Chapter 20: War

8.6K 490 421
                                    

CHAPTER TWENTY

GAB CORTEZ


Naniniwala akong nakasalo ako ng isang baldeng kamalasan noon pero isang drum naman ang naipon ko nang umulan ng swerte. I have a perfect face that could send Superman jobless. I have the body girls would die just to see. A kind and generous heart that touches everyone. And awesome smart brain — fine, my highest grade is 88, and that's in P.E.

But still, I am the Gabonito Cortez, Prince of Abs University. The heart of Hunk City.

Yet, I had a hard time accepting the fact that I'm into a boy, a very pretty boy with a honey coloured eyes.

Oo, inaamin kong gusto ko na nga si Psalm. I feel disgusted at myself but I couldn't stop this feeling. I tried telling my heart to stop beating for this lovely boy but it never listens. I tried to divert my thoughts but an image of a boy with the sweetest smile seems carved permanently inside my head. I couldn't stop myself, like I am no longer the owner of my mind, body and soul.

I just want to have a one date with him to prove that all of these are just a product of desperation. And loneliness. Sakop na lahat ni Psalm ang pagkatao ko pero may parte pa rin ang malinaw sa akin na baka imahinasyon ko lang ito. Na baka, nalilito lang ako. Na baka, simpleng atraksyon lang ito sa isang extraodinaryong ganda ng isang lalaki. I've never seen a beautiful boy like Psalm. Kahit nalibot ko na ang buong mundo at nakita na ang mga magagandang tanawin, si Psalm pa rin ang bukod tangi.

Tila sasabog na ang ulo ko sa mga iniisip. Parang nahati sa dalawang utak ang utak ko. Ang isa ay tinutulak ako sa balon na hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa loob, at ang isa ay hinihila ako, pinipigilang mahulog.

"Gab, kakainin mo pa ba 'yang spaghetti mo? Akin nalang kung ayaw mo hehe."

I look at the Boy, beautiful than Garden of Versailles in France. Jaw-dropping more than the Mount Fuji in Japan. Mysterious than the Great Pyramid of Giza in Egypt. Romantic than the Eiffel Tower in Paris. And I'm lost, like the Lost City of Atlantis everytime he's near me.

How could this boy affect me this much?

"Gab? Hehe... ganito pala ang date, 'no? Kakain lang tayo ng spaghetti—eh? Gab? Humihinga ka pa ba?"

My heart leap from a cliff when Psalm's face were inch away from mine. Tila napaso, tumalsik ako sa isang paa ng kama ko at tumama ang likod sa kahoy.

"Aww..." Fuck! Mukha na nga akong flat na gulong tapos mai-imbalido pa ako!

"Hala, Gab! Para ka namang mantikang tumatalsik diyan! Ayos ka lang?" Lumapit siya sa akin at lumuhod sa tabi ko.

"A-ayos lang ako..." medyo umurong ako palayo dahil baka atekihin ako sa lapit namin.

"Bakit namumula ka?"

Tumungo ako para itago ang mukha.

"Pati tenga mo namumula. Natatae ka ba?"

Umiling ako. Hindi makatingin sakanya.

"Hmm, bakit kaya?"

Sinilip ko siya at nakitang ang isang daliri niya ang nakaturo sa pisngi saka nakatingin sa kisame. Gusto kong maiyak. Naaawa na ako sa sarili ko. Bakit kahit anong gawin niya ang cute-cute niya?

"Hindi kaya nababaliw ka na Gab?" Tumingin siya sa akin nang may nanlalaking mga mata.

Tumango ako, natulala sa ganda ng mga mata niya. Binatukan ko ang sarili para matigil ang kahibangan. Malala na ako.

The Badass Babysitter [The Final Kick]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon