Lumabas ako ng kuwarto ko at pumunta sa kuwarto ni Ate Saylor para makipag-usap saglit bago matulog.
"Ate Saylor, anong ginagawa mo-"
"Hey! Kumatok ka muna bago ka pumasok!" Sigaw niya at natatarantang may itinago sa likod n'ya.
Natigilan ako habang nakatingin sa kung anong itinago niya bago tumango. Muli akong lumabas at isinarado ang pintuan, nag intay ako ng ilang sandali bago kumatok at pumasok muli sa kuwarto niya.
"Ate Saylor, anong ginagawa mo?"
Nanatili siyang tahimik habang hindi makapaniwala sa akin, hindi rin ako sigurado kung gusto ba niyang mainis o mag wala base sa ekspresyon niya ngayon.
"Wala ka bang magawa sa buhay mo?" Tanong niya at inilabas ang itinago niya. Lumapit ako sakaniya at napatingin sa cellphone na hawak niya. "May pinapanood ka? Bakit wala kang earphones?"
"Nasira."
Muli sana akong magtatanong nang bigla niyang itaas ang hintuturo niya at inilapat sa labi niya. "Shhhh."
Napatingin ako sa cellphone niya at nagulat ako nang may nakita akong hubad na babae at lalaking naghahalikan.
"Bakit ganiyan ang pinapanood mo?" Gulat na gulat kong tanong at napa atras.
"Ano ka ba, wala naman masama sa panunuod ng porn, nasa tamang age na 'ko para sa ganito." Sagot niya habang hindi inaalis ang tingin sa cellphone.
"Halika, tignan mo, alam mo masyado ka kasing inosente, may alam ka ba sa ganito?"
Napailing ako.
"Ano ka ba, wala ka dapat ikahiya, natural lang manood ng ganito." Dagdag niya.
Saglit akong natigilan bago umupo sa kama niya.
Nanood ako saglit pero lagi akong napapaiwas ng tingin.
"Ayan, dapat gumagamit ng condom, maraming benefits 'yan, maiiwasan ang hindi planadong pag bubuntis at paghahawaan ng sakit katulad ng HIV, mahirap mahawaan niyon dahil wala pa iyong lunas blah blah blah." Patuloy na pangangaral ni Ate Saylor habang nanunuod.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag, mabilis kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko at dali-dali ko iyong sinagot nang makitang si Sylvester ang natawag. Tatlong araw na rin simula nang mag sem break kaya tatlong araw ko na siyang hindi nakikita.
"Sylvester!" Masaya kong bati, gustung-gusto ko talaga siyang makita araw-araw.
"Hi." Bakas ang saya sa boses niya.
Napa tingin ako sa oras sa cellphone ko, alas siyete na ng gabi, minsan ay hindi kami nagkakausap ng ganitong oras kaya nagulat akong tumawag siya ngayon.
"What are you doing?" Tanong niya.
Napa tingin ako sa pinsan ko bago sa cellphone niya. Ahm, diba sabi niya walang dapat ikahiya at natural lang ang manood ng ganito? At isa pa proud na proud si Ate Saylor habang tinuturan ako ng mga bagay na alam niya.
Saglit akong napakagat sa labi ko bago sumagot. "Nanonood ng porn,"
"Cheyenne!" Sigaw ng pinsan ko at napabalikwas siya ng upo sa kama. Lumingon siya sa akin at nanlalaki ang mga mata.
Hindi naman agad naka sagot si Sylvester kaya napa tingin ako sa screen ng cellphone kung namatay ba ang tawag pero hindi naman.
"Hello?"
BINABASA MO ANG
I'm The Bad Boy's Obsession
Teen FictionSa paglipat ni Chelidon Yenne 'Cheyenne' Bautista sa bago niyang school, may mga importante siyang bagay na dapat alalahanin at tandaan. Una, umiwas sa grupo ni Sylvester Rowan Mijares. Pangalawa, gawin ang lahat para maka iwas sa grupo nila Sylve...