Atarah. Pagtingin ko sa suot kong relo-3:02 na. Ayaw na ayaw ko pa naman ang nala-late sa date namin. Mahalaga ang oras sa akin kapag kasama ko siya.

"Tss. Open your location and I'll track you. Give me three minutes."

Naguguluhan man ay sinunod ko ang utos niya. Mahirap galitin ang Gangster kong girlfriend. Huling beses na nagalit siya binabalibag niya ang sino mang makita niya-isa na ako roon.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapagtanto na girlfriend ko na ulit siya-oo, ulit kasi hiniwalayan niya ako noon pero ngayon nag comeback na kami at hindi na maghihiwalay. Hindi na rin naman ako papayag. Mahal na mahal ko si Atarah at gagawin ko ang lahat para sakanya.

Napahagikgik ako nang maalala kung paano kami nagkakilala. Elementary kami noon, isa akong cute at medyo lampang bata at si Sugarlove-siya lang naman ang kinakatakutang bata sa school namin. She bully every kids that comes on her way, isa na ako roon. Inaagaw nito noon ang baon kong Chuckie at pinapagawa niya sa akin ang mga assignments niya. Wala naman akong reklamo dahil noon pa man ay nagustuhan ko na siya.

Atarah was the baddest kid in our school, she fear no one. She can say whatever she want and play whenever she desires. She's very blatant, a troublemaker and everyone's own nightmare. Except for me. She's my princess, my gangster and my dream. Mahal ko siya mula lupa sa paa hanggang sa mga kuto sa ulo niya. Atarah is literally my everything. My everything.

Hays, namiss ko na agad ang sugarlove ko.

A knock on my car window broke my sweet reverie. To my surprise, I saw a red head woman standing with boredome outside my car. I rolled down my window and smile at my girlfriend. Wala pang tatlong minuto ay nandito na siya.

"Hi, sugarlove!"

"Get out. It's so hot in here" reklamo niya.

Agad akong lumabas ng sasakyan at saglit na tinanaw ang mahabang linya ng mga sasakyan. Halos mabingi ako sa mga busina at maubo sa usok ng mga makina, isama mo rin ang mainit na panahon na nakakadagdag init ng ulo ngunit dahil nandito ang girlfriend ko, everything is cool.

"Paano ang sasakyan ko?" tanong ko nang hilain niya ako papunta sa motor niya.

"Someone will pick it up" she said and hand me a helmet. Sinuot nito ang kanya na siyang ginaya ko naman. Matapos niyang sumakay ay sinenyasan niya akong sumampa kaya sumunod ako.

It wasn't my first time riding her deathtrap but the adrenaline was always in there. Kaya nang pinaandar na ni Atarah ang motor ay mahigpit na akong kumapit sa bewang niya.

"Too close, Andromeda" she glance behind.

"Baka mahulog ako baby e." I grinned like a Chesire-cat.

She shot an eyebrow at me but smirked nonetheless.

"O siya, kumapit ka lang. Kapag nahulog ka, sasaluhin kita" she winked that made me giggle like a kid who just saw a candy.

The Badass Babysitter [The Final Kick]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon