Chapter 3: Rise of the Mummy

11.6K 540 467
                                    

Be safe...

CHAPTER THREE

ACE LUXURIA

Black balloons, flowers, candles, black curtains and a tarpaulin na may nakalagay na IN LOVING MEMORY OF BABY TIGER, and a photo of a red-brown chicken attached in the side na parang nasa heaven, iyan ang bumungad sa amin pagpasok namin sa bahay ng mga Crane.

"They took it seriously, didn't they?" Cain whispered in my side.

Siniko ko siya sa gilid para manahimik. Dumiretso kami sa living room ng mga Crane at doon naabutan namin ang limang lalaking nakaitim habang nakapalibot sa maliit na kahon—kabaong na nasa gitna ng mga bulaklak.

"WAAAAAAAHHHHHHH!"

"BAKIT MO KAMI INIWAN?! BAKIT?!"

"HUHUHUHU! BABY TIGER!"

"ISAMA MO NA AKO, BABY! ISAMA MO NA AKO DIYAN SA HEAVEN!"

"HUHUHU! SANA PRINITO NALANG KITA!"

Nagkatinginan kaming magkakaibigan. Hanggang sa tumikhim ako para makuha ang atensyon ng mga Crane. The five-in-black-clothes men turn their heads toward us.

Sumisinghot at namumugto ang mga mata nila nang lumapit sila sa amin.

"C-condolence.." I said discreetly nudging my friends to give some sympathy.

"Condolence" they finally said.

Pinunasan ni Psalm ang mga pisngi. "T-thanks, hehe. Gusto niyo ba ng biscuit o kape? O baka gusto niyo munang magbingo? H'wag niyo lang kakalimutan ang tong ha?"

Gusto kong matawa na talagang sineryoso nila ang pagkamatay ng alaga nilang manok pero hindi ito ang tamang timing para diyan. They are so innocent and pure that it touches my heart how they treat an animal as a part of their family. Nakakatuwa sila.

"Pwedeng magtong-its din kami?" excited na tanong ni Ajax.

"Sige. Dito tayo habang hinihintay din natin ang iba" sabi ni Peter at lumabas sa front yard kasama ang mga kaibigan ko.

"Magti-timpla lang ako ng kape" sabi ni Psalm.

"Tulungan na kita" I said, smiling at him.

Tumango naman ito at ngumiti pero malungkot iyon. Mas lalo akong naawa sakanya.

Nanatili si Isaiah sa sofa at humihikbi, sa tabi naman niya si Noah na pinapatahan pa ito. Iniwan namin sila at dumiretso sa kusina.

"Okay ka lang ba Psalm?" I asked, worried because he keeps on sniffing.

Tumingin siya sa akin at doon nakita ang pamumula ng ilong at mga mata. "O-okay lang, alam mo kasi Ace...sa sahig na 'yan dumudumi si Baby Tiger" turo niya sa kinatatayuan ko.

Ngumiwi ako.

"At sa parte naman na ito naglalaro siya ng habulan kasama sina Butyik" turo niya naman sa sahig sa harap niya.

"Sino si Butyik?"

He smiled and wipe his cheeks. "Mga butiking alaga din namin."

The Badass Babysitter [The Final Kick]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon