Jealous

19.7K 685 89
                                    

Chapter XI

"S-Sylvester, patigilin mo na sila, please." nanginginig ang boses ko habang pinipilit si Sylvester na patigilin nang mag dampot ng kalat ang mga babaeng nambully sa akin kanina.

May hawak silang sako tag-iisa habang pulot ng pulot ng kalat sa quadrangle. Ang sabi sakanila ni Sylvester ay hindi sila makaka pasok sa classroom hangga't 'di nila na pupuno iyon.

Pinapunta si Sylvester sa office ng Principal kanina para ata paki usapan din pero wala rin silang nagawa para sa mga babae.

Matigas ang puso niya, kitang kita ko rin ang galit sa mga mata niya kanina na miski ako ay na halatang walang kahit sino ang magpapa bago sa isip niya.

"Kulang pa 'yan sa ginawa nila sa'yo." nag tagis ang panga niya at bahagya akong nilingon.

Humikbi ako at napa tingin sa labas. Awang awa ako sa mga babae. Kita kong kanina pa sila ngalay na ngalay, umiiyak na rin ang iba sakanila.

Kinabig ako ni Sylvester para ma pa harap ako sakaniya. "Don't mind them."

"P-pero."

"That's their punishment. Just be happy that I didn't gave them worst than that. If they are not girls, I'll beat them to death." 

Napa singhap ako. "Sylvester."

Umiling siya at dumukwang palapit sa akin. "Ikaw ulit ang nag luto ng baon mo?" bulong niya sa tainga ko.

Nakaramdam ako ng kiliti dahil sa pag tama ng mainit niyang hininga sa pisngi at tainga ko kaya bahagya akong napa pikit.

"O-oo." sagot ko.

Lumaki ang ngisi niya at pinunasan ang pisngi kong medyo basa dahil sa luha.

"We'll eat again together--"

Napa tigil siya sa pag sasalita dahil sa biglang pag tikhim ng teacher namin sa unahan.

Nakita kong kanina pa tingin ng tingin sa amin si Ms. Dizon pero hindi niya ata kami ma sita dahil sa takot sa kalapit ko.

Nakita kong nawala ang ngiti ni Sylvester at bumalik sa pagkaka upo ng ayos.

Akala ko hindi na niya ako kukulitin pero naramdaman ko bigla ang kamay niyang pumatong sa kamay kong nasa ibabawa ng arm chair.

Ni lingon ko siya at pilit binawi ang kamay ko pero mas hinigpitan niya ang pag hawak sa akin.

Napa tingin ako sa gilid namin dahil nakita kong naka tingin na sa amin ang isa sa kaibigan ni Sylvester. Mukhang hindi naman iyon napansin ng katabi ko kaya hindi siya nag rereact. Nakaramdam ako lalo ng hiya nang ma pa tingin ako sa unahan at may nakita rin akong kaklase naming babae at lalaki na naka tingin sa kamay naming dalawa ni Sylvester.

Wala na akong nagawa. Nang tumigil ako sa pag bawi ng kamay ko ay tumigil na rin si Sylvester sa pag pupumilit at agad pinag salikop isa-isa ang mga daliri namin.

Naka tingin lang ako doon habang ramdam na ramdam ang malakas na pag tibok ng puso ko.

Pa simple akong tumingin sa katabi ko. Nakikinig na siya sa teacher sa unahan pero humahaplos parin ang mga daliri niya sa likod ng palad ko.

Napa hinga ako ng malalim, paano ako makakapag concentrate sa pakikinig kung lagi niyang gagawin 'to?

***

Pag labas ko ng classroom kasama si Sylvester at ng grupo niya. Hindi na ako naka rinig ng kung anu-anong bulungan katulad noong umaga.

May mga namukhaan ako pero agad silang nag iiwas ng tingin sa akin.

Tahimik lang kaming dalawa ni Sylvester habang maingay naman ang mga kaibigan niya sa likod namin. Hindi ko alam kung okay lang sakanilang kasama ako pero mukhang wala rin silang magagawa kagaya ko dahil si Sylvester ang nang hihigit sa akin.

Na tahimik ang buong cafeteria nang pumasok kami. Agad lumingon ang mga kapwa namin estudyante sa direksyon namin at parang nangangarap na tumingin ang mga babae sa limang lalaking kasama ko.

May ibang halatang nagpapapansin at kinukuha talaga ang atensyon nila. Meron naman na pa simple lang kung tumitig.

Meron ding mga tumitingin sa akin. Siguro ay nabalitaan nila ang nangyari sa mga kaklase naming babae na nambully sa akin.

Mas lalo akong nailang, hindi ako sanay sa ganito at ayoko ng ganito, kinakabahan ako lagi pag alam kong maraming naka tingin sa akin.

Sinama ako ni Sylvester sa lamesang lagi nilang pwesto, bago siya umupo ay pinag hila pa niya ako ng bangko tabi niya.

Hindi na sila tumatayo para bumili ng pagkain. Nilalapitan lang sila ng nag tratrabaho sa cafeteria, tinatanong sila kung anong gusto nilang pagkain at ang mga nag tratrabaho na rin dito ang nag dadala pabalik nang mga binili.

"What do you want?" tanong ni Sylvester habang sinusuri ako ng tingin.

Alam kong siya nanaman ang mag babayad kaya iyong pinaka murang pagkain ang sinabi ko sa babaeng nag aabang.

"Ok--" naputol sa pag sasalita ang babae nang biglang sumingit si Sylvester.

"No, give her Linguine, Championship bean deep and smoothie."

"Sylvester!" angal ko.

Hindi niya pinansin ang pag tutol ko at para pang walang na rinig.

Napa tingin ako sa unahan namin nang maka rinig ng mahinang tawa.

Napa hiya ako nang maalalang kasama nga pala namin ang mga kaibigan ni Sylvester.

"Hi, kilala mo na 'ko diba?" tanong ni Lance habang naka ngiti sa akin.

Sasagot pa lang sana ako pero pinigilan na ako ni Sylvester.

"Don't talk to him."

"Woah, Dude, nakikipag kilala lang." natatawang sagot ni Lance.

Napa tingin ako sa kaliwa ko nang may mag lahad ng kamay. "I'm Daniel." Siya iyong morenong lalaki na kaibigan ni Sylvester.

Tatanggapin ko sana iyon pero pinigilan na ni Sylvester ang kamay ko.

Inis siyang naka tingin kay Daniel na natawa na rin katulad ni Lance. "You're right, he's badly smitten." bulong ni Daniel sa katabi niyang lalaki.

Nag salita rin ito habang naka tingin sa akin. "I'm Leandrei." pakilala niya sa sarili bago itinuro ang kalapit niyang kakambal, ito iyong nag sabi sa akin noon na hindi na patol sa babae at baka maging unang beses ako. "And this is Leandro, huwag ka masyadong malilito sa aming dalawa, lagi mong tandaan na mas gwapo ako dito."

Hindi na ako naka sagot nang ipaharap ako ni Sylvester sakaniya.

"Don't stare at them." namamaos niyang bulong habang naka tingin sa akin.

"Bakit?" bulong ko pa balik.

Hindi ko alam kung bakit nag bubulungan kami kahit pwede namang mag usap nang normal pero nagugustuhan ko rin naman ang pag tama ng mainit niyang hininga sa mukha ko.

Tinititigan ko ang kulay asul niyang mga mata. Inaabangan ko ang sagot niya habang mag kaharap kami.

"I'm jealous." bulong niya pabalik bago sumubsob sa leeg ko.

A/N: Hindi ko alam kailan next update, pag iisipan ko muna ang gagawin sa story. Haha.

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon