This chapter is dedicated to @EllaJessicaArcenia and to all readers.
Thank you for reading The Badass BabysitterCHAPTER NINETEEN
SOUTHERN BENEDICTO
Napakurapkurap ako nang makita sila Noah, Peter, Psalm, Isaiah at Josiah na bitbit ang mga Dora na luggages. Namumula ang mga mata nila, tanda nang pag-iyak.
Sa gilid ng hagdanan ay nakatayo sina East at West, parehong may bitbit na box ng tissue habang umiiyak. Sa gitnang bahagi ng hagdan ay naka-upo si Gyro, nakahalumbaba habang nakatingin ng bagot sa mga lalaking nag-iiyakan sa living room. Si Nanang at Tatang naman ay magkayakap sa gilid at halatang malungkot. Vape and North are sitting on the sofa, hands intertwined together with a sullen look.
"Anong nangyayari?" Kunong noong tanong ko. Naglakad ako papalapit sa mga Crane at sinuri ang mga bagahe. "Aalis na kayo?"
Biglang humagulgol si East at West, sinundan iyon ni Isaiah at Josiah. Si Psalm nakanganga habang umiiyak pero walang boses na lumalabas. Si Peter nakahilig sa balikat ni Noah, taas-baba ang mga balikat nito, umiiyak pero wala ring sounds. Si Noah naman ay maarteng pinunasan ang mga luha sa mga mata gamit ang puting panyo.
I woke up with a heavy feeling, still fresh from the bloody fight last night. Namumula ang mga kamao ko, masakit ang ulo pero tila nadagdagan ang sakit ko sa nasasaksihan ngayon. Anong kalukuhan ba ang nangyayari?
"Ano ba talagang nangyayari?" ulit ko sa tanong.
Suminghot muna si East bago sumagot. "A-aalis na sila, Ate. I couldn't take this anymore! It's so painful seeing them leave!" palahaw niya sabay yakap kay West.
"Don't go!" sigaw ni West at in-stretch pa ang isang braso na tila may inaabot.
In-stretch din ni Peter ang isang braso, kunwari'y pilit inaabot ang kamay ng kapatid ko.
"It's time."
Lumabas si Tito Jackal mula sa kung saan, may hawak din siyang panyo at mala-Vilma Santos na nagpunas ng mga mata.
"Bakit kayo aalis?" takang tanong ko. Naguguluhan sa mga nangyayari.
"Uuwi na kami, Timog. Babalik na kami sa House of Crane," sagot ni Noah.
"Gusto man naming dito na tumira pero nami-miss ko na ang kwarto ko," madamdaming hayag ni Peter.
"Miss ko na ang mga labahin ko," Psalm sniffed.
"Miss ko na ang mga plato," iyak ni Isaiah.
"Miss ko na ang mga pader," iyak din ng bunso.
"Tito, okay lang naman kung nandito kayo." Baling ko kay Tito Jackal. Mas gusto ko pa nga na nandito sila dahil mas nababantayan ko sila ng maayos.
"Alam ko, South, pero tinext ako ng bahay namin, eh. Miss na miss na niya raw ang mga abs namin," madamdaming aniya. Napangiwi ako. Langya, may bahay na palang nagte-text.
"Let's go."
Napatingin ako kay Genesis na may hawak na malaking maleta habang pababa ng hagdanan pero pinangunutan ako ng noo nang mapansin ang pamilyar na kulay itim na maleta.
"That's my luggage!" What the hell? Bakit naka-empake ang mga gamit ko?
Hinawakan ni Genesis ang kamay ko nang makababa siya. Hindi siya umimik sa akin, imbes ay tumingin sa mga kapatid.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter [The Final Kick]
HumorThe Badass Babysitter Volume 3, the final kick 04/02/2020 - 06/17/2021