Chapter 16: Text

9.4K 492 193
                                    

CHAPTER SIXTEEN

GAB CORTEZ

"Matagal pa ba?" Humikab ako. Kinusot ko ang mga mata para mawala ang antok. Sinuntok-suntok ko rin ang pwet dahil kanina pa ito namamanhid sa apat na oras na pagkakaupo.

"Papunta na raw siya" sagot ni Cain habang sumisipsip sa milkshake.

"Who are we waiting exactly?" That question was from the Crane infamous cousin. Since he's already part of the gang, he hangs out with us more often. Okay naman siya kasama. Siya nga taga-bili ng mga pagkain namin, eh.

"Just someone important. Padagdagan mo nga ng black pearl nitong milk tea ko" sabay utos ni Ajax rito.

"Okay!"

My wicked friends grinned at each other after Harry left to run an errand for Ajax. Napailing nalang ako sa pinag-gagawa nila.

"I'm starting to like the dude. Masunurin!" he laughed.

"Stop bullying him, Ajax. He's one of us now" suway ko sa kaibigan.

"Kahit na. I still don't trust him."

Ajax and his trust. Hindi nalang ako nagkomento at humalumbaba sa lamesa. Apat na oras na kaming nandito sa terrace ng ChaseTheMilk Shop na pagma-may-ari nila Chase. Dito kasi namin naisip tumambay dahil sabado at isa pa, sabi ni Cain na may gustong kuma-usap sa amin—the whole gang.

"Cain sino ba talaga ang sinasabi mong importanteng tao na pupunta dito?" bagot na tanong ni Ace.

Inirapan ko ang best friend—I mean, ex-best friend ko. Akala ba niya hindi ko alam na ka-text niya si Psalm kanina? Sinilip ko at may pangungumusta pang nalaman! Ang sarap niyang sakalin at gawing sago sa milk tea. Nagpipigil lang ako dahil ayoko pang maging criminal. Pero malapit na.

Speaking of Psalm, hindi pa niya sinasagot ang text ko mula gabi. I send him a Goodnight but he did not respond. Hinihintay ko pa hanggang ngayon kahit tanghali na.

"Basta—oh, he's here!"

Halos mabilaukan ako sa sariling laway ng may pumaradang black Mercedes-Mayback Exelero sa tapat namin. Holy mother milktea! That cost a fortune!

Maging ang mga kaibigan ko ay napanganga rin at agad nag-laway. Who doesn't? Damn, man! I've been dreaming a car like that! Makapagpabili nga kay Papa. Gusto ko 'yung kulay honey—kakulay ng mga mata ni Psalm.

"Oh, man!"

Naka-abang kaming lahat nang bumukas ang driver seat ng sasakyan. Curious of who owns that fuckin' expensive ride. A lean man stepped out wearing a Cartier Panthere sunglasses. Inilibot nito ang tingin sa paligid bago bumaling sa amin. Nagsalubong ang mga kilay nito bago tinanggal ang salamin at sinabit sa manggas ng itim na damit.

"M-master..." my friends muttered.

I remain unfazed but my insides was having a blast. What the fuck! Genesis owns a fucking Mercedes-Mayback Exelero?!

Kinuha ko ang cellphone at tinext si Lukas na nasa Amerika.

Genesis owns an expensive car. I'm shook.

Sunod akong nagpadala ng text kay Papa.

Pa, bilhan mo ako ng Mercedes-Mayback Exelero, please? Color yellowish-brown. Promise, iki-kiss kita pag-uwi ko. Love you.

He was quick to respond making me smile.

Okay, baby! Basta three kiss okay? Love you back and forth.

The Badass Babysitter [The Final Kick]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon