Finally

13.1K 487 59
                                    

Chapter XXII

Katulad ng inaasahan, hindi naka pasok kinabukasan si Sylvester. Hangang ngayo'y alalang-alala pa rin ako sakaniya, gusto ko siyang puntahan upang bisitahin ulit pero may klase na ngayon dahil Lunes na. Pagkatapos naman naming mag-usap kagabi ay wala na siyang ibang sinabi, inantay ko siyang magpaliwanag pero hindi n'ya ginawa.

"Cheyenne."

Nag angat ako ng tingin mula sa binabasa kong libro at napa lingon sa seryosong mukha ni Lance.

Ngayon ko lang s'ya nakitang ganito kaya nakaramdam ako agad ng kaba. Napa ayos ako ng upo at tuluyan nang ibinigay sakaniya ang buo kong atensyon.

"Bakit, L-Lance?"

Napa kamot siya sa batok niya at ibinaba ang bag sa upuan niya bago muling lumingon sa akin. "Inaway mo ba si Sylvester kagabi?"

Napa kurap ako at bahagyang napa singhap. "H-hindi naman." mahina kong wika. Inaway ko ba si Sylvester? Hindi naman diba?

"Bakit?" nag aalala kong tanong.

"Kasi.." nag aalinlangan niyang tugon. "Hindi niya alam na pumunta ako kagabi sa condo unit niya, nakita ko pagkatapos niyong mag usap sa cellphone hindi na siya ulit nag salita, nakita ko lang siyang tumalikod tapos ayun, ewan ko, sabi ko sa'yo gusto ko siyang makitang umiyak pero huwag na lang pala, Cheyenne."

Bahagyang nanginig ang labi ko dahil sa narinig at hindi nakapag salita.

"Alam kong nangako siya sa'yong hindi na siya makikipag-away ulit, mahirap 'yon, Cheyenne, dahil basagulero talaga kami, pero ako na ang nag sasabi, tinupad niya ang pangako niya sa'yo."

"Tinupad?" mahina kong tanong na parang halos hangin na lang ang lumabas sa bibig ko.

Tumango si Lance at umupo na sa bangkuan niya. "Sa tingin mo ba, kung nakipag-away talaga si Sylvester ma bubugbog siya ng ganoon? Kahit apat pa ang kalaban n'ya kahapon, hindi siya mabubugbog ng ganoon kung nakipag away s'ya." mahinahong dagdag ni Lance. "Ibig sabihin, hindi s'ya lumaban, tinupad niya ang pangako niya sa'yo, Cheyenne."

Napa kurap ako at unti-unting napagtanto ang lahat. Tama si Lance, nakita ko kung paano makipag away noon si Sylvester kaya paniguradong hindi siya mabubugbog ng basta basta lang.

Parang may punyal na sumaksak sa puso ko. Ako ang may kasalanan kung bakit nabugbog si Sylvester. Hindi niya pinag tanggol ang sarili niya gawa ko. 

Bumagsak ang tingin ko sa libro ko at nakita doon ang maliliit na basa na nag mula na pala sa mga mata ko.

Buong araw ako no'ng hindi pinatahimik. Halos lutang ako sa oras ng klase, gustung-gusto ko makita si Sylvester pero hindi naman ako basta na lang puwedeng umalis sa school.

Sinubukan ko siyang tawagan nang tanghali pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Galit kaya siya sa akin? Sana hindi.. sana..

Lumabas ako ng classroom habang iniisip pa rin si Sylvester, ilang oras na lang bago ang unang klase sa hapon kaya bibili na ako ng tubig para hindi ko na kailangang lumabas mamaya.

Naglalakad ako mag-isa sa hallway nang may nakita akong pamilyar na lalalaki na kalalabas lang ng elevator.

Nahigit ko ang hininga ko at napa singhap. Akala ko hindi na siya papasok?

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mag tama ang mga mata namin at nag simula na siyang humakbang palapit sa akin. Gusto kong umiwas pero parang na semento ang paa ko sa sahig.

"Kamusta, Cheyenne?"

Napalunok ako at hindi agad naka sagot kay Maddox. Ang balita ko noon sakaniya ay homeschool na siya mag mula nang nabugbog siya ni Sylvester noon.

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon