Chapter 22: Starry night, Starry Wedding

9K 533 360
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

SOUTHERN BENEDICTO
 

 
Hininto ko ang motor sa labas ng isang Restaurant. Hinubad ko ang suot na helmet at marahang pinasadaan ng tingin ang buong paligid. Matao sa labas, sentro ng lungsod ang piniling lugar at pinapalibutan ng mga nagtatayog na gusali. Sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri bago bumaba sa motor.

Wearing a black shirt, black pants and black boots, I enter the restaurant while holding my helmet with a stoic look. Pinabuksan ako ng gwardiya, nang nasa loob, agad kong nilibot ang tingin.

May mga customers din na kumakain, hindi puno pero hindi rin malimit. Everyone seems pretty normal — someone caught my attention. Sa center aisle nakaupo ang mga sinadya ko. Agad ngumiti sa akin si Abuela nang makita ako. Hindi na siya mukhang istrikta at sopistikada, mukha na itong naglilingkod sa simbahan at pala-kaibigan.

Lumapit ako sakanila ngunit nang magtama ang mga mata namin ni Abuelo ay bumagal ang lakad ko at kiming ngumiti.

"Oh, my darling! You came! I'm so happy to see you!" Abuela beamed and pulled me into a tight hug. Hindi pa nakuntento at hinalikan pa ako sa magkabilang pisngi.

She's far too different from the Abuela I first met. Iyong una, palaban, istrikta, demonyita — pero ngayon kung ngumiti sa akin akala mo hindi pinagsalitaan ng masasama sina Daddy at Genesis. Ngumiti nalang ako para itago ang pagkailang. Hindi ko pa rin kung papaano ako nagkalakas loob humarap sakanila. And why do they want to see me, by the way? At saka, bakit ako lang? Hindi kasama ang mga kapatid ko?

"Aren't you gonna greet your Abuelo?"

Tumingin ako kay Abuelo na prenteng nakaupo, tila isang Haring nanonood sa mga sinasaklawan niya. Nakangiti siya pero iba and kislap ng mga mata, parang may pina-planong hindi maganda.

"H-hello po."

He stood and I flinched. Mukhang natuwa siya sa pinakita kong takot sa munting galaw niya dahil mahina itong natawa at lumapit sa akin para yakapin. Para akong estatwang hindi gumalaw sa ginawa niya.

"¡Me alegro de verte, mi querido." I'm happy to see you, my dear.

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya kaya ngumiti nalang ako.

Naupo kami, silang dalawa sa tapat ko na manghang nakatitig sa akin. Tumikhim ako para mawala ang awkwardness na ako lang ang nakakaramdam.

"Bakit niyo pala ako gustong makita?" basag ko sa katahimikan.

"Oh, we just want to get to know you," si Abuela ang sumagot. May ngiti. Doon ko napagtanto na nakakaintindi sila ng Tagalog.

"Ako lang?" Hindi ko maiwasang itanong.

Ang ngiti ni Abuela ay nabura at napalitan nang pagnguso. Maging ang kinang ng mga mata ay lumungkot.

"It should be all of you, my grandchildren, but your Father forbid them to see us. I honestly thought you won't let us meet you too, so I was really surprised and happy when I saw you," Ngumiti siya ulit sa akin pero malungkot. "Your Abuelo and I only want to get to know our grandchildren. You see, we did not see you ever since you were born. We are dying to get to know you and play with you all but your Father did not let us. They never allow us to meet any of you." Pinunasan niya ng puting panyo ang namamasang mga mata. "We just want to see our grandchildren, w-why are they doing this to us?"

Niyakap siya sa gilid ni Abuelo at pinatahan. Inaamin ko, medyo naawa nga ako sakanila. Naintindihan ko na iba ang uri ng pamumuhay nila sa amin. Hindi ba lahat naman magkakaiba? Masama man o mabuti, hindi dapat pinagkakaitan. So what if they are a Mafia Lords? So what if they are criminals? They are still part of our family. Their blood runs to me.

The Badass Babysitter [The Final Kick]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon