Chapter 4: Sigma Dynasty

10.6K 555 260
                                    

"Let the sun illuminate parts of you that are dormant, numb, or forgotten. Rub the sleep from your eyes and welcome the new dawn." -Unknown

CHAPTER FOUR 


    

SOUTHERN BENEDICTO


"Uwaaaaaaahhhhh!"

"Huhuhu! Bakit mo kami iniwan?!"

Atarah and I exchanged a satisfying look as the guest handed thick violet-color-money into Psalm who quickly shoved it inside the donation box.

"Sana makatulong ito sa inyo." Ibang bisita naman ang nag-abot ng abuloy kay Peter na akmang ibubulsa pa ngunit pinandilatan ko ito ng mga mata. Humaba ang nguso nito bago nilagay din sa donation box ang pera.

"Tiba-tiba pala tayo dito, sana noon palang nilason na natin ang manok na 'yan" bulong ni Atarah. Nakalaloko ang ngisi nito at ang mga mata ay kumikinang ng peso sign.

May mga bagong dating na bisita kaya agad kong sinenyasan si Isaiah, Psalm at Josiah na umiyak. Syempre kasama sa strategic plan namin ang pag-iyak nila para bumenta sa market.

"Huwaaaaaahhh! Huhuhu!!"

"Baby Tiger! Bakit mo iniwan si Mommy!"

"Huhuhu! Bumalik ka na hindi ko na kaya!"

Ang mag-asawang bisita ay agad nalukot ang mukha sa awa at lungkot. Sinenyasan ko ang tatlo na mas pagbutihan pa na agad namang sinunod.

"HWAAAAAHHH! BABY TIGER!"

Kunwaring nagpunas naman ng mga mata si Peter bago tumabi sa mag-asawa na nakatitig sa urn ng manok. Pina-crimate namin para kapani-paniwala.

"Nakakalungkot, isa siyang anghel na agad ding binawi sa amin" Peter begun, eyes on the urn.

"Ilang taon na ba siya?" tanong ng babae.

"One year old, sobrang bata pa. Hindi man lang niya nakita ang kagandahan ng m-mundo" Peter broke into tears.

"Aww, I'm so sorry to hear that. Wala kaming anak kaya nakakalungkot ang nangyari sa baby mo—ikaw ba ang ama?" the husband asked.

Tumango si Peter. "Masakit sa isang ama na mawalan ng anak."

"I am really, really sad for what happened to your baby. Eto, tanggapin mo itong maliit na tulong namin sa inyo."

I licked my lips like a kid saw an Ice Cream when the woman handed him a thousand bill. Napalunok naman si Atarah sa tabi ko.

"T-thank you, ma'am.."

"What happened to your child anyway?" tanong ng asawa.

"Ah, nakalunok ng thumbtacks—ang ibig kong sabihin flu. Namatay siya sa flu" pag-tatama niya ng pandilatan ko ito.

"Anong klaseng flu?"

"Bird flu."

Matapos magpaalam ng dalawang mag-asawa na magbi-bingo muna ay agad kong hinila si Peter at binulungan.

The Badass Babysitter [The Final Kick]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon